Forgetting You

901 19 3
                                    

Elizabeth's POV.

Habang nakikita kong palayo nang palayo sa akin si Andrew. Hindi ko na mapigilang umiyak. Andrew.. I'm sorry, I'm sorry bumalik ka. Hindi ko na magawang gumalaw. Nasaktan ko nang sobra si Andrew dahil sa mga sinabi ko sa kanya.

Tingin ko hindi na niya ako mapapatawad pa. Sana maintindihan mo.. Andrew. Sana wag kang magalit sa akin. Gagawa ako ng paraan para makaalis dito. Kapag nagawa ko na yun.. babalik ako sayo at itutuloy na natin yung pagsasama nating naudlot ng isang problema.

Bigla akong hinawakan ni Ian sa braso. Napaharap ako sa kanya. Dahil 'to sayo.. dahil sayo baka hindi na kami magkaayos pa ni Andrew. Agad akong kumalas sa pagkakahawak niya sa akin.

" Masaya ka na? ". Napatingin siya sa akin.

" Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. Pero nangangako ako.. gagawa ako ng paraan para makatakas sayo.. ". Hindi ko na kayang tumingin pa sa kanya kailangan ko ng pumasok sa loob.

Agad akong pumasok sa loob ng mansyon nila Ian at dumiretso agad ako sa kwarto ko. Doon ako umiyak nang umiyak. Gusto kong puntahan si Andrew para magpaliwanag kung bakit ko sinabi yung mga nasabi ko sa kanya kanina. Hindi ko gusto yun.. napilitan lang ako dahil ayaw ko siyang mapahamak.

Ikaw ang mahal ko Andrew, hindi si Ian. I'm sorry..

Andrew's POV.

Pag-uwi ko sa bahay. Dumiretso agad ako sa kwarto ko. Pagpasok ko sa kwarto ko. Bumagsak agad ako sa kama ko. H-hindi na niya ako mahal.. b-bakit? Parang nung nakaraan lang masaya kaming dalawa tapos ngayon.. hindi na niya ako mahal.

Bakit niya yun sinabi? Sinabi pa niya yun sa harap ni Ian. Niloko niya ako.. nagsinungaling siya sa akin? Pero alam kong hindi niya yun masasabi sa akin pero.. nasabi na niya eh. Kailangan ko na bang kalimutan si Elizabeth? Baka may dahilan kung bakit niya yun sinabi?

Pero anong dahilan? Bigla kong pinagsusuntok ang sarili ko. Argh! Naguguluhan na ako kakatanong sa sarili, tanong na hindi ko man lang magawang sagutan. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko sa mga mata ko.

Alam niyo kung saan ako nasaktan nang sobra. Nung tumingin siya sa akin.. tapos sinabi niya na hindi na niya ako mahal. Hindi niya kayang sabihin yun pero baka nga totoong hindi niya na ako mahal dahil nakatingin siya sa akin habang sinabi niya yung salitang yun.

Ang hindi matanggap.. bakit pa niya ako pinaasang.. magsasama kami habang buhay. Bakit? Hindi naman niya pala kayang panindigan yung pangako niya na hinding-hindi niya ako iiwan. Baka nga niloko lang ako ng pinakamamahal ko babae. Kailangan ko na siyang kalimutan, wala na akong nakilalang Elizabeth.

Wala na..

Kinabukasan.

Elizabeth's POV.

Maaga akong nagising, pupunta pa ba ako sa construction? Baka andodoon din si Andrew. Baka hindi ko kayanin kapag nakita ko siyang iniiwasan ako.. napatayo ako nung biglang pumasok sa loob ng kwarto ko si Ian. Ano naman ang kailangan nito?

" May kailangan ka? ". Tanong ko sa kanya at dahan-dahan siyang lumapit sa akin.

" Wala.. gusto lang kitang samahan papunta sa construction ". S-sigurado ba siya? Baka mainis nanaman siya kapag makita niya si Andrew.

Hinawakan ni Ian yung isa kong kamay. Pero agad kong tinanggal yung kamay kong hinawakan niya.

" M-mag-aayos lang ako ". Pagkatapos kinuha ko na yung towel ko at pumasok na ako sa loob ng cr ko.

Missing You | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon