Elianna Demi Rodriguez
"Elianna! I'm calling your name nth times" Inis na sabi ni Lauren sa akin. Inirapan ko naman siya at kinuha yung papeles na binigay niya sa akin. Ng mg graduate ako, nagtrabaho kaagad ako sa company namin dito sa New York.
Andito na din si Kuya sa New York kasama si Chloe at ang panganay nilang anak na si Georgia.
Lauren is my best friend here in New York, since last year. Habang pumapasok sa school at umuwi sabay kami noon, lahat na sa akin alam niya na. Isa din siya sa tao na tumulong sa akin sa lahat lahat.
"Lunch or nah?" Nakataas na kilay nitong tanong sa akin. Tumango lang ako sa kanya at kinuha yung bag ko sa gilid. Nag re-touch muna ako.
Lauren doesn't speak tagalog. Dito kasi talaga siya lumaki si New York.
"Bar later, bib?"
"No, I have so many works to do Lau"
"You're so hardworking Elianna Rodriguez! Hello! We're 21 years old already! Live girl! Live!"
"I am living Lauren Ferguson! Yes we're 21 but how about you? You look—Pfft" Sabay pigil ko ng tawa, sinamaan niya naman ako ng tingin at sinabunotan. Tumawa naman ako sa kanya.
"Whatever Lau, where is your twin brother?"
"Oh! You loving him? I knew it! You will fall—"
"No!" Defensive kong sabi sa kanya. Don't fall in love, it hurts. Yan ang sabi ko sa sarili ko parati. I am a successful woman now, pero I should act as one now. I don't need to look back, I just need to move forward. At wala pa sa plano ko yung mag commit ulit. Madami pang dadating sa buhay ko, at sa bawat pagtanggap ko sa mga taong gustong pumasok sa buhay ko, binibigyan ko lang sila ng pagkakataon para saktan at durogin ako.
"I'm just joking! Fine, no if no" Umirap pa ito sa akin. I prefer talking to Porter than Lauren. Si Porter kasi nagtatagalog pa yun, sa Pilipinas din kasi siya nag-aral before, tapos umuuwi daw siya dun pa minsan minsan.
Dito silang dalawa pinanganak, pero yung mother nila at father separate kasi, kaya si Porter kinuha ng Mommy niya, at sa Pinas lumaki, pero kinukuha kuha din siya ng Daddy niya para magsama sila ni Luaren at mkilala yung isa't isa.
"Oh there he is!" Sabay turo ni Lauren sa loob ng restaurant, tumingin naman ako. Kumaway naman si Porter sa amin. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango.
"So kamusta yung bahay na pinapatayo mo Edz?" Tanong ni Porter sa akin. Busy naman si Lauren sa pagpili ng kakainin. At isa pa, hindi niya din naman maiintindihan.
"Hindi ko pa napuntahan eh, bukas na lang. Samahan mo ako?"
"Sure! So hindi mo pa nakita yung Engineer?"
"Nope, yung Architect lang nakita ko since before eh"
Tumango naman si Porter sa akin. Nag kwentohan naman kami na nagkwentohan, wikang Ingles na dahil nakikisabay na si Lauren sa amin.
True friends will be by your side through it all. Not leaving you, not turning their back at you even you made a mistake. True friends will understand you.
**
"Tita!" I bend to reach and hug Georgia. She is 3 years old. Lahat ng features namana niya lahat ky Chloe. Si Kuya naman paalis alis ng New York, ang dami niya kasing trabaho kaya yung bahay na pinagawa ko hindi siya ang naging Engineer.
Bumeso naman ako ky Chloe habang karga karga ko si Georgia. Halik ng halik naman ng pisnge si Georgia sa akin.
"You miss Tita, Gia(Ja)?" Tumango naman ito sa akin.
"Kumain ka na Edz. Hindi pa umuuwi si Mommy at Daddy" Tumawa naman ako at tumango ky Chloe. Mom and Dad are like teenagers. Palaging nag de-date. Kapag umuuwi nga minsan si Mommy dito meron pa siyang mga bulaklak na dala dala.
Too high school.
"Let's go upstairs Gia, you're Tita Elianna is tired" Sabay lahad pa ng kamay ni Chloe na parang kukunin si Georgia pero umiiling lang ito sa kanya.
"Ano ba pinakain mo sa anak namin Edz?" Sabay tawa nito. Binelatan ko naman siya. Chloe and I are so close now.
"Mas mabango lang kasi talaga ako sa'yo" Sabay tawa ko. Inirapan niya naman ako. Minsan lumalabas kami ni Chloe at Lauren. Para nga kaming mag tro-tropang tatlo. Kahit ilan na yung eda ni Chloe, para para itong ka edad ko, kahit meron ng lumabas sa kanya, sobrang sexy pa rin niya.
Ng nakatulog si Georgia sa balikat ko, binigay ko naman siya ky Chloe.
*Phone vibrates*
From: Architect Mason
Hey Elianna, you free tomorrow? You must see the house!
Dexter Mason and I are good friends, kilala siyang architect at ang gaganda ng mga gawa niya talaga kaya gusto ko siya ang mag design ng bahay. Siya din yung naging interior designer.
**
"Edz, iwan ko muna si Georgia sa'yo ah?" Sabi ni Chloe habang nag me-make up. Kakababa ko lang galing kwarto, it's 8 o'clock in the morning. Naka pajama pa ako at spaghetti strap top.
"Saan ka pupunta?"
"Meeting" Tumango naman ako sa kanya. Hindi muna ako papasok ngayon, dahil tapos naman yung ibang gawain ko sa opisina, wala din akong meeting.
Kumain naman ako at naligo, binihisan ko din si Georgia para maisama ko siya mamaya tapos makapamasyal kami. Si Mommy at Daddy naman bumabalik balik din sa office to check things out.
"Tita, where we goin'"?
"We will stroll baby" Nilagay ko naman sa baby car seat si Georgia. Matalino ang batang to, siyempre nagmana sa Tita. Hahaha.
Ng dumating kami, si Dexter pa yung nagbukas ng pinto at kumuha ky Georgia. Paglabas ko binigay niya naman kaagad ito sa akin. Nilalaro naman ni Georgia ang kwintas ko.
"Woah! Really Dex? I didn't expect this as the outcome" Amaze na amaze kong sabi kahit façade palang ng bahay ang nakikita ko.
"Of course! My Engineer is the best! Nothing compares!" Proud pa nitong sabi, I nod at lumakad papasok ng bahay. Kasama ko naman si Dexter tapos meron itong sinasabi sabi about sa bahay.
Ng matapos kung libutin, pumunta naman kami sa garden at umupo doon. Nakatungtong si Georgia sa mesa habang naglalaro.
"Where's the Engineer? I'll deposit to your account the payments. Okay?"
"Sure my dear Elianna. Oh yes, about him. He has an important meeting now, but he's Mr.Dela Vega"
Dela Vega.
"What's wrong Edz?"
"Oh nothing!" Sabi ko at ngumiti. Really Edz? Until now? Lakas pa din ng epekto ng pangalan niya sa'yo?
"You better see him Elianna, but make sure if you're facing him you won't drool" Sabay hagalpak pa nito ng tawa, binato ko naman siya ng isang laruan ni Georgia, sinalo niya naman ito at binalik sa bata.
"Why would I Dexter?" Nakataas na kilay na tanong ko sa kanya.
"Oh I forget about it! You're Elianna Rodriguez, the girl will never fall" He laugh again, I just roll my eyes at him. "But he's Keanu Dela Vega after all" Nasamid naman ako sa sarili kong laway sa pagkarinig ko nun.
What the fuck happening to you Elianna? You moved on!
I don't know if I'm getting better or just usedto the pain.
BINABASA MO ANG
Endless Summer
RomanceDalawang beses na ni Elianna at Keanu sinaktan ang isa't isa, kung ano ano na din ang sumubok sa relasyon nilang dalawa, hindi dapat sila natitinag pero sariling desisyon nila ang nagpapahiwalay sa kanilang dalawa. Tuloy nga ang New York ni Elianna...