Bumaba ako ng building at andoon na kaagad ang sasakyan ni Kuya sa tapat. Hindi man lang nag text? Knowing Kuya Emmett now? He's impatient.
Binuksan ko naman ang shot gun seat, papasok na sana ako ng si Keanu ang nakita kong na sa driver's seat.
"Get in"
My jaw drop, tiningnan ko naman ang sasakyan kung tama ba ito, ng nakita ko yung mga unan at stuff toys ni Georgia sa likod ng sasakyan, sasakyan nga ito ni Kuya.
Napaface-palm na lang ako, walang gana naman akong sumakay doon. Sinuot ko naman ang seatbelt ko at kinabahan na kaagad ako. Hindi ako makalingon, kahit sariling hinga ko pinipigilan ko na.
"Na-nasaan si Kuya?"
"I won the game, your brother is still your brother—"
"Fuck it, siyempre! Nagjo-joke ka ba?" Parang tatawa ako sa sinabi niya, yung totoong tawa talaga pero pinigilan ko. Naasar naman kaagad iyon at umirap pa sa akin.
Really? Still the old Dela Vega I knew.
"Wait! Maling daan to papunta sa amin ah" sabi ko sa kanya at tumingin sa gilid, hindi talaga kasi ito ang papunta sa bahay.
"You already have your own house, Elianna. Tapos na yun, why not stay there?"
"Paki mo ba?" Mataray kong tanong sa kanya, hindi naman ito sumagot. Patuloy lang ito sa pag drive.
Ng pinark niya iyon sa tapat ng bahay na pinagawa ko, padabog naman akong bumaba doon. Hindi naman na nagagalit ako sa kanya, naiinis lang ako. Paano niya naman magawang mag act ng ganyan na parang walang nangyari 2 years ago!?
Humarap naman ako ng marinig ko ang pagsara ng sasakyan, bumaba din ito. Pinatunog pa niya at sasakyan at sumunod sa akin. Ng magtama ang tingin namin, inirapan ko naman ito at pumasok sa loob.
Kompleto na ang mga gamit dito, by next week lilipat na ako dito. Ky Kuya Emmett at Chloe kasi yung tinitirhan namin, si Mommy at Daddy naman sasama sa akin at hindi naman sila palaging nag ste-stay sa isang lugar lang. Palagi silang out of the country na dalawa.
"Kumain ka na?" Tanong nito sa akin, umupo naman ako sa sofa at nilagay ang bag ko sa gilid. Sinandal ko naman yung ulo ko sa couch. Sobrang sakit ng ulo ko at ng mata ko, ilang oras kong kaharap ang computer.
"I will cook for you, do you have groceries here?"
"Alam mo naman na hindi pa ako tumitira dito diba? Siyempre wala pa" Mataray kong sabi sa kanya, his jaw drop. I know! Pikon pa din siya.
Tumayo naman ako at kinuha yung bag ko at lumakad papunta sa kwarto ko dito sa bahay, naramdaman ko naman ang paghila ni Keanu sa akin. Napasubsob naman ako sa matigas niyang dibdib. I even smell his scent, ganun pa din yun. Sarap paring amoyin.
"I have been staying awake at nights, wondering if I should tell you this, Elianna Demi" Naramdaman ko naman yung kamay niya sa baywang ko, gusto kong kunin, gusto ko ding hindi.
Proven! You still love him Elianna.
Damn fine!
"The long wait is over, love. You already done saving yourself, I am still drown waiting for you to save me"
Damn Keanu. Damn! Love. Ngayon ko lang ulit iyon narinig, tumibok naman ng mabilis ang puso ko. Parang nagkakarerahan ito sa bilis.
"Keanu"
"I hate you Elianna, I hate you so much. I hate you for leaving me how many times, for breaking my heart hundred times, I hate you for being selfish, I hate you for being irresponsible, I hate you because you're happy here while me I was so fucked up at the Philippines"
"Hate mo pala ako bakit ka andito!?" Inis kong sigaw sa kanya, kumakawala ako sa yakap niya pero mas lalo niya lang hinihigpitan ang yakap niya sa akin.
"But I hate myself even more, thousand more, thousand times, love because I hate you but I can't prove it. I hate you but in the end I love you, I hate myself because I can't unlove you years ago" Naramdaman ko naman yung pagbagsak ng kanyang ulo sa leeg ko, dinidikit niya yung mukha niya sa leeg ko.
"Kea—"
"We will talk, we will clear things up. We will start again. 2 years was fucking enough, love" Napapikit naman ako, I want to remember all his shits pero bakit hindi ako nasasaktan? Bakit nangingibabaw yung saya na nararamdaman ko?
"Sandali lang, Keanu" Pilit ko namang kinukuha yung kamay niya, tiningnan niya naman ako. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya. I will forgive him, we will start again but not now. Not this fast.
"I want to be able to look at you, and not so feel hurt by you" Pumiyok yung boses ko, tumalikod naman ako sa kanya at nagsimulang lumakad pero niyakap niya lang ako galing sa likod. Shit Keanu! Shit! Shit!
"Oo Keanu, 2 years yun. Mahal pa kita, yan gusto mo marinig galing sakin?"
"Shit! Yes Elianna" Sabi nito, kinuha ko naman yung kamay niyang nakapulupot sa baywang ko at hinarap siya, I can't explain his expression, basta sa akin. Lahat lahat nararamdaman ko. Takot ang nangingibabaw.
"Mahal nga kita Keanu, mahal kita. Pero your shits will kill me, yung mga ginawa mo sa dalawang taon na hindi tayo magkasama! I don't know how to trust again. Remember the last day we saw each other? Meron kang kasamang babae! Remember the day na una tayong nagkita dito sa New York? Meron kang babae at rinig ko yung away niyo! She sounds your girlfriend, Dela Vega!"
His jaw drop.
"You turned the page. I burned the book" Tumakbo kaagad ako para hindi na niya ako mahigit pa, pumasok ako sa kwarto at umiyak doon.
Fuck it! Nararamdaman ko na naman yung mga sakit na pinaramdam niya sakin years ago. The past has passed, I should let it fucking go.
Hindi ko dapat itago na hindi ko pa siya mahal kung hanggang simula, alam ko na yun. Una ko siyang nakita, same feeling ng una ko talaga siya nakita noon summer. Pero yung pinangangamba ko ay yung, insecurities na babalot na naman sa akin, at takot na takot na naman ako dahil baka dumating na naman yung araw na masasaktan na naman namin ang damdamin ng isa't isa.
BINABASA MO ANG
Endless Summer
RomanceDalawang beses na ni Elianna at Keanu sinaktan ang isa't isa, kung ano ano na din ang sumubok sa relasyon nilang dalawa, hindi dapat sila natitinag pero sariling desisyon nila ang nagpapahiwalay sa kanilang dalawa. Tuloy nga ang New York ni Elianna...