New Memories

1.3K 27 3
                                    

Andrew's POV.

Umaga na pla. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko. Naisipan kong tingnan yung cellphone ko kung nagtext na ba si Elizabeth. Pero nung binuksan ko yung cellphone ko, wala man lang text si Elizabeth.

Ano ba ang nangyayari? Bumangon ako at umupo sa kama ko. Nawawalan tuloy ako nang gana. Asaan ka na ba Elizabeth? Magparamdam ka naman kahit text lang. Please~ nag-aalala na ako dito.

Lumabas ako sa bahay namin at pumunta sa bahay nila Elizabeth. Pero pagdating ko doon. Sarado pa ang bahay nila at hindi pa dumarating yung sasakyan nila. Mababaliw na ako! Please Elizabeth magtext ka naman! Pinag-aalala mo ako nang sobra-sobra.

Sinubukan kong tawagan si Elizabeth pero naka-off ang cellphone niya. AHH! Elizabeth.. please wag naman sana.. may nangyari bang masama sayo? Please wag naman sana. Mababaliw talaga ako.

3 days past.

Alexander's POV.

Tahimik ko lang pinagmamasdan ang dalagang babae. Hindi pa rin siya gumigising hanggang ngayon. Magigising ka pa ba? Please ayaw ko man tong sabihin.. wag ka na lang magising.

Nabigla ako nung mapansin kong gumalaw yung kamay niya. Agad akong sumigaw para tawagin ang doctor. Hindi pa nakakadating ang doctor. Nakita ko ang dalagang babae na unti-unti nang dumidilat. Hanggang sa mapatingin siya sa akin.

" A-ah ok ka na ba? ". Tanong ko at dumating na ang doctor.

" Nagising na siya ". Agad na lumapit ang doctor sa dalagang babae. Sana wala siyang naalala please..

Chineck ng doctor ang dalagang babae kung ok na siya. Nabigla kaming lahat nung magsalita siya.

" S-sino kayo? ". Pinakilala ako ng doctor.

" Ay eto pla yung Tito mo halos araw-araw ka niyang binabantayan dito ". Lumapit ako sa bata.

Nakatingin lang siya sa akin na para bang hindi niya ako kilala. Wag naman sana..

" Sino kayo? Asaan ako? A-anong pangalan ko? B-bat wala akong maalala?! Sino kayo?! ". Nagulat ako nung bigla siyang nagwala.

" Sir.. eto na po yung sinasabi kong side effect, nagkaroon na po siya ng amnesia ". Sabi sa akin ng doctor.

" Sino ako?! Sabihin niyo sa akin! Wala akong maalala! Bakit ganito?! ". Niyakap ko siya nang mahigpit para tumigil na siyang umiyak.

" Taha na. Andito na si Tito. Wag ka nang umiyak.. andito na ako ". Unti-unti ko siyang napatahan pagkatapos pinatulog muna namin ulit siya.

Tinawag ako ng doctor para kausapin tungkol sa dalagang babae.

" Sir pwede po kayong maghire ng psychologist para sa kanya, para mas makaalala siya ". Agad akong sumagot.

" Hindi. Hindi ko na kailangan ng psychologist, I can take care of her. Sisiguraduhin kong makakaalala siya kasama ako at ang Anak ko ". Napatingin sa akin yung doctor.

" A-asaan na po ba ang mga magulang nung bata ". Dahan-dahan kong hinarap yung doctor.

" Maaga silang namatay. Ako na ang naging guardian ng bata. Lahat kinaya ko kaya ngayon mas kakayanin ko pa ". Sorry.. bata kailangan ko lang talaga tong gawin. Ang magsabi ng mga kasinungalingan.

" Ay sorry po Sir, pwede niyo na rin po siyang iuwi sa bahay niyo kapag maayos-ayos na yung pakiramdam niya at doon niyo na umpisahan yung pagpapagaling sa kanya ". Nginitian ko na lang yung doctor at iniwan na niya ako.

Missing You | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon