Elianna Demi Rodiriguez
2 years passed.
Sometimes I get lost in the fantasy that one day you're going to run back to me and tell me you're sorry for what you did and that you love me and I'm enough for you and you're never going to leave, ever again.
Dalawang taon ang lumipas pero ang mga katagang yan ang dumiin sa isip ko. Tama nga sila, yun ang ang pag-alis ko ang desisyon na pagsisisihan ko, pero yung pag-alis ko din ang naglayo sa akin sa taong hindi para sa akin.
Flashback
1 week pa lang ako sa New York, hinahanap hanap ko na yung presensya ni Keanu. Halos araw araw na akong umiiyak, knowing my strength isn't here. Kaya napag desisyonan kong umalis ng New York, to stay 1 week back at Philippines to clear things up with Keanu.
"Dumating ka na ba sa Pilipinas anak?"
"Yes Mom, meron pang pasok si Kuya. Mag ta-taxi na lang ako"
"Take care there, wag kang papalipas ng gutom, wag kang magpapagod diyan. Okay?"
"Yes Mom"
Ng nakasakay ako sa taxi address kaagad nila ni Keanu ang binigay ko, kinakabahan ako ng huminto na ito sa gate nila.
"Kuya, hintayin niyo na lang po ako ah?"
"Sige po Ma'am"
Dali dali naman akong bumba at ng doorbell. Nalaglag naman yung panga ng maid nila ng makita nila ako, their maid is shivering, ng greet pa ito sa akin na nauutal.
"Si Keanu po?"
"Sa—sa.. lo-loob" Ng bigay daan naman yung maid nila sa akin, tumango naman ako at naglakad papasok sa kanila. Nakapark sa gilid yung sasakyan ni Keanu, andoon din yung sasakyan ni Kuya Joshua.
"Elianna!" Napamura naman ako sa isip ko sa pagkabigla, nilingon ko naman si Ate Kylie sa garden nila, nakaupo kasama si Kuya Joshua. Tumakbo pa si Ate Kylie sa akin at niyakap ako.
"I heard from Keanu, you're in New York?"
"Bumalik po ako eh" Tumango naman ito at ngumiti sa akin, ng cling pa ito sa braso ko at naglakad pa kami papunta ky Kuya Josh. Humalik naman ako sa pisnge ni Kuya Joshua na karga karga si Baby Jack.
"Okay na kayo ni Keanu?" Umiling naman ako sa tanong ni Kuya Joshua.
"Na sa loob po ba siya?" Nagtinginan naman si Kuya Joshua at Ate Kylie,. Nagtanong naman ako kung ano ba ang problema, sabay naman silang umiling at ngumiti sa akin.
"Pu-puntahan mo siya sa loob Edz?" Tumango naman ako ky Ate Kylie.
"Hatid kita"
"Wag na Ate, mabilis lang naman ako"
Tumango naman silang dalawa sa akin, sakto naman pagtalikod ko at pagtingin sa main door nila, naglalakad si Keanu at merong nakakapit sa kanyang braso. Nalaglag naman yung panga ko sa nakita ko, nakapamulsa si Keanu habang yung babae merong sinasabi sa kanya.
"Edz" Naramdaman ko naman yung paghawak ni Ate Kylie sa balikat ko. Napatakip naman ako sa baba ko ng hinalikan ng babae si Keanu sa labi.
And after all this time. I haven't been alright since we said goodbye. Napakagat naman ako sa labi ko, walang salita ang lumabas sa bibig ko, hindi din gumalaw yung mga paa ko.
BINABASA MO ANG
Endless Summer
RomanceDalawang beses na ni Elianna at Keanu sinaktan ang isa't isa, kung ano ano na din ang sumubok sa relasyon nilang dalawa, hindi dapat sila natitinag pero sariling desisyon nila ang nagpapahiwalay sa kanilang dalawa. Tuloy nga ang New York ni Elianna...