Endless Love

246 5 0
                                    

Elianna

"Keanuu!!!!!" Sigaw ko habang hawak hawak ang tiyan ko.

"Fuck!" Sigaw ni Keanu sa gilid na ng red ang stoplight.

"Nagmumura ka!?" Inis kong sigaw sa kanya. Nalaglag naman ang panga niya habang tinitingnan ako.

Tawa naman ng tawa ang sa likod namin.

"Bilisan mo Keanu! Tangina lang talaga! Ang sakit na!" Sigaw ko habang hinahampas hampas ang braso niya. Hindi niya naman ako pinapansin at patuloy lang siya sa pagdrive.

"Edz.. kumalma ka.. hindi mapapalipad ni Keanu to" Sabay tapik ni Rayna sa akin at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

Hindi ko naman kasi alam na ganito pala talaga ka sakit manganak na! Akala ko noon exagge lang si Mommy at Chloe magkwento.

**

"Ahhh!!!"

Hawak hawak ko ang kamay ni Keanu habang ini-ire ang first born namin. Nakapikit ang mga mata ko at napapakagat ako sa labi ko. Ramdam ko naman ang bawat halik ni Keanu sa kamay ko at ang mahigpit niyang hawak.

"Isa na lang Elianna, push" Sabi ng pinsan ni Keanu na OB ko.

Ng narinig ko ang iyak ng isang bata, nakahinga ako ng maluwag at merong lumabas na luha sa mga mata ko.

"I love you so much wife" Sabay halik ni Keanu sa noo ko. Ngumiti ako sa kanya at merong luha sa gilid ng kanyang mga mata. Hinaplos niya naman ang pisnge ko at hinalikan ako.

Hindi ko ma-express ang feeling na nagbigay buhay ka sa sanggol, sa anak niyo at napasaya at napakumpleto mo ang taong mahal mo, ang asawa mo. Tama nga si Mommy, kapag ina ka. Lahat ng meron ka ibibigay mo sa pamilya mo, handa ka dapat ibigay at gawin ang lahat kahit minsan pagod ka na at nahihirapan. Walang katumbas pala ang saya kapag nabigay mo ito at nakikita mong masaya ang taong mahal mo. Yung meron kayong panibagong blessing, yung bunga nang pagiibigan niyo. Lahat ng sakrispisyo niyo noon, ngayon andito na lahat. Lahat ng sakit na nadama niyo noon, ngayon one step closer to happy ending na.

Ano pa ba ang pangarap ko na hindi natupad? Naging masaya na ako, naka graduate ako, naikasal na ako sa taong mahal ko, at eto na at nagkakapamilya na ako. Lahat ng life goals natupad ko, tama nga sila. Pain before pleasure. Mararamdaman mo muna dapat ang mga sakit. Lahat ng pinaghirapan mo, mababyaran din pala. Hindi ko masasabi na naging masaya kami ni Keanu sa marriage life namin, nag-away kami, at kung ano ano pang petty fights pa diyan.

Hindi perpekto ang naging relasyon namin ni Keanu. Kapag naiisip ko yung una naming pagkikita, hindi ko mapigilang hindi mapangiti at mapaiyak sa saya. Yung parang tanga ako nakanganga sa harap niya? Yung unang na rinig ko ang boses niya? Yung isang gabi na hinanap ko yung facebook niya? Yung first dinner naming dalawa? Napakasaya ko kapag naalala ko yun.

Ang Summer na yun.

Naging kami, masaya ang flow ng relasyon namin hanggang dumating ang hindi inaasahang pangyayari. Iniwan niya ako, pero bumalik din. Nawalan kami, iniwan ko siya pero andoon pa din siya. Minahal pa din ako at nagbalikan pa din kaming dalawa.

Hanggang sa naging legal ang relasyon naming dalawa, naging Mrs. Dela Vega ako. Wala nang sasaya sa mga panahon na alam mong walang nang magpapahiwalay pa sa inyo, nang nalaman kong nabuntis ako. Siguro daig ko pa ang nanalo sa lotto, hindi umalis sa tabi ko si Keanu, kahit late nights na sumpungin ako at gusto ko nito, gusto ko ganyan. Umaalis talaga siya para bilhan ko.

You need to take all the risks; you need to hurt yourself first. There is no elevator to success; you have to take the stairs.

**

Endless SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon