Jealous

994 18 0
                                    

Kinabukasan.

Beth (Elizabeth)'s POV.

Nakatulog ba ako nang maayos? Parang pati panaginip ko puro si Andrew. Ano ba? Dapat si Ian, hindi si Andrew! Hindi ako manloloko. Hindi ko kayang lokohin si Ian. Hindi.. 'to pwede..

Nagdecide akong wag muna pumunta sa construction. Mamaya na lang hapon. Kailangan ko munang magpahinga talaga.

Andrew's POV.

Pagdating ko sa construction. Bat parang hindi ko makita-kita si Beth? Hindi ba siya pumunta dito? Siguro.. umiiwas yun sa akin. Hay~ hindi ko naman sinasadya yung nagawa ko kahapon. Pangako pagdumating siya. Agad akong magpapaliwanag sa kanya.

Hay~ nakakamiss naman siya. Nagpapamiss ka ba? Hay~ naboboring ako kapag wala ka. Umupo muna ako. Wala naman akong gagawin eh. Hay~ ano ba ang pwedeng gawin? Tumingala ako at pinikit ang mga mata ko. Pinapakiramdaman ko lang yung hangin. Woo.. ang lamig lamig.

Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko. Nabigla ako nung makita ko si Fiona na nakangiti sa akin.

" Uy Fiona! ". Umupo siya sa tabi ko.

" Oh.. eto tinapay, kumain ka muna ". Aww.. ang sweet naman ng bestfriend ko.

" Salamat ha, mukhang masarap 'to ah ". Nginitian ko siya.

" Syempre ako ang pumili nyan eh ". Napangiti ako sa sinabi niya.

Nabigla siya nung inakbayan ko siya. Nanlaki ang mga mata ni Fiona at dahan-dahan siyang tumingin sa akin.

" Fiona.. ". Nginitian ko siya.

" Hmm? ". Nahihiya pa siyang tumingin sa akin.

" Salamat.. salamat talaga sa lahat lahat. Sinasamahan mo ako palagi. Isa kang tunay na kaibigan ". Napangiti siya.

Niyakap ako ang bestfriend ko nang mahigpit na mahigpit. Hay~ thankful ako dahil nagkaroon ako ng kaibigang katulad mo Fiona. Salamat talaga sa lahat lahat nang nagawa mo pra sa akin. Hayaan mo magiging mabait at tapat akong kaibigan din sayo.

Tumingin kami sa isa't isa. Sabay nginitian namin ang isa't isa.

Beth (Elizabeth)'s POV.

Seryoso lang akong kumakain nang tanghalian. Nakakaboring pala kapag wala kang kasabay kumain. Hay~ hindi mamaya na lang ako pupunta sa construction. Hindi ko pa kayang makita si Andrew. Kailangan ko munang mapag-isa.

Pagkatapos kong kumain. Umupo ako sa kama ko. Aaaahhhh! Nakakaboring talaga! Hindi ba tatawag si Ian? Hanggang ngayon ba nagtatampo pa din siya sa akin? Ian please naman tumawag ka na.. binuksan ko ang cellphone ko.

Bumungad agad sa akin ang picture naming dalawa ni Ian. Namimiss ko na 'to. Yung paglalambing ni Ian. Siguro kaya ako nagkakaganito dahil namimiss ko lang si Ian. Hay~ siguro nga yun ang dahilan.

Aaminin ko sa inyo. Gusto ko na talagang makaalala. Dahil yun lang ang alam kong solusyon para makalimutan ko na yung feelings ko para kay Andrew. Kasi alam kong puro si Ian ang nasa ala-ala ko. Malalaman ko kung paano niya ako niligawan. Malalaman ko din yung unang pagkikita namin.

Humiga ako sa kama. Hay~ gusto ko na talagang makaalala. Kailangan ba ako makakaalala na? Ang tagal tagal ko ng naghahantay pero hanggang ngayon wala pa akong naaalala.

Pinikit ako ang mga mata ko. Kailangan ko na talagang makaalala. Focus.. focus Beth.. napadilat ako nung may marinig akong boses na tinawag ako sa pangalang.. Elizabeth. Napabangon ako. Elizabeth? Sino yung lalaking parati kong naririnig yung boses niya? Pero hindi ko naman masyadong nakikita yung mukha niya.

Missing You | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon