Begin Again

987 24 3
                                    

Andrew's POV.

Dadalhin ko si Beth, este Elizabeth sa school kung saan kami unang nagkita at nagkakilala.. sa Presa High School. Pagdating namin doon, nagtatakang tumingala si Beth.

" May problema ba? ". Tumingin siya sa akin.

" Parang natatandaan ko tong school na 'to ". Sana maalala mo.

" Ah eto yung Presa High School, dito ako nag-aral nung high school ako ". Napangiti ako. Unti-unti nang nakakaalala si Beth.

Hinatak ko siya papasok sa loob ng school. Dinala ko siya sa classroom namin dati. Pinabayaan ko lang siyang pumasok sa loob. Kailangan kong ipaalala sa kanya yung unang pagkikita naming dalawa.

Beth (Elizabeth)'s POV.

Grabe naaalala ko na rin yung tungkol dito sa school. Dito ako naghighschool. Nabigla ako nung hinawakan ni Andrew yung left wrist ko. Napaharap tuloy ako sa kanya. Nagtaka ako bigla nung binigyan niya ako ng panyo. A-anong gagawin ko dito sa panyo?

" Punasan mo yung sarili mo, mukha ka nang clown jan oh. Bahala ka mas lalo ka nilang pagtatawanan ". Pagkatapos niyang magsalita nginitian niya ako.

Wait, p-parang naaalala ko yung pangyayaring yan. Ah yun yung una kong nakita si Andrew at.. at tinawag ko siyang SAVIOR KO! naaalala ko na! Ang galing hahahah!

" Naalala mo yun? ". Nginitian ko siya.

" Syempre naman, bakit ko yun makakalimutan eh yun hung una nating pagkikita eh ". Nginitian namin ang isa't isa.

Pagkatapos umupo muna kami sa upuan sa may ground ng school. Naalala ko din 'to, dito kami madalas tumatambay ni Andrew kapag wala kaming klase. Dito kami parating nag-uusap at nagbibiruan. Binigyan ako ni Andrew ng isang biscuit. Sakto nagugutom na din ako.

" Salamat ha ". Nakangiti siyang umupo sa tabi ko.

" Grabe, ako lang pala ang sagot para makaalala ka.. ". Napatingin ako sa kanya. Sus hindi rin, nagawa ko ngang maalala yung mga magulang ko ng ako lang mag-isa eh.

" May pagkamayabang ka din noh ". Natawa siya sa sinabi ko.

Hapon na pala. Grabe hindi na namin namalayan yung oras. Ang saya kasi ng pagkwe-kwentuhan naming dalawa eh. Hindi muna kami umuwi, umakyat kami sa rooftop ng school.  Pagdating namin doon.. waaahhh! Ang lamig ng simoy ng hangin.. woooo..

Tumingala ako at dahan-dahan kong pinikit ang mga mata ko. Gusto kong pakiramdaman yung hangin. Aaahhh.. fresh air.. unti-unti akong ngumingiti habang pinapakiramdaman ko ang hangin.

Andrew's POV.

Dahan -dahan akong lumingon kay Beth. Nung nakita ko siyang nakatingal at nakangiti. Napapangiti na din ako. Hindi ko alam na makakasama ulit kita Elizabeth. Kahit na hindi mo pa natatandaan ang lahat lahat. Andito lang ako para ipaalala sayo ang lahat lahat ng mga masasayang ala-ala nating dalawa.

Dahan-dahan akong lumapit kay Beth. Napadilat siya nung bigla kong hinawakan ang isa niyang kamay at napatingin siya sa akin. Nung tumingin siya sa akin nginitian ko lang siya at nginitian lang din niya ako.

" Beth.. ". Tumingin siya sa akin.

" Hmm? ". Humarap ako sa kanya.

" Gusto na kitang tawagin sa totoo mong pangalan. Elizabeth.. ". Napangiti siya sa sinabi ko.

" Mas maganda nga kung tatawagin mo akong Elizabeth kasi yun naman talaga yung pangalan ko diba? ". Nginitian ko siya.

Missing You | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon