First Kiss

1.7K 33 4
                                    

Elizabeth's POV.

Grabe kinikilig ako nang sobra kay Andrew. Halos araw-araw siyang pumupunta sa bahay namin para lang kamustahin ako. Halos hindi na nga kami mapaghiwalay. Nangako kasi siya eh na hindi niya ako iiwan kaya hindi ko din siya iiwanan, Promise yan.


Maaga akong nagising. Hay~ wala pala kaming pasok. Bat ang aga kong nagising? Dahan-dahan akong bumangon at dumiretso agad ako sa cr sa loob ng kwarto ko. Pagpasok ko sa cr, tinitigan ko nang matagal ang sarili ko sa salamin.

Ang haggard mo na Elizabeth, mag-ayos ka nga. Naligo na ako. Kinuskos ko talaga nang mabuti ang buong katawan ko. Para maging mas malinis ako sa mga mata ni Andrew, ayiee~ hahaha.

Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako ng simpleng damit at pants. Lumabas na ako sa kwarto ko at agad akong bumaba para salubungin sila Papa at Mama. Pero nanlaki ang mga mata ko nung makita ko si Andrew na may hawak-hawak na bulaklak.

Nakangiting humarap sa akin si Andrew. Buti na lang nilinis ko nang mabuti ang sarili ko. Ang aga naman niyang pumunta dito! Para lang bigyan ako ng bulaklak. Biglang lumapit sa akin ang Mama ko.

" Anak.. kanina pa yan dito, lapitan mo na ". Talaga Mama? Ang sweet talaga ni Andrew.

Dahan-dahan akong lumapit kay Andrew. Nung magsasalita na sana siya bigla ko siyang hinatak palabas sa bahay namin. Nabigla si Andrew sa ginawa ko at agad na nagtanong.

" B-bakit tayo lumabas? ". Humarap ako sa kanya.

" Wag tayo doon sa loob, Andrew andodoon kasi yung mga magulang ko nakakahiya ". Natawa sa akin si Andrew.

" Ang cute mo pala kapag nahihiya ka ". Napangiti ako sa sinabi niya.

" Sira ka talaga. Ang aga mo naman dito, bakit wala namang pasok ah? ". Dahan-dahan siyang lumapit sa akin.

Inabot sa akin ni Andrew ang tatlong bulaklak na hawak niya.

" Bat tatlo lang? Diba dapat madami 'to? ". Nginitian niya ako.

" Tatlo kasi may meaning yan ". Mas lumapit siya sa akin.

" Ano meaning nito? ". Nagtaka naman ako. Ano nga ba?

" I.Love.You. ". My goodness! Yung puso ko! Ang bilis ng tibok ng puso ko! Mamamatay na ata ako! Help me!

Nagiging super sweet na talaga siya. Baka masagot kita jan nang wala sa oras. Chill ka lang Andrew masasabihan din kita ng I Love You Too kapag dumating na yung tamang panahon.

Unti-unti akong napangiti nang dahil sa sinabi sa akin ni Andrew. Si Andrew naman ay nakangiting nakatitig lang sa akin. Yan nanaman yung mga titig mo eh. Matutunaw nanaman ako haha.

Kinabukasan.

Maaga na talaga akong nagising kasi may pasok na! Nagmamadali akong maligo, Pagkatapos nagbihis na ako ng uniform. Dali-dali akong bumaba para magpaalam na sa mga magulang ko na papasok na ako.

" Ma.. Pa.. papasok na po ako! ". Napatingin sa akin sina Mama at Papa.

" Anak may pupuntahan pala tayo bukas, magpaalam ka na sa teacher mo na absent ka bukas ". Sabi ni Mama. Hala saan naman kami pupunta?

" S-saan po tayo pupunta Mama? ". Imbis na si Mama ang sumagot sa tanong ko biglang sumingit si Papa.

" Bibisitahin lang natin yung puntod ng Lolo at Lola mo ". Ay oo nga pala birthday nila Lolo at Lola bukas.

Missing You | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon