Forever

1.8K 38 13
                                    

Andrew's POV.

Hindi na nakaligtas pa ang Papa ni Ian. Dahil.. pagkadala sa kanya sa hospital doon na siya binawian ng buhay. Kaya nagpasya kami ni Elizabeth na sabihin yun kay Ian. Pumunta kami sa prisinto kung saan nakakulong si Ian. Dahan-dahan kaming pumasok sa loob at nakita agad namin si Ian.

" Ian.. ". Napalingon sa amin si Ian.

" Drew.. Beth, bat andito kayo? ". May gusto lang kaming sabihin sayo.

Dahan-dahang hinawakan ni Elizabeth ang isang kamay ni Ian.

" Ian.. sana wag kang mabigla, yung Papa mo kasi.. wala na ". Nanlaki ang mga mata ni Ian.

" A-anong ibig mong sabihin? ". Ako na ang bahala dito, Elizabeth.

" Kinidnap kami ng Papa mo.. pero sa hindi sinasadyang bagay, sa kanya tumama ang bala na dapat sa aming dalawa ni Elizabeth. Dinala namin agad siya sa hospital pero hindi na siya nakaabot pa doon ng buhay.. I'm sorry Ian ". Tumulo nang tumulo ang luha ni Ian sa mga mata niya.

" Hindi.. hindi niya ako pwedeng iwan.. siya na lang yung kasama ko tapos iiwan pa niya ako ". Hinawakan ko ang balikat ni Ian.

" Andito pa kami Ian, kami ang makakasama mo.. ". Dahan-dahang tumingin sa amin si Ian at nginitian niya kami.

" Sorry.. sorry sa ginawa ng Papa ko sa inyo. Elizabeth, I'm sorry ". Nginitian siya ni Elizabeth.

" Alam kong hindi ginusto ng Papa mo yun. Basta Ian kapag nakalaya ka na dito, kami ang magiging pangalawa mong pamilya ". Napangiti ulit si Ian dahil sa sinabi ni Elizabeth.

" Maraming Salamat.. pinatawad niyo pa din ako kahit na madami na akong nagawang hindi maganda sa inyong dalawa. Maraming Salamat talaga ". Nginitian namin siya.

" Wala rin kasing mangyayari kung mananatili kaming galit sayo. Kaya this will be the start of our friendship ". Kinamayan ko si Ian.

" Yes.. this is it ". Nginitian namin ang isa't isa.

Ayan! Ayos na kami ni Ian. Wala na talagang problemang darating pa sa buhay namin ni Elizabeth. Siguro ito na ang simula ng forever namin ni Elizabeth. Pumunta kami ni Elizabeth sa tuktok ng bundok. Dito ko sa kanya sasabihin ang lahat lahat ng gusto kong sabihin sa kanya.

Tahimik lang na nakatingala si Elizabeth at pinagmamasdan niya ang mga ulap sa langit. Hay~ ang ganda ng panahon ngayon, buti na lang. Dahan-dahan akong lumapit kay Elizabeth at hinawakan ko ang dalawa niyang kamay.

" Elizabeth.. ". Tumingin sa mga mata ko si Elizabeth.

" Hmm.. bakit, savior ko? ". Natawa ako doon ha.

" May gusto lang akong sabihin sayo ". Yung matagal ko nang gustong sabihin sayo.

" Ano yun? ". Hay~ eto na yun, wala nang atrasan.

" Madami na tayong napagdaanang mga problema pero heto tayo.. hindi pa rin sumusuko. Elizabeth Marco.. ". Dahan-dahan akong lumuhod sa harap ni Elizabeth at abot tenga ang ngiti niya.

Nilabas ako ng singsing na susuotin niya habang buhay.

" Andito tayo sa tuktok ng bundok.. kung saan humahalip ang langit sa lupa. Saksi ang mga magulang mo sa ginagawa ko ngayon pati ang mga anghel sa langit at pati din ang Diyos. Elizabeth Marco.. will.. you marry me? Handa ka bang makasama ako habang buhay? ". My goodness, hindi ko na napigilang hindi umiyak. Pati si Elizabeth naiyak na sa sobrang tuwa.

Missing You | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon