Meeting

1.1K 25 0
                                    

Beth (Elizabeth)'s POV.

Pagdating namin ni Ian sa kwarto niya, agad ko siyang pinasok sa loob. Nung pag-upo niya sa kama niya bigla niyang hinawakan yung left wrist ko at hinatak niya ako palapit sa kanya. My goodness! Nagkalapit yung mga mukha namin sa isa't isa. Hay~ bat ba ang ganda-ganda ng mga mata mo, Ian?

" Sa akin ka lang ha... ". Bat kailangan mo pang sabihin yan?

" Hmm. Sayong-sayo lang ako ". Nginitian ko siya at napangiti naman siya nang dahil sa sinabi ko.

" Sige nga patunayan mo.. kiss mo ako ". Sus.. alam ko na yang plano mo Ian. Kilalang-kilala na kita kaya wala na yang epekto sa akin.

Tinakpan ko ang mga mata niya gamit ang right hand ko. Nagtaka naman siya. Pwede ba chill ka lang Ian!

" Bakit.. Beth? ". Napangiti ulit ako.

" Just close your eyes, wag kang didilat. Kapag nakita kitang dumilat magagalit ako sayo ". Nakita ko siyang ngumiti.

" Ok ok. I will do what you said ". Nakangiti siyang pumikit.

Tinanggal ko na ang right hand ko sa mga mata niya nung nakita kong nakapikit na talaga siya. Ang gwapo talaga ng boyfriend ko. Medyo mahaba na yung buhok niya pero ang gwapo-gwapo niya pa rin. Dahan-dahan kong nilalapit ang mukha ko, palapit sa mukha ni Ian.

Dahan-dahan kong hinalikan ang noo ni Ian. Pagkatapos ko sa noo, sunod kong hinalikan ang napakatangos niyang ilong. Haha parehas lang kami.

" Mahal kita.. ". Napadilat siya nung marinig niya yung sinabi ko.

" Mahal na mahal din kita Beth ". Nginitian namin ang isa't isa.

Dahan-dahan naming nilalapit ang mga mukha namin sa isa't isa. Malapit na malapit nang magkadikit yung mga labi namin. Eto na yun! Malapit na! First kiss ko na 'to! Pero nung malapit na naming mahalikan ang isa't isa. Biglang pumasok sa loob ng kwarto ni Ian ang Papa niya.

" Son ". Nabigla kaming dalawa ni Ian sa pagpasok ng Papa niya.

Nanlaki ang mga mata naming dalawa at napatingin kaming dalawa sa Papa niya. Aish. Nakakahiya naman 'to! Baka kung anong isipin ng Papa niya! Argh! Worst Day Ever!

" Dad, why? Is there a problem? ". Tumayo si Ian.

" I need to talk to you. Teka lang Beth ha importante lang talaga ". Napatingin ako sa Papa niya.

" Ay sige lang po, ok lang ". Nginitian ko ang Papa niya.

" Teka lang ha, saglit lang 'to ". Agad nang lumabas si Ian sa kwarto niya.

Hay~ ako lang ang mag-isa sa loob. Punta na nga ako sa kwarto ko baka mabored pa ako dito kaya lumabas na agad ako sa kwarto ni Ian at pumunta na ako sa kwarto ko.

Ian's POV.

Pinapunta ako ni Papa sa loob ng kwarto niya para lang kausapin ako. Para saan kaya yung pag-uusapan namin? Siguro tungkol sa company?

" Son ". Hinarap ko si Papa.

" Dad, ano po ba yung pag-uusapan natin? ". Hinawakan ni Papa yung kanang balikat ko.

" We need to save our company in US ". Nanlaki ang mga mata ko.

" Huh?! Why?! What happened? Dad! ". Pinakalma naman ako ni Papa.

Missing You | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon