I'll Comfort You

925 21 1
                                    

Andrew's POV.

Nakita ko na tumakbo si Beth palayo kay Ian. Kailangan kong sundan si Beth. Alam kong hindi niya ginusto yung mga nasabi niya kay Ian. Kailangan ko siyang damayan ngayon. Agad akong tumakbo at sinundan ko si Beth. Kailangan ko siyang damayan..

Ian's POV.

T-totoo ba tong nangyayari? W-wala na kami ni Beth.. bumigat bigla yung kalooban ko. Argh! Napaluhod ako. Hindi ko mapigilang umiyak. I-I can't believe na mangyayari 'to sa aming dalawa. I want Beth.. siya lang ang gusto ko.. akala ko maghihiwalay lang kami kapag nakaalala siya pero.. mali ako.

Ngayon.. wala na kami. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mababaliw ako.. sobra. Hindi ko kayang hindi makita si Beth. Madami na din kaming pinagdaanan pero hindi kami sumuko pero bat ngayon.. sumuko siya? Hindi ko naman sinasadya ang mga nagagawa ko sa kanya.

Nagseselos lang ako.. yun lang. Hindi ko naman gagawin yun nang walang dahilan. Mahal lang talaga kita Beth. Mahal na mahal.. pero paano ko tatanggapin sa utak at puso ko na.. wala na tayo. Hindi ko alam kung kakayanin ko 'to.. hindi ko alam Beth.

Andrew's POV.

Tumakbo ako nang mabilis hanggang sa maabutan ko si Beth na biglang tumigil sa pagtakbo. Nandodoon lang ako sa likod niya. Kailangan ba niya ng karamay ngayon o gusto niya munang mapag-isa? Nabigla ako nung bigla siyang humarap sa akin at niyakap niya ako nang mahigpit na mahigpit.

Umiiyak pa din siya. Dahan-dahan ko siyang niyakap din. This is the first time na mayakap ko si Beth. Umiiyak lang siya habang yakap-yakap ko siya. Sige lang umiyak ka lang Beth. Makakalimutan mo din yan pagkatapos mong ilabas ang mga luha jan sa mga mata mo.

Dahan-dahan ko hinawakan ang ulo ni Beth. Iiyak mo lang yan Beth. Hayaan mo andito lang naman ako hindi ako mawawala sa tabi mo.. promise yan. Tumagal ang pagkayakap sa akin ni Beth. Sinulit ko na din ang pagkakataon na yun para yakapin din siya.

Grabe, parang nahihiya pa nga ako. A-ang bango ng buhok niya medyo curly. Dahan-dahan ko siyang tiningnan. Nakita ko na umiiyak pa din siya. Siguro tinatagan lang niya yung sarili niya kanina. Buti naman sinunod mo yung sinabi ko Beth. Sinunod mo talaga ang sinasabi ng puso mo.

Unti-unti akong napapangiti habang tinititigan ko si Beth. Iiyak mo lang yan.. andito naman ako para samahan ka.

Pagkatapos niyang umiyak pumunta kami sa tuktok ng bundok. Doon ay naupo kami sa damuhan at pinagmamasdan lang namin ang mga bituin sa langit. Nang may isang shooting star ang napadaan sa langit.

" Uy shooting star ". Sabi ko. Dahan-dahan akong tumingin kay Beth.

Nakita ko na tahimik lang siyang nakatingala sa langit. Grabe namumula pala siya kapag umiiyak siya.

" Ano pa ba ang hihilingin ko? ". Sabi niya.

" Bakit.. wala ka na bang mahiling? ". Tumingin siya sa akin at nag-umpisa ulit siyang umiyak.

" Wala na eh.. wala na kasi kami. Hindi ko alam kung tama ba yung ginawa ko. Pero ngayon.. bat parang namimiss ko siya? ". M-mahal mo pa din siya?

Dahan-dahan akong umiwas ng tingin sa kanya.

" Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Parang ngayon nagsisisi na ako sa mga sinabi ko sa kanya ". Napatingin ako sa kanya.

" Tsk.. sa simula lang yan. Siguro kapag tumagal.. matatanggap mo din na tama lang ang ginawa mo. Kasi yun naman ang sinasabi ng puso mo diba? ". Dahan-dahan siyang tumingin sa akin.

Missing You | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon