Lost

953 20 1
                                    

Andrew's POV.

Nagsimula na ang mga engineers at mga architects sa pagpapatayo ng orphanage namin ni Beth. Excited na excited na nga kaming dalawa ni Beth eh. Nai-imagine na namin ang magiging design ng orphanage namin. Excited na din akong makita ang orphanage namin na napatayo na.

Sinasamahan parati ako nila Fiona at Norman para tumulong sa project namin kasama din ni Beth ang kaibigan niyang si Mika para tumulong din sa amin. Napadali tong project naming dalawa. Dahil sa pagtutulungan at ang pagkakasundo naming dalawa.

Pumupunta-punta kami ni Beth sa isang orphanage na puno na ng mga bata. Kumukuha kami ng ilang bata para ilipat sa orphanage namin kapag natapos na itong gawin. Kumuha na din kami ng mga trabahador na mag-aalaga sa mga bata sa loob ng orphanage namin.

Excited na talaga akong matapos tong project. Hay~ sayang talaga Elizabeth wala ka dito sa tabi ko. Pero kung nasaan ka man ngayon.. gusto kong malaman mo na para sayo tong ginagawa ko at gusto ko ding malaman mo na miss na miss na kita.

Napatigil ako nung bigla akong tawagin ng Papa ko.

" Andrew! ". Napalingon ako sa likod ko. Papa!

Napangiti ako nung makita ko si Papa. Wala akong alam na pupunta pala siya dito. Agad akong lumapit kay Papa at niyakap namin ang isa't isa.

" Hangang-hanga na talaga ako sayo, Anak. Siguro proud na proud sayo yung Mama mo ". Nginitian ko si Papa.

" Syempre naman Dad. Ginagawa ko 'to para din kay Mama, sayo.. at kay.. Elizabeth ". Hinawakan ni Papa ang magkabila kong balikat.

" Son.. hanggang ngayon ba.. umaasa ka pa din na babalikan ka ni Elizabeth? Andrew magising ka na. Wala na si Elizabeth, hindi na siya babalik pa. Magfocus ka na lang sa ginagawa mo ngayon baka kapag parati mong iniisip ang taong wala na. Baka hindi mo mabigyan ng oras yung trabaho mo ". Nagulat ako sa mga sinabi ni Papa.

" D-Dad b-bat mo nasabi yan? ". Tumingin sa akin nang seryoso si Papa. Hindi ko akalaing masasabi mo yan.

" Stop thinking of her.. madami pang ibang babae jan sa paligid. Hindi lang si Elizabeth.. Son please. Kalimutan mo na ang nakaraan at gumawa ka na ng mga bagong ala-ala ". Nanlaki ang mga mata ko.

Papa.. mahal na mahal ko si Elizabeth hindi ko siya kayang kalimutan. Please wag kang magsalita nang ganyan.

" Kalimutan mo na cya-- ". Hindi ko na pinatapos si Papa sa pagsasalita dahil alam kong masasaktan lang ako.

" Dad.. hindi ko alam na kaya mong sabihin yan sa akin. Akala ko simula bata sinusuportahan niyo ako. Pero ngayon pinatunayan niyong hindi. I love Elizabeth and I can't live without her, you know that Dad. Tapos sasabihin mo sa akin na kalimutan ko siya. Hindi ko kaya.. I'm sorry Dad. Hindi ko kaya.. ". Napatingin sa akin ang lahat ng tao doon sa construction.

Pati din sila Fiona, Norman, at Mika napatingin sa amin ni Papa. Pati din pala si Beth napatingin sa amin. Tumakbo ako nang mabilis palayo kay Papa. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero gusto ko munang lumayo. Ayaw ko.. ayaw kong kalimutan si Elizabeth..

Beth (Elizabeth)'s POV.

Nanlaki yung mga mata ko nung makita ko na nag-away si Andrew at ang Papa niya. Parang kanina lang magkaayos silang dalawa ah. Ano naman ang dahilan ng pag-aaway nilang mag-ama? Nabigla ako nung tumakbo palayo si Andrew. Naisip kong habulin siya.

" Mika kayo muna ang bahala dito ". Nagmamadali akong magsalita.

" Ah.. sige sige Bes ". Pagkatapos tumakbo na din ako nang mabilis.

Missing You | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon