Hurt

830 21 2
                                    

Andrew's POV.

Umaga na. Hindi ako nakatulog nang maayos dahil kay Elizabeth. Hinantay ko yung text back niya. Pero halos magmadaling araw na wala pa rin. A-asaan ka na ba ngayon.. Elizabeth? Nag-aalala na tuloy ako. Sana ok ka lang.. please naman Elizabeth, itext mo ako, kahit tawagan man lang.

Gusto ko lang malaman yung kalagayan mo ngayon. Hindi kasi ako mapakali dito.. kapag hindi ko alam kung nasaan ka. Dahan-dahan akong bumangon at agad kong kinuha yung cellphone ko. Pagbukas ko ng cellphone ko wala akong nakitang text kay Elizabeth.

Argh.. nasaan ka na ba?

Nag-ayos ako ng sarili ko. Pagkatapos naisipan kong pumunta sa construction. Baka doon na siya dumiretso. Agad akong lumabas sa loob ng bahay namin. Sumakay ako sa sasakyan ko para pumunta na sa construction.

Pagdating ko doon, agad akong lumabas sa loob ng sasakyan ko. Paglabas ko ang nakita ko lang na nandodoon ay sina Fiona, Mika at Norman. Wala talaga si Elizabeth.. saan ba siya pumunta?

Lumapit ako sa kanila baka sakaling alam na nila kung nasaan si Elizabeth ngayon.

" Fiona, Mika, Norman alam niyo na ba kung nasaan ngayon si Elizabeth? ". Sana naman Oo.. yung sagot nila.

" W-wala pa rin kaming alam Andrew. Hindi pa ba siya umuuwi sa inyo? ". Asaan ka ba Elizabeth?

" Hindi pa eh.. hinantay ko siya pero hindi siya umuwi ". Nilapitan ako ni Fiona.

" Wag kang mag-alala hahanapin natin siya ". Naiyak na ako. Nag-aalala na talaga kasi ako kay Elizabeth.

" Fiona.. b-baka maulit yung nangyari dati.. yung hindi na siya bumalik sa akin ". Hinawakan ni Fiona yung kaliwang balikat ko.

" Drew.. a-anong ibig mong sabihin? ". Hindi ko pa pla nasasabi sa kanila yung totoo.

" Si Beth, ay si Elizabeth.. siya yung babaeng matagal ko nang hinahanap, Fiona. Pero ngayon na nagkita na kami.. may mga problema namang dumarating sa buhay naming dalawa ". Nanlaki yung mga mata nila. Ang ginawa na lang ni Fiona ay yakapin ako..

" Wag ka nang umiyak, Andrew.. taha na.. ". Ayaw kong maulit yung dati.. wag naman sana..

Elizabeth's POV.

Umaga na pala.. hindi man lang ako nakatulog nang maayos. Dahil magdamag kong iniisip si Andrew. Kamusta na kaya siya ngayon? Alam ko nag-aalala na siya ngayon dahil sa akin. Sana wag niyang pabayaan yung sarili niya.. baka hindi ko kayanin kapag may mangyari sa kanyang hindi maganda..

Nabigla ako nung tumunog yung cellphone ko. Dahan-dahan kong kinuha yung cellphone ko. Si Andrew, tumatawag. Nakakadami na siyang tawag pati nga text eh. Hindi ko na lang binabasa yung mga text niya dahil alam kong mapipilitan akong replyan siya.

Napatigil ako bigla nung pumasok sa loob ng kwarto ko si Ian.

" Kamusta yung tulog mo Beth? ". Umupo siya sa tabi ko. Gusto kong umalis dito.. pero alam kong hindi pwede.

" Dinalhan na kita dito ng almusal. Ako ang nagluto nyan ". Sinubukan niya akong subuan ng pagkain pero umiwas ako sa kanya.

Tumayo ako at sumilip sa bintana. Hindi ko kayang tingnan si Ian. Naaalala ko lang yung mga masasamang ginawa niya sa akin. Oo, alam ko na hindi ko siya kayang labanan pero kapag.. kaya ko na hindi na ako magdadalawang-isip na labanan siya.

Lumapit siya sa akin at dahan-dahan akong binuck-hug. Pero agad akong kumalas at naglakad ulit ako palayo sa kanya. Layuan mo ako, Ian. Ayaw ko sayo..

Missing You | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon