Ian's Sin

859 18 0
                                    

Kinabukasan.

Elizabeth's POV.

Umaga na. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko. Pagkadilat ko naramdaman ko kaagad yung sakit ng wrist ko. Pero napatigil ako nung biglang tumunog yung cellphone ko. Si Andrew tumatawag.. napangiti naman ako doon.

" Hello ".

" Good Morning, kamusta ka jan? ". - Andrew.

" Ok lang ako dito.. ikaw jan? ".

" Andito na ako sa construction, hinahantay nga kita eh ". - Andrew.

Agad akong tumayo. Kailangan kong pumunta sa construction. Gusto kong makita si Andrew.

"  Ay sige.. pupunta na ako jan, hintayin mo lang ako ".

" Hmm.. hihintayin kita ". - Andrew.

Sabay na naming binaba yung cellphone. Kinuha ko na yung towel ko kailangan ko nang maligo. Pagkatapos magbibihis ako ng simpleng damit para magmukha akong fresh sa harap ni Andrew. Pero nawala bigla yung ngiti ko nung bigla kong nakita si Ian, pagtalikod ko.

" Ian? ". Dahan-dahang lumapit sa akin si Ian.

" Sino yung kausap mo? ". H-hindi niya dapat malaman na si Andrew yung kausap ko.

" S-si Mika.. kinakamusta ko lang siya ". Mas lalo siyang lumapit sa akin. Natatakot na ako sa mga titig ni Ian.

" Talaga bang si Mika yung kausap mo? Akin na yung cellphone mo ". Hindi ko na inimik si Ian at hinigpitan ko yung hawak ko sa cellphone ko.

Pero nabigla ako nung biglang kinuha ni Ian yung cellphone ko na hawak-hawak ko. Agad na binuksan ni Ian yung cellphone ko. Nagbago bigla yung timpla ng mukha niya nung makita niya na si Andrew ang tumawag sa akin. Pagkatapos tumingin siya sa akin, galit na galit na 'to kailangan ko nang lumayo.

Dahan-dahan akong umatras. Nakakatakot na talaga yung mga titig niya. My goodness, Andrew kailangan na kailangan na kita ngayon. Baka kung ano na ang magawa sa akin ni Ian.

Napasigaw ako nung biglang hinawakan ni Ian yung buhok ko nang pagkahigpit-higpit. Aaahhh! Tama na Ian, masakit! Tapos pinaharap niya ako sa kanya habang hawak-hawak yung buhok ko. Argh! Sinasabunutan na ata ako nito eh..

" Ang ayaw ko sa lahat ay yung nagsisinungaling ". Tama lang magsabi ng mga kasinungalian sayo dahil sinungaling ka!

" Argh.. tama na Ian, nasasaktan na ako ". Nabigla ulit ako nung tinulak niya ako kaya napabagsak ako sa kama.

Nanlaki yung mga mata ko nung hinawakan niya yung dalawang kamay ko. Aaahhh! Ano nanaman ang gagawin niya sa akin?! Napasigaw ako nung hinalikan niya ako nang hinalikan sa leeg. Aaahhh! Tulong! Tulungan niyo ako!

Nira-rape nanaman ako ng demonyo! H-hindi ako makagalaw ang nagawa ko na lang ay umiyak. Hindi ko gusto tong nangyayari! Ian tama na! Nagmamakaawa ako.. halos mahubad na yung suot kong t-shirt dahil sa pinaggagawa sa akin ni Ian.

Buti na lang narinig akong sumigaw ng Papa niya. Kaya agad na pumasok sa loob ng kwarto ko ang Papa niya. Pagkakita sa amin ng Papa niya agad siyang hinatak ng Papa niya palayo sa akin.

" Ian! Tama na! ". Hinawakan nang mahigpit si Ian ng Papa niya.

Pagtingin sa akin ni Ian, nanlaki yung mga mata niya nung makita niya akong iyak na iyak dahil sa kanya. Ano?! Nakukunsensya ka na sa mga pinaggagawa mo sa akin?! Pero hindi.. siya pa tong galit sa akin.

Missing You | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon