Ian VS Andrew

914 23 0
                                    

Beth (Elizabeth)'s POV.

Umaga na. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko. Nabigla ako nung nakita ko si Ian na may dala-dalang breakfast para sa akin. Napabangon agad ako at tumingin ako sa kanya. Nagpapacute ata 'to? Ganito 'to kapag nakakagawa ng kasalanan eh.

Nakangiti niyang nilagay ang breakfast sa kama ko. Pagkatapos nakangiti ulit siyang tumingin sa akin.

" Kumain ka na. Ako ang nagluto nyan ". Ngayon.. nagawa ko nang makangiti.

" Hay~ sa wakas nakita ko na rin yang ngiti mo ". Mas napangiti ako.

Nabigla ako nung bigla akong halikan ni Ian sa pisngi. Biglang nawala ang ngiti ko sa mukha ko. Nginitian ko na siya eh.. pero nawala din agad dahil sa ginawa niya. Argh.. dapat mas lalo akong ngumiti dahil hinalikan ako ni Ian sa pisngi.

Pagkatapos akong halikan ni Ian, napahawak ako sa pisngi ko. Gulat na gulat yung mukha ko. H-hindi ko maexplain kung anong nararamdaman ko? Masaya ba ako o Malungkot?

Pagkatapos kong kumain, nag-ayos na ako nang sarili ko. Naligo at nagbihis nang simpleng damit. Eto na ata ang napakasimpleng damit na nasuot ko. Isang pink dress. Haha ang cute ko pala kapag nakaganito ako. Parati kasi akong nakapants kapag pupunta ako sa construction.

Kailangan maiba naman. Pagkatapos naglagay ako nang clip sa buhok ko. Yan mukha na ako bata! XD Ang cute ko talaga. Umalis na kami ni Ian, pagdating namin sa construction. Kinausap muna ako ni Ian bago kami lumabas sa sasakyan.

" Beth ". Napatingin ako sa kanya.

" Hmm? ". Mukhang seryoso yung sasabihin nito ah.

Nabigla ako nung hinawakan niya yung isa kong kamay.

" Dito ka lang sa tabi ko. Wag na wag kang aalis sa paningin ko ha. Promise? ". B-bakit kaya?

" Hmm.. promise ". Nginitian namin ang isa't isa.

Andrew's POV.

Anjan na sila Ian at Beth. Dumating na yung sasakyan nila eh. Biglang tumigil yung pag-ikot ng mundo ko nung nakita ko si Beth. N-napakaganda ni Beth. Sa ayos niya ngayon.. m-mukha siyang simpleng dalagang pilipina. A-ang ganda niya my goodness!

H-hindi ako makagalaw. B-bakit ganito? Nakita ko na dahan-dahan siyang lumalapit sa akin. K-kakamustahin niya ba ako? Maghanda ka na Andrew palapit na siya.

Nawala ang ngiti sa mukha ko nung biglang hawakan ni Ian yung kamay ni Beth. Nang-aasar ka ba Ian? Malapit na sana si Beth eh pero bigla kang umeksena. Hay~ Andrew kalma lang. Hindi ka pwedeng mabadtrip ngayon. Kailangan positive lang.

Ayaw kong masira yung araw ko nang dahil lang jan. Paglakad nilang dalawa, naglakad na rin ako palayo sa kanila.

Tanghali na. Woo.. ang init. Bat pa kasi ako nagpolo? Dapat nagt-shirt na lang ako. H-hindi naman masamang maghubad ng damit pangtaas diba? Wala akong magagawa sobrang init eh. Agad kong hinubad ang suot-suot kong polo. Yan hindi na ako masyadong naiinitan.

Sakto pagkahubad ko biglang napadaan si Beth. Napalingon agad ako sa kanya. Yung mga mata niya nanlaki nung nakita niya akong nakatopless lang.

" Beth! ". Napatingin siya sa akin.

" Uy Drew ". Lalapitan ko na sana siya.

Pero bigla siyang hinatak ni Ian. Naghubad ng t-shirt si Ian sa harap talaga ni Beth. Nagpapaangasan ba tayo dito? Mukhang ganun eh. Naghubad lang naman ako kasi mainit. Hindi ako nagpapapansin kay Beth.

Missing You | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon