I'm Sorry...

863 18 0
                                    

Andrew's POV.

Umaga na. Paggising ko, excited na excited akong tumayo at nag-ayos ng sarili ko. Naligo at pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako. Excited na akong makita si Elizabeth. Namiss ko siya ng sobra eh. Hahahah! Magkasama nga kami araw-araw.. hindi namimiss ko talaga siya agad eh.

Agad kong lumabas sa bahay namin at tumakbo ako papunta sa bahay nila Elizabeth. Napahinto ako sa pagtakbo nang makita ko si Elizabeth na tahimik lang na nakaupo sa hagdanan sa labas ng bahay nila. Pagkatapos dahan-dahan siyang napatingin sa akin.

Pagtingin niya sa akin, agad ko na siyang nginitian at nginitian din naman niya ako. Pagkatapos agad na akong umupo sa tabi niya. Napansin ko na parang wala siya sa mood ngayon.. m-may problema ba 'to? Baka siguro may sakit siya ngayon?

" Ok ka lang? ". Napatingin siya sa akin ulit.

" Hmm.. ok lang ako ". Nginitian ko siya. Eh.. mukhang hindi.

" Grabe.. ang daming nangyari ngayong month noh. May nagkidnap sa akin, binugbog ako, tapos na dahil doon na hospital ako. Pero anjan ka pa din sa tabi ko ". Napatingin sa akin ulit si Elizabeth. Pero pagtingin niya sa akin umiiyak na siya.

" Oh.. b-bat ka umiiyak? ". Agad kong hinawakan ang pisngi niya.

" Mahal kita.. ". Napangiti ako dahil sa sinabi niya.

" Hay~ Elizabeth ma-- ". Nabigla ako nung niyakap ako ni Elizabeth nang mahigpit na mahigpit.

" Drew.. basta.. tandaan mo mahal na mahal kita ". Nagtaka naman ako. M-may problema ba na hindi ko alam?

" Elizabeth.. sabihin mo nga sa akin may problema ba? ". Hinarap ko siya sa akin.

" W-wala.. ok lang ang lahat, wag kang mag-alala ". Nginitian niya ako. Wala, eh bat parang meron?

Agad niyang pinunasan yung luhang lumabas sa mga mata niya. Pagkatapos tumingin na ulit siya sa akin.

" Sabi mo yan ha.. wala. Hindi na ako mag-aalala ". Nginitian niya ako.

" Umuwi ka muna.. ". Huh? A-ayaw mo bang andidito ako?

" Bakit? Ayaw mo akong kasama? ". Natawa siya sa tanong ko.

" Ako na lang mamaya ang pupunta sa bahay niyo. M-may gagawin lang kasi ako ngayong umaga ". A-ano naman ang gagawin nito? Ayaw niya ba ng tulong? Pwede ko siyang tulungan.

" Tutulungan na lang kita ". Para magkasama pa rin tayo.

" Wag na.. kaya ko na 'to ". Hay~ sige na nga. Hindi na kita pipilitin..

Sabay kaming tumayo, pagkatapos humarap kami sa isa't isa.

" Sige hihintayin kita sa bahay namin ha ". Nginitian nanaman niya ako.

" Hmm.. pagkatapos ko dito, diretso agad ako sa bahay niyo ".  Nginitian ko rin siya at niyakap.

Elizabeth's POV.

H-hindi ko na alam ang gagawin ko. N-naiiyak nanaman ako.. hindi kailangan makita ni Andrew na masaya ako ngayon. Hindi niya dapat mapansin na.. hindi ako masaya sa mangyayari ngayon.

Dahan-dahan nang naglakad si Andrew palayo sa akin. A-ang sakit.. ang sakit nito para sa akin.. hindi ko gustong saktan siya pero kailangan kong lumayo sa kanya dahil.. ayaw kong may mangyaring masama sa kanya nang dahil lang sa akin.

Paglayo niya, lumingon siya sa akin at kinawayan ako. Pagkatapos dahan-dahan niya akong nginitian. Pagtalikod niya.. doon na ako umiyak nang umiyak. M-mamimiss ko yung ngiting niyang yan.. I'm sorry.. Andrew hindi ko ginustong saktan ka.

Missing You | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon