She Holds My Hand

1K 27 1
                                    

Andrew's POV.

Hindi ako umalis sa hospital. Gusto kong makasiguradong ok na ang kalagayan ni Miss Beth. Kasama ko naman dito si Fiona at matiyaga ding naghantay ang kaibigan ni Miss Beth na si Mika. Hanggang sa lumabas na sa kwarto ang doctor na gumamot kay Elizabeth. Sabay-sabay kaming lumapit sa doctor.

" Dok kamusta na siya? ". Ako ang naunang lumapit sa doctor.

" She's ok now, wag na kayong mag-alala. She's just stress kaya sumakit ang ulo niya at good news. Mukhang makakaalala na siya tungkol sa nakaraan niya ". Makakaalala? So talaga ngang may amnesia si Miss Beth?!

" Pwede na po ba siyang puntahan? ". Tanong ni Mika sa doctor.

" Ay pwedeng-pwede na po at pwede niyo na rin syang ilabas dito bukas ". Nginitian namin ang doctor.


" Salamat po ". Nakangiting sinabi ni Fiona sa doctor.

Pag-alis ng doctor hindi na kami nag-aksaya ng oras at agad na kaming pumasok sa loob ng kwarto ni Miss Beth. Nakita ko na mahimbing pa ang tulog niya. Si Mika ang unang lumapit sa kanya. Kami naman ni Fiona ay nasa gilid lang at nakatingin lang kami kay Miss Beth.

Nang biglang magkamalay na si Miss Beth. Dahan-dahan niyang dinilat ang mga mata niya. Ang una niyang nakita ay si Mika. Agad na hinawakan ni Mika ang isang kamay ni Miss Beth.

" Bes sa susunod wag na wag mo na akong pag-aalalahanin ha, yari talaga ako sa boyfriend mo kung may nangyari sayong masama ". Nginitian siya ni Ms. Beth.

" Wag kang mag-alala hindi na 'to mauulit pa ". Hinalikan ni Mika ang noo ni Miss Beth.

Pagkatapos napatingin sa amin si Ms. Beth. Pinalapit naman kami ni Mika sa kanya. Dahan l-dahang ngumiti sa amin si Miss Beth. Pinag-alala mo ako noh! Akala ko kung ano na ang nangyari sayo! Yung pala stress ka lang. Siguro kailangan mo rin ng pahinga.

" Kamusta ka na Miss Beth? ". Tumingin siya sa akin.

" Eto ok na ok na, kailangan na nating matapos yung proposal ". Proposal?! Yun pa rin ang iniisip mo. Hindi magpahinga ka muna.

" Hindi, kailangan mo munang magpahinga ". Pero ayaw niya talaga.

" We need to finished that proposal, isipin mo ang mga batang ulila. Please.. can we continue? ". Hay~ hindi kita kayang tanggihan. Bakit ba ganun?!

" Sige na nga, pero bukas na lang. Para makapagpahinga ka pa ngayon ". Nginitian namin ang isa't isa.

" Matulog ka na ulit Bes, para makapagpahinga ka na ulit ". Dahan-dahan niyang pinikit ang mga mata niya hanggang sa makatulog ulit siya.

Nagpaalam na kami ni Fiona kay Mika.

" Sige, mauna na kami ni Andrew ". Nakangiting sinabi ni Fiona kay Mika.

" Salamat nga pala Sir Andrew. Kung wala kayo baka kung ano na ang nangyari sa kaibigan ko ". Nginitian ko siya.

" Wala yun ". Wala yun basta handa akong tumulong.

" Sige ingat kayo sa pag-uwi ". Nginitian namin ni Fiona si Mika.

Pagkatapos lumabas na kami sa kwarto ni Miss Beth. Para umuwi na. Lumabas na kami sa hospital at sumakay na kami sa loob ng sasakyan ko. Pagpasok namin doon, saglit kaming tumahimik. Nang bigla kong maisip yung sinabi ng doctor. Makakaalala na siya? May amnesia ata si Miss Beth hanggang ngayon. Pero nung nakita namin siya para namang wala siyang naalala.

Missing You | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon