Shoulder To Cry On

857 21 0
                                    

Beth (Elizabeth)'s POV.

Ano na ba ang nangyayari dito? Nagkakagulo na dahil sa dalawa. Pagtumba ni Andrew hinatak ulit siya ni Ian. Nanlaki yung mga mata ko nung sinuntok nanaman ni Ian si Andrew sa mukha. Grabe na ang lumalabas na dugo sa labi ni Andrew.

Kailangan ko na silang pigilan. Nung susuntukin nanaman ni Ian si Andrew. Agad kong hinawakan ang braso niya.

" Ian! Ian! Tumigil ka na! Ian! Please tama na yan! Ian makinig ka! ". Parang walang naririnig si Ian.

" Bitawan mo ako! Sabing bitawan mo ako! ". Bigla akong natulak ni Ian. Natumba ako at tumama ang left wrist ko sa bakal.

Aray! My goodness! Ang sakit nun. Mukhang tumunog yung buto ko sa loob. Agad akong nilapitan nila Fiona at Mika.

" Beth! Ok ka lang?! ". Tanong ni Mika.

Dahan-dahang tumingin sa akin si Ian. Nanlaki yung mga mata niya nung nakita niya ako. Nawala ata yung init nang ulo niya. Buti naman tumigil na siya. Pero huli na nasaktan na ako. Ang sakit talaga!

Andrew's POV.

Nakita ko ang nangyari kay Beth. Walang hiya talaga tong si Ian! Yari ka sa akin! Nakita kong lalapit siya kay Beth. Hindi! Hindi na kita hahayaang makalapit sa kanya! Agad akong tumayo at hinatak ko ang kuwelyo ng damit niya. Pagharap niya nandilim yung paningin ko at sinuntok ko siya sa mukha nang malakas na malakas.

Bumagsak siya. Pero hindi pa ako nakuntento. Walang hiya ka! Nagawa mong saktan yung girlfriend mo dahil lang sa sobrang galit. Kailangan mong magising. Pagbagsak niya doon ko siya pinagsusuntok. Nakita kami nila Norman. Agad akong inawat ni Norman.

Pero nagpupumiglas ako. Kailangan pa niyang makatikim ng suntok ko. Walang hiya yan eh!

" Drew! Drew! Tama na Drew! ". Hindi! Kailangan kong gisingin yang baliw na yan. Para malaman niya ang ginawa niya kay Beth.

Beth (Elizabeth)'s POV.

Nainis nang sobra si Andrew kay Ian. Siguro nakita niya ang pagkakatulak sa akin ni Ian. Dahan-dahang tumayo si Ian. Pagtayo niya dahan-dahan siyang tumingin sa akin. Napaiyak ako nung tumingin siya sa akin. Nakita ko din na dahan-dahang tumulo ang luha niya sa mga mata niya.

Pagkatapos niya akong titigan. Dahan-dahan na siyang naglakad palayo sa aming lahat. Ian.. nasaktan ako.. my goodness nasaktan ako nung makita kong umiyak si Ian sa harap ko.

Pagkatapos pinasok ako nila Fiona at Mika sa rest room. Para gamutin yung left wrist ko. Hindi naman masyadong napuruhan yung left wrist ko. Buti na lang ayaw ko ngang maputulan ng kamay.

" Sige Beth maiwan ka muna namin dito ". Sabi sa akin ni Mika.

" Wag ka munang lumabas. Dito ka muna at magpahinga ". Mabait naman pala tong si Fiona.

" S-Salamat ". Nginitian ko silang dalawa. Pagkatapos lumabas na sila sa rest room.

Tahimik lang akong nakatayo sa loob ng restroom. Kailangan kong mag-isip. A-anong oras na ba? Dahan-dahan kong tiningnan yung relo ko. 7pm na pala. Siguro kailangan kong pumunta sa tuktok ng bundok. Baka pag-andodoon ako makakapag-isip ako nang maayos.

Dahan-dahan akong lumabas sa rest room. Napansin ko na wala sina Andrew at Ian. Kailangan kong magmadali. Baka hindi ako makapunta sa tuktok ng bundok pag nakita ako nang dalawa na yun. Bka mag-away nanaman sila dahil sa akin.

Missing You | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon