Breakup

950 26 3
                                    

Andrew's POV.

Eto yung gabing ayaw ko nang matapos. Sa sobrang pag-iyak ni Beth. Hindi niya alam na nakatulog na pala siya sa balikat ko. Dahan-dahan ko siyang tiningnan. Napangiti ako nung makita ko siyang mahimbing na ang tulog. A-ang ganda mo talaga Beth.

Hindi ko na ginising si Beth. Dahan-dahan ko siyang binuhat. Mahimbing talaga yung tulog niya. Ni hindi man lang siya nagising nung binuhat ko siya. Medyo mabigat din pala siya lol XD.

Pinasok ko si Beth sa loob ng sasakyan ko. Kanino ko siya ihahatid. Kay Ian o Kay Mika? Pero hindi ko alam kung saan yung bahay ni Mika. Ah.. alam ko na sa bahay ni Fiona. Sakto mag-isa lang si Fiona sa bahay niya. Agad akong sumakay din sa sasakyan ko.

Kay Fiona ko muna siya dadalhin. Para naman makapag-usap sila bilang magkaibigan. Dahan-dahan akong tumingin kay Beth. Haha ang swerte ko naman nagagawa kong titigan si Beth nang matagal ngayon. Pero kapag nagising na siya.. hindi na pwede.

Pagkatapos agad ko nang pinaandar yung sasakyan ko. Pagdating namin sa bahay ni Fiona. Agad akong nagdoorbell. Gulat na gulat na tumingin sa akin si Fiona.

" Drew.. bat andito ka? ". Agad kong binuhat ulit si Beth.

" Oh anong nangyari kay Beth? ". Natawa ako sa sinabi ni Fiona.

" Kalma lang Fiona. Dito ko muna siya dadalhin. Mahimbing na yung tulog niya, pwede bang dito na lang muna siya makitulog? ". Agad na sumagot si Fiona.

" Ay syempre naman. Halika ipasok mo siya sa kwarto ko ". Nginitian ko siya.

Agad kong pinasok si Beth sa loob ng bahay ni Fiona at diretso sa kwarto ni Fiona. Hiniga ko si Beth sa kama ni Fiona. Pagkatapos hinarap ko na si Fiona.

" Fiona, Salamat ha. Saan ka matutulog? ". Humarap din siya sa akin.

" Tsk.. ako na bahala kung saan ako matutulog. Ako na rin ang bahala kay Beth ". Nginitian ko siya.

" Maraming Salamat talaga ". Hinawakan ko ang balikat ni Fiona.

" Wala yun Andrew, basta ikaw lahat gagawin ko ". Nginitian niya ako.

" Sige Fiona mauna na ako, Salamat ulit ha ". Pagkatapos naglakad na ako palabas sa bahay ni Fiona.

" Ingat ka.. ". Sabi niya sa akin bago ako umalis.

Humarap ako kay Fiona bago ako sumakay sa sasakyan ko at nginitian ko siya. Pagkatapos agad na akong sumakay sa loob ng sasakyan ko. Pagpasok ko sa loob. Napangiti ako.. ewan ko kung bakit.. siguro dahil sa nakasama ko ngayon si Beth.

Kinabukasan.

Beth (Elizabeth)'s POV.

Umaga na. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko. Agad akong napabangon dahil.. a-asaan ako? Lumingon-lingon ako sa paligid. K-kaninong bahay 'to? Parang kahapon lang kasama ko si Andrew ah. Bahay niya ba 'to? Asaan ba ako?

Napatingin ako sa pintuan nung may biglang kumatok. Napanatag yung kalooban ko nung nakita ko si Fiona. Hay~ akala ko naman kung nasaan na ako. Buti na lang dito ako napunta.

Nakangiting lumapit sa akin si Fiona.

" Gising ka na pala. Eto kape.. uminom ka muna ". Inabot niya sa akin ang mainit-init pang kape.

" Salamat ha ". Tinikman ko yung kape. Aray~ haha ang init pa nga.

" Ay.. si Andrew pala ang nagdala sayo dito ". Sabi na nga eh.

Missing You | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon