5 Years Earlier

5.2K 61 7
                                    

Elizabeth's POV.

Maaga akong nakigising, dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko. Hay~ papasok nanaman sa school. Bakit pa ba naimbento ang school sa mundo? Pero kailangan ko din mag-aral para mapaganda ang future ko. EDI WOW!

Pagbangon ko agad na akong dumiretso sa cr sa loob ng kwarto ko para maligo na. Pagkatapos ko maligo, sinuot ko na yung uniform ko at agad nang lumabas sa kwarto ko.

Paglabas ko, dumiretso agad ako sa baba ng bahay namin para salubungin ang mga magulang ko. Pagbaba ko, nakita ko ang Papa kong si David Marco na seryosong nagbabasa ng isang drayo habang nakaupo sa may couch.

Pagtingin ko naman sa gilid ko, nakita ko ang Mama kong si Diana Marco na naghahanda ng pang-almusal namin sa kusina. Kaya naisipan kong tulungan siya. Pagkakita niya sa akin, nginitian niya agad ako and I also smiled at her.

" Good Morning Mama! ". Nakangiti kong niyakap ang Mama ko.

" Oh. Tawagin mo na yung Papa mo para makakain na tayo ng almusal nang sabay-sabay ". Agad ko namang tinawag ang Papa ko.

" Papa! Kakain na daw po tayo ng almusal, hali na po kayo ". Narinig naman ako ni Papa kaya agad siyang lumapit sa amin.

Pagkatapos sabay-sabay na kaming kumain, napansin ko na 7am na pala kailangan ko nang pumasok baka malate pa ako. Tumayo na ako para magpaalam na sa mga magulang ko na papasok na ako.

" Ma, Pa. Papasok na po ako ". I kissed my mom and dad before I left the house.

" Mag-ingat sa school, tandaan mo yung rule natin". Napatingin ako kay Papa.

" Syempre naman Papa alam na alam ko pa din yun ". Nabigla ako nung nakisabay sa akin magsalita ang mga magulang ko.

" Don't talk to strangers.. ever ". Sabay naming sinabi.

Pagkatapos agad na akong lumabas sa bahay namin para pumasok na sa school ko. Nag-aaral ako sa Presa High School. Actually wala akong friends doon, nabu-bully pa nga ako eh. Okay. Sasabihin ko na yung totoo, parati akong nabu-bully doon. OKAY NA :')

Ewan ko ba, nasanay na silang bullihin ako araw-araw eh. Sana nga kahit ngayon lang.. kahit ngayong araw lang sana may taong maglakas-loob na ipagtanggol ako sa mga nangbu-bully sa akin. Kahit ngayon lang. PLEASE..

Pagdating ko sa school, agad na akong pumasok at dumiretso sa classroom. Pagpasok na pagpasok ko sa classroom namin bigla akong sinabuyan ng pulbos ng isa sa mga nangbu-bully sa aking mga lalaki.

Napapikit ako sa ginawa niya. Ano nanaman ba 'to?! Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko. Nakita ko na puting-puti yung uniform ko dahil sa daming pulbos na napunta dito. Maayos yung pagkakalaba at pagkakaplansya ni Mama dito eh! Mga demonyo talaga kayo!

Dahan-dahan akong tumingin sa mga kaklase ko. Bigla silang tumawa lahat, halos yumugyog na yung school sa lakas ng tawa nila. Hala! Anong nangyayari sa akin?! Hindi ko magawang igalaw ang sarili ko. Hindi! Hindi ako pwedeng umiyak! Wag! Wag! Wag!!

Nabigla ako nang may isang lalaking humawak sa left wrist ko. Napatingin ako sa kanya. My goodness, ang GWAPO!

Kinuha niya ang right hand ko at binigyan niya ako nang isang malinis na panyo. My Savior!

" Punasan mo na yung sarili mo, mukha ka nang clown jan. Bahala ka mas pagtatawanan ka nila ". Nginitian niya pa ako at iniwan na niya ako.

Missing You | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon