Childhood Picture

900 21 1
                                    

Beth (Elizabeth)'s POV.

Dito na sa kwarto ko nakatulog si Andrew. Indeed, he's very very tired right now. Kailangan niya talaga nang pahinga ngayon. Tahimik lang akong nakaupo sa kama at tinititigan siya.

Dahan-dahan pa akong lumapit kay Andrew. Mahimbing na yung tulog niya. Alam mo Andrew sa totoo lang.. hindi ka mahirap mahalin. Kasi ngayon.. hindi ko maiwasang gustuhin ka. Alam ko sabi ko sayo dati.. I don't want to fall in love with you. Ngayon napagtanto ko na hindi kaya yun.

I'm falling in love with Andrew. Sana ganun din yung nararamdaman mo sa akin. Unti-unti akong ngumiti habang tinititigan ko si Andrew matulog. Nasira yung moment ko nang bigla siyang humilik nang pagkalakas-lakas. My goodness! Gwapo 'to ang lakas naman humilik.

Kinabukasan.

Andrew's POV.

Umaga na. Dahan-dahan akong dumilat. Nasa bahay na ba ako? Pagdilat ko agad akong bumangon nung malaman ko na wala ako sa kwarto ko. My goodness! Nakatulog ako sa kwarto ni Beth! Nakakahiya naman nakita niya akong matulog.

Bigla kong nakita si Beth na may dala-dalang breakfast para sa akin.

" Good Morning sleepy head ". Umupo siya sa kama.

" B-bat hindi mo na ako ginising? ".  Nakakahiya talaga my goodness!

" Sabi mo sa akin kagabi pagod ka na. Nagpasya ako na hayaan ka na lang matulog jan ". Hay~ nahihiya na ako sobra!

" S-san ka naman natulog? ". Hindi naman siya pwedeng tumabi sa akin. Saan siya natulog kagabi?

" Doon sa couch. Grabe first time ko lang makaexperience matulog sa couch. Pero don't worry masarap naman yung tulog ko kahapon ". Nginitian niya ako.

Dahan-dahan akong napangiti. Buti naman masarap yung tulog mo. Akala ko naingayan ka sa lakas ng hilik ko eh.

" Saluhan mo na lang ako dito ". Sabi ko sa kanya.

" Hmm.. sige ba, gusto ko din matikman yung luto ko ". Nginitian namin ang isa't isa.

Masaya kaming kumain ng breakfast. Sinubuan ko pa nga siya eh. Tapos sinubuan din nuya ako ng pagkain na niluto niya. Grabe! Ang sarap! Nakakaelibs yung pagluluto niya. Ang sarap talaga sobra!

Pagkatapos, umuwi muna ako sa bahay para mag-ayos nang sarili ko. Pagkatapos kong mag-ayos agad na akong lumabas sa bahay namin para pumunta sa construction. Pero bigla akong tinawag ni Papa.

" Son! ". Napalingon ako kay Papa.

" Yes Dad? ". Hinawakan ni Papa yung kaliwang balikat ko.

" Mukhang masayang-masaya ang Anak ko ngayon ah. Bakit, may inspiration ka na ba ngayon? ". Napangiti ako sa tanong ni Papa.

" Papa naman. Masaya ako kasi malapit nang matapos yung orphanage. Pwede na naming ilipat yung mga bata doon. Yun lang Dad ". Mukhang hindi naniniwala si Papa.

" Sus kilala kita. Sige na baka malate ka pa. Mauna na rin ako, mag-ingat ka ha ". Nginitian ko si Papa tapos niyakap niya ako.

Pagkatapos umalis na ako para pumunta sa construction. Baka hinahantay na ako nila Beth doon. Pagdating ko sa construction. Agad kong nakita si Beth na masayang nakikipag-usap sa kanila Fiona at Mika. Biglang nagslowmotion sa mga mata ko si Beth. Sa pagharap niya sa akin. Para akong nakakita ng isang anghel, my goodness~

Missing You | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon