Friendly Dinner

939 19 2
                                    

Beth (Elizabeth)'s POV.

Ready na ako. 6:30 pa lang, malapit na mag'7. Kunting hintay na lang. Ok na ba tong suot ko. Pink dress.. haha mukha akong dalagang-dalaga. Mukha lang akong 14 yrs.old. Ang cute ko dito, my goodness. Sana nakita 'to ni Ian, alam ko mas lalo siyang maiinlove sa akin.

Sayang wala kasi siya eh.. umupo ako sa kama. Nang biglang may kumatok sa pinto. Si Andrew na ba yan? Agad akong tumayo at binuksan ko yung pinto. Si Andrew nga!

" Uy ". Nakangiti siya sa akin.

" Uhm.. ok ka na ba? ". Mukha bang hindi?

" Hmm.. tapos na ako, so halikana ". Nginitian ko siya.

" Yeah.. let's go ". Sabay na kaming lumabas sa condo.

Sumakay ako sa sasakyan niya. Magkatabi kami sa harap. Ang pangit naman tingnan kung sa likod ako uupo. Magmumukhang driver si Andrew. Tumingin ako sa kanya. My goodness! Ngayon ko lang siyang natitigan nang matagal. Ang tangos din pala ng ilong niya.

Ang kinis pa niya. Mukhang hindi 'to nagkakaroon ng tigyawat dati. Yung patilya niya.. mas gumagwapo siya.. WAIT! Ano tong nararamdaman ko?! Yung puso ko! Tumitibok nang mabilis! Agad kong pinakiramdaman ang puso ko. Hindi pwede! Si Ian lang ang laman nito.

Teka saan ba kami pupunta?

" Drew, saan ba tayo kakain? ". Tumingin siya sa akin.

" Basta.. ". Ano 'to secret talaga?

Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi imposibleng walang babaeng nagkakagusto kay Andrew. Dahil hindi lang siya gwapo. Sweet, gentle, at napakabait pa. Hindi rin malayong magkagusto ako dito sa taong 'to.. Hala! Ano tong iniisip ko?! Hindi pwede.. Beth may boyfriend ka na.. tumigil ka nga.

Agad akong umiwas nang tingin kay Andrew. Pinagmasdan ko na lang yung mga dinadaanan namin. Parang papunta na 'to sa construction ah. Doon ba kami kakain? Nabigla ako nung hininto na niya yung sasakyan. Bakit andito kami sa bundok? Yung bundok.. kung saan kami naligaw dati.

" B-bat andito tayo? ". Nakangiti siyang tumingin sa akin.

" Dito tayo kakain ". Seryoso ka?

Sabay kaming lumabas sa sasakyan niya. Pagkatapos lumapit ako sa kanya.

" Seryoso ka ba? Dito tayo magdi-dinner? Eh diba naligaw na tayo dito? ". Nginitian nanaman niya ako.

" Beth.. ngayon ko lang nalaman na may daanan pala dito sa bundok papunta sa tuktok. Eh hindi tayo dumaan doon kaya tayo naligaw ". Baka manuno nanaman tayo.

" Baka manuno tayo ulit ha ". Natawa siya.

" Sus.. hindi na promise. Akong bahala sayo ". Napangiti ako sa sinabi niya.

Ang sweet niya talaga. Alam kong magugustuhan ka ni Ian. Dahil isa kang tunay at mabait na kaibigan. Pagkatapos nag-umpisa na kaming maglakad. Pagdating namin sa entrance. Bat ang dilim? Wala akong makita! Baka maligaw nanaman tayo!

" Drew, sa iba na lang kaya tayo kumain ". Napatingin siya sa akin.

" Bakit naman? ". Hello! Ang dilim dilim kaya.

" Ang dilim-dilim oh, baka maligaw ulit tayo eh ". Nginitian niya ako. Hay~ yung mga ngiting yan.

" Actually Beth may mga ilaw jan, wait ". May parang pinindot si Andrew at biglang nagkailaw.

Missing You | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon