Elianna Demi Rodriguez
Weeks passed at nagiging maselan ako, si Rayna ang kasama ko sa bahay dahil busy pareho sina David at Keanu. Si Miracle naman busy din sa business niya kaya hindi namin nakakasama.
Naka-upo naman ako sa couch habang nakapatong ang unan at popcorn doon, si Rayna naman tingin ng tingin sa album na ginawa ko, yung saan lahat ng pictures namin ni Keanu since kasal na kami at ang mga pictures namin sa Singapore, Malaysia, England, Paris at iba't iba pang lugar na pinuntahan naming dalawa.
"Elianna! Labas na tayo!" Sabay higa ni Rayna sa sofa at tinaas pa ang paa at pinatong sa armrest, umiling naman ako sa kanya. Natatamad akong lumabas, at isa pa magagalit si Keanu kapag lalabas ako.
"Under ka ni Keanu?" sabay tawa nito sa akin. Inirapan ko naman siya.
"Surprise mo kaya siya dun! Sige na!"
"Ano naman gagawin ko?"
"Wala kang utak? Edi magisip ka, ughh!" Binato ko naman siya ng popcorn at kinain niya naman ang natapon sa dibdib niya.
Kung ano ano pang kwentuhan ang pinagkwentuhan namin ni Rayna, nagbake pa kaming dalawa. Wala pa kaming maid dahil ayaw ni Keanu dahil hindi daw kami magkaka quality time kapag merong ibang tao. Hahaha, pilyo talaga.
Madaming kalat sa mesa dahil sa mga ginamit namin ni Rayna, nang ng 5pm, nagtry kaming magluto ng mga dish para dinner naming apat. Wala lang, naisipan lang namin.
"Ba't hindi pa kayo kinakasal ni David, Raynz?" Huminto naman siya sa paghiwa at tumingin sa akin at nakangiti, my forehead creased at her. Binaba niya naman ang kutsilyo at tumalikod at hinalo ang niluluto niya.
"Hin..hindi pa kami ready eh"
"Really? Matagal na kayo ah"
Kinagat niya naman ang labi niya at umupo sa gilid ko. Nag-iba naman ang ekpresyon niya na para bang merong sasabihin pero natatakot siya.
Nilapit ko naman ang upuan ko sa kanya.
"Alam mo kasi Edz... ano eh.. mahirap pa"
"Paano?" umiwas naman ng tingin si Rayna sa akin at tumingin sa labas dahil merong bumusena. "Tara na, andiyan na sila" Sabi nito at tumayo kaagad. Ang weird. Sumunod naman ako sa kanya, sakto naman pagdating ko sa main door ng bahay namin ni Keanu, bumaba naman ito na merong dalang dala na bulaklak.
Bumeso naman siya ky Rayna na na sa gilid ng sasakyan niya kasama si David, lumapit naman siya sa akin at hinalikan ako sa labi at inabot ang bulaklak sa akin. Niyakap naman ako ni Keanu at hindi ko nagustohan yung amoy niya. I flinched and his forehead creased.
"Your perfume is severe!"
"What?" Tanong nito at inamoy pa yung damit niya. Sumalubong naman yung kilay ko at ganun din sa kanya.
"Maligo ka nga!" Sabi ko sa kanya at padabog na lumakad papasok.
"What happened to my wife, Rayna?" Rinig ko pang tanong niya ky Rayna, tinawanan naman siya ng pinsan niya.
Hinintay naman naming tatlo na bumaba si Keanu dahil naligo ito. Ughh! That's my favorite perfume, bakit ngayon hinding hindi ko na nagugustohan? Naguusap naman si Rayna at si David at nilaro-laro ko lang yung bulaklak na bigay ni Keanu sa akin. Kesa naman mag eavesdrop ako? K fine! Oo na.
"Why not, babe?"
"Wha the fuck? Sabing hindi pwede eh!"
"Talaga bang hindi pwede o ayaw mo lang?"
"Bwiset!"
Napatingin naman ako ng padabog na tumayo si Rayna, hinawakan naman ni David ang kamay niya at pinabalik siya ng upo, nagsukatan naman silang dalawa ng tingin.
"You done love?" Pag-iiba ko, tumango naman si Keanu at lumakad palapit sa amin. Nagmura naman ng pabulong si Rayna at umupo bigla. Ng tiningnan sila ni Keanu na dalawa, umiwas naman kaagad sila ng tingin.
"Rayna" Merong banta sa boses ni Keanu pero inirapan lang siya ni Rayna. Ewan ko ba, pero outdated ako?
Umiling naman si Rayna at kumuha na ng pagkain, nilagyan naman ni Keanu ang plato ko at susubuan pa sana ako.
"Eat, alam kong gutom ka na din" Umiling naman siya at hindi pa din nilalapag ang kutsarang hawak hawak niya.
"Bilis na, nangangawit na yung pogi mong asawa" Tumawa naman ako sa pagiging hangin niya, kahit si David tumawa ng bahagya, si Rayna naman seryosong kumakain.
Kwinento naman ni Keanu sa akin kung ano nangyari sa araw niya, wala namang pakialam si David at Rayna dahil meron silang sariling mundo.
Habang tinitingnan ko si Keanu na kumakain at nag-uusap sa akin, para akong tumitingin sa mundo ko. Yung isa sa mga pangarap mo na sa harap mo na at hinding hindi mo na kelangan pang abutin pa dahil siya mismo nagaabot din sa'yo.
"Ako na lang maghuhugas Edz, maglakad lakad na lang muna kayo ni Keanu or do something you guys want" Sabi ni Rayna at tumayo bigla at niligpit ang mga pinggan namin, ng kinuha niya ang plato ni David, hinawakan naman ni David ang kamay niya pero tinabig niya lang ito. Tiningnan ko naman si Keanu, at napailing naman ito habang nakatingin sa dalawa.
Hinawakan naman ako ni Keanu at inaya palabas ng bahay at maglakad-lakad sa garden.
"Anong nangyayari sa kanilang dalawa?" Huminto naman kami sa paglakad at umupo sa picnic table sa labas, niyakap naman ako ni Keanu sa baywang habang ako nakapatong ang dalawang siko sa mesa.
"Just a little war" Sabi ni Keanu na medjo husky at mahina ang boses. Nakatapat naman ang mukha niya sa leeg ko.
"Why?"
"Hayaan mo na sila"
"But.. Keanu" Merong banta naman sa boses ko, ng tss naman ito at umayos ng pagkakaupo. Kinuha niya naman ang isang kamay ko at hinawakan iyon.
"Kapag sinabi ko sa'yo, don't overreact. Makakasama sa anak natin" Sabay kindat pa nito sa akin, parang masarap sa tenga ang sinabi niya; anak natin. Ngumiti na lang ako at tumango sa kanya.
"Dumating si lolo last month—"
"Really? Ba't hindi ko kilala?" I interrupt nag poker face naman kaagad siya. Bakla talaga nito.
"Patapusin mo nga ako, papakilala kita sa kanya bukas" Tumango naman ako sa kanya. Nakilala ko na kasi yung mga Titas, Titos, Cousins, Lola niya at yung Lolo niya hindi ko pa kilala. Wala na din ang Lolo at Lola niya sa mother side, at wala din siyang pinsan at tita't tito sa mother side dahil mag-isa lang si Mommy niya.
"Pinakilala ni Rayna si David pagdating ni Lolo, I haven't see him also dahil paalis-alis ito, ng dumating kasi siya we're.." Pinigilan niya naman ang ngiti niya. Kumunot naman yung noo ko sa kanya. "We're.. you know. Always on heaven" Kinurot ko naman kaagad siya sa braso. Tumawa naman ito. Ughh!
"Magseryoso ka nga Dela Vega!"
"Saang banda? Seryoso naman akong nagmamahal sa'yo ah" He wink at me, I roll my eyes at him pero deep inside, kinikilig ang puso ko.
Kung mahal niyo talaga ang isa't isa, hindi talaga mawawala ang kilig at iba't iba pa sa relasyon niyong dalawa kahit matagal na kayo, kahit kasal na kayo, o siguro kahit maging matanda na kayo.
Naiisip ko nga minsan, ang ibang mag-asawa masaya naman ng una eh, bakit sila kaya naghihiwalay? Baka ilang taon ang lumipas at maging ganyan kami ni Keanu? And if that will happen, that is my dead end. Ayaw kong mangyari yan, ayaw kong mawala si Keanu sa akin. Losing him is also taking away my life.
BINABASA MO ANG
Endless Summer
RomanceDalawang beses na ni Elianna at Keanu sinaktan ang isa't isa, kung ano ano na din ang sumubok sa relasyon nilang dalawa, hindi dapat sila natitinag pero sariling desisyon nila ang nagpapahiwalay sa kanilang dalawa. Tuloy nga ang New York ni Elianna...