Going To Have A Dinner With You

1K 21 1
                                    

Beth (Elizabeth)'s POV.

Mukhang napapabilis ang pagpapatayo ng orphanage. Tapos na kasi nilang hukayin ang lupa. Hindi naman masyadong malaki ang orphanage na ipapatayo namin ni Andrew. Yung sakto lang. Pero maganda at magugustuhan ng mga batang titira dito.

Naging masyadong busy na din ako sa pagma-manage sa company at sa pagma-manage dito. Hay~ nakakapagod nga talagang magmanaged ng isang company. Siguro ngayon si Ian pagod na pagod na. Hindi ko man lang siyang magawang alagaan kapag napapagod siya.

Hindi naman ako masyadong nalulungkot dito. Kasi parati kong kasama ang bestfriend kong si Mika na parati akong pinapatawa sa mga corny jokes niya. Meron pa, dahil kasama ko sina Andrew. Sila ang pangalawang mga taong nagpapasaya sa akin ngayon.

Naging mas super close kami ni Andrew this past three days. Ang masasabi ko lang parang nakikilala ko na siya nang pakunti-kunti. Si Andrew Walls ay isang gentleman, mabait, at masipag. Masipag siyang maghantay.. maghantay na bumalik ang first love niya.

Gagayahin ko na lang ang ginagawa niya. Maghahantay din ako sa pagbabalik ni Ian. Hindi ko mamadaliin doon si Ian. Dahil alam ko na super kailangan niyang ayusin yung company namin doon sa US kaya ang kailangan ko lang gawin ay ang intindihin siya.

Ganun naman sa pagmamahal, kung mahal mo talaga ang isang tao magagawa mo siyang intindihin.. intindihin siya nang habang buhay kasi nga mahal na mahal mo siya..

Tahimik lang akong nagbabasa ng mga papeles sa loob ng condo ko. Ay hindi ko nasabi, lumipat pala muna ako ng bahay. Lumipat ako sa malapit na condo. Para madali na lang akong makapunta sa construction.

Nang biglang may kumatok sa pinto. Hala, sino naman kaya yun? Siguro si Mika. Agad akong tumayo at binuksan ang pinto. Napangiti ako nung makita ko si Andrew. B-bat andito 'to? Siguro may kailangan siya.

" Drew, may kailangan ka ba? ". Tanong ko sa kanya.

May inabot siya sa akin. Isang lunch box.

" Baka nagugutom ka na. Wag ka nang mag-order. Parati na lang kitang dadalhan dito. Para naman makatipid ka ". Nginitian ko siya.

Aww ang bait mo talaga. Kinuha ko ang lunch box. Mukhang masarap 'to ah.

" Thank you ha ". Nginitian niya ako.

" Sige mauna na ako ". Tumingin ako sa kanya.

" Susunod na lang ako pagkatapos kong kainin tong dala mo para sa akin. Thank you ulit ha ". Nginitian namin ang isa't isa.

Infairness, madadala ang mga babae sa ngiti niya. Gwapo kasi tong si Andrew Walls. May mahal na kasi kaya hindi na marunong tumingin sa iba. Parang ako, may boyfriend na kaya hindi na pwedeng tumingin sa iba. Parehas na parehas lang kami. Hay~ kamusta na kaya si Ian.

Andrew's POV.

Yayain ko kaya siyang magdinner kasama ako. Pero nahihiya ako.. ano ba ang pwede kong gawin? Nahihiya akong yayain siya. Pero sabi ng puso ko na kailangan ko siyang yayain. Hay~ ano ba ang pipiliin ko? Ang puso ko o ang utak ko? Aaaaaahhhhh! Naguguluhan na ako!

Sana masarapan siya sa luto ko. Talagang pinag-aralan ko yun. Para lang sa kanya. Hay~ bat pa ako naging concern kay Beth? Ano bang nangyayari sa akin?!

Pumunta ako sa construction at biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si Beth na masayang kinakausap sina Fiona at ang kaibigan niyang si Mika. Ano tong nararamdaman ko? Parang iba? H-hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya. Si Elizabeth lang ang gusto ko at mamahalin ko nang habang buhay.

Missing You | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon