Chapter 18

114 4 0
                                    

Elianna Demi Rodriguez

Days passed. Hindi na kami masyadong nagkikita ni Keanu, naging busy na ito at hindi makaalis sa site. Kaya naisipan kong puntahan na lang siya dun at maglunch kami sa malapit na restaurant sa site. Magpapasama naman ako ky Rayna dahil andun din si David.

Nagsuot na lang ako ng itim na leggings at hanging na top, ayaw na kasi ni Keanu na nag sho-shorts ako kapag hindi kami magkasama. Okay lang naman sa akin.

"What's the plan after lunch, Edz?" Inayos ko naman ang seatbelt ko at hinawakan ang manibela, kumibit balikat naman ako sa tanong ni Rayna.

"Shopping?"

"Sure thing, Rayna" Ngumiti naman si Rayna at nilabas nag make ups niya at nag make up doon, still the old Rayna Dela Vega. Katulad talaga sila ni Keanu.

"I already texted David na pupunta tayo" She said while curling her eyelashes, I nod at her.

"Nakapunta ka na ba dun?"

"Uhmm yeah, last days para sunduin si David"

At konting chitchat pa ang ginawa namin bago kami nakarating sa site nila ni Keanu.

"Good morning" Bati ng guard sa amin, tumango naman kami at ngumiti sa kanya. Tinanong pa ni Rayna ang guard kung na sa loob ba si David at si Keanu.

Tiningnan ko naman ang kabuohan ng ginagawa nilang building, hindi pa masyadong nauumpisahan pero I know maganda ito kapag natapos na. Because I know the Engineer.

"Tara Edz, na sa loob daw sila kakapasok lang din daw" Tumango naman ako ky Rayna, lumakad naman kami, patingin-tingin naman kami sa paligid.

Pagpasok namin sa mini-office nila, nakita namin kaagad si David na bumaba. Humalik pa ito ky Rayna at bumati sa akin.

"Naglunch na kayo?"

"Uhmm yes, nagdala kasi si Trinity ng pagkain but if you want to go out and lunch again it's fine with me babe, two pm pa naman ang balik namin sa labas" Tiningnan ko naman ang relo ko at 12:30 pa lang.

Lumakad naman kaming tatlo at hindi pa kami makalapit, naririnig na namin ang tawanan ng isang lalaki at isang babae, siyempre alam ko kung si sino yung lalaki.

Kinabahan naman ako bigla, ughh Elianna. Napra-praning ka na ba? Magpapakasal na kayo two weeks from now.

Binuksan naman ni David ang pinto at nauna naman akong pumasok, napatigil naman sa pagtawa sina Keanu ng makita nila kami.

"H-hi" Sabi ko sa kanya, tumayo naman ito at lumakad palapit sa akin, umayos naman ng pagkakaupo ang babae, tiningnan niya naman ako mula ulo hanggang paa.

"Couz, tara lunch" Aya ni Rayna sa kanya, tumingin naman si Keanu sa akin. I press my both lips, tiningnan ko naman ang babae, she's wearing a plain black dress at naka stiletto ito, mapupula ang labi nito.

Hindi ko alam kung bakit mabilis ang tibok ng puso ko, I trust Keanu. I love him passionately, irrevocably, desperately, eternally, and hopelessly. I love him with more love that could compete with the infiniteness of the universe.

"By the way, she is Trinity Prado, the architect.. Trin, this is Rayna, my cousin, she's David's girlfriend" Tumayo naman si Trinity at nag shake hands kay Rayna, ngumiti naman si Rayna at halatang pilit ang ngiti niya, ng tiningnan ko si Rayna, pinandilatan niya naman ako.

"And this is Elianna, my wife" Napangiwi naman si Trinity ng marinig niya iyon, ngumiti naman ako sa kanya, pilit na ngiti naman ang binigay niya sa akin. Napakagat naman ito sa labi niya at tumayo ng matuwid.

"I thought you're single, Keanu" Sabi nito, napairap naman ako sa isip ko. Fuck you Dela Vega. Makikita mo talaga mamaya.

"Oh yeah.. maybe just a thought" Sosyal na tawa ni Trinity. Ilang irap naman ang ginawa ko sa isip ko. This is hard for me to smile genuinely.

"So Trinity, we need to go. Kita na—"

"Aww can I go? Wala akong kasama dito" Tumingin naman si Keanu sa akin, umiwas naman kaagad ako ng tingin sa kanya, tae niya. Makikita niya talaga mamaya. Tiningnan niya naman si Rayna, umirap pa si Rayna at tumango.

Ng lumabas kami ng opisina nila, hinawakan ni Keanu ang kamay ko pero kinukuha ko iyon. Naguunang lumakad si Rayna at si David, sumusunod naman kami ni Keanu, at sa tabi ni Keanu si Trinity.

"What's the problem?" Bulong ni Keanu ng kinuha ko yung kamay niya sa baywang ko.

"Wala, wag kang PDA" He laugh sarcastically to my answer, inirapan ko naman siya.

"Really huh? At ngayon mo lang naisipan ang PDA ah?"

"Shut the fucking up, Dela Vega"

"Watch your language, Elianna" Inirapan ko naman siya ulit, binilisan ko naman ang lakad. Kung ako magmura hindi pwede? Kung siya pwede? Nasaan ang hustisya?

Pagdating namin sa restaurant, mabilis naman na kumapit si Trinity sa braso ni Keanu, napairap naman ako. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Rayna sa kamay ko.

"Mapupurahan na yan sakin" Tumawa naman si Rayna sa sinabi ko sa kanya. Pumunta naman kami sa good for six na upuan. Naunahan pa ako ni Trinity na umupo sa tabi ni Keanu, sa kabilang side sina Rayna at si David, sa harap naman ni David si Trinity, at sa tabi nito si Keanu. Bigla namang uminit ang ulo ko ng hindi man lang pinaupo ni Keanu sa tabi niya.

Padabog ko naman hinila ang upuan sa tabi ni Rayna at binalewala ang tingin ni Keanu. Manigas ka, gago ka.

"Elianna" Tawag ni Keanu sa akin pero patuloy lang ako sa pagtingin sa menu. Siniko naman ako ni Rayna, binalewala ko lang iyon.

"Keanu.. diba you like this oh?" Napa tss naman ako sa sinabi ni Trinity, ng nahagip ko na tumingin silang apat sa akin, inirapan ko naman sila.

"Elianna!" Inis ng tawag ni Keanu sa akin, tiningnan ko naman siya at seryoso na itong nakatingin sa akin. Hindi ako papayag na ako lang ang naiinis ngayon, if I am jealous, I will annoy him. That's all.

"Anong masarap na pagkain dito Dave?"

"Uhmm.. try their Crispy Pata—"

"Omg Dave, too much yan. If you want a sexy body you—"

"You shut up" Inis kong sabi ky Trinity, she gasped, umigting naman yung panga ni Keanu. Humagikhik naman sina David at Rayna.

"Oh sorry to offend you" Sabi nito at nilapag ang meanu, nilapag ko din yung menu at tiningnan siya at ngumiti sa kanya.

"Don't worry dear. I am not offended by your words, I am offended by your presence" Dire-diretso kong sabi, napangiwi naman ito, tiningnan naman ako ni Keanu ng masama at tinawag ako, inirapan ko naman siya.

"Are you jealous, Elianna?" Taas naman ng tingin niya sa sarili niya, I smile at Trinity and shook my head.

"Saang banda, Trinity?"

"Elianna, stop it" Saway ni Keanu sa akin. Ngumiti naman ako ng matamis sa kanilang dalawa kahit sa isip ko ilang saksak na ang ginawa ko sa kanila.

"Sorry, I need to go. Parang hindi ako welcome dito" Tumayo naman si Trinity at kinuha yung bag niya, mas lalo lang uminit ang ulo ko ng nakita kong pinigilan ni Keanu ang kamay nito, napakagat naman ako sa bibig ko.

Padabog naman akong tumayo at tumingin naman silang apat sa akin. Sinamaan ko naman ng tingin si Keanu, matakot ka ngayon gago.

"Magpakasal ka mag-isa mo!" Sigaw ko sa kanya at padabog na lumabas ng restaurant, rinig ko naman ang pagtawag ni Rayna sa akin at ni Keanu. Hindi na ako lumingon pa, bahala siya sa buhay niya.

Really jealousy!?


Endless SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon