Chapter 2

162 2 0
                                    

Elianna Demi Rodriguez

Pagulong gulong lang ako sa kama habang bumabalik sa isip ko yung sinabing pangalan ni Dexter. I know Keanu is an engineer, pero why here? Why here in New York? Kapag naglalaro ba naman yung tadhana.

I shook my head. Damn it! It's already 2 years Elianna. Okay ka na eh, okay ka na. Halos dalawang taon mo din hindi narinig ang pangalan niya, siguro hindi ka lang nasanay kaya ayan. At isa pa, hindi lang siya ang nag-iisang Keanu Dela Vega sa mundo.

**

"Hoy Elianna! Gising na! Male-late ka na sa meeting mo" Nagising naman ako bigla sa pagrinig ko nun ky Chloe, dali dali naman akong pumasok sa banyo at naligo.

Hindi na ako nakapag breakfast sa sobrang pagmamadali. Halos natitipalo na ako sa sobrang bilis paakyat sa floor ng opisina ko. Damn it! Damn him! Ng dahil sa kakaisip, sobrang late na ako natulog.

"What happened to the Elianna Rodriguez? Ba't naging haggard?" Umupo naman ako sa swivel chair ko at sumandal. Sinundan ako ni Porter ng matapos ang meeting kanina. Hindi na ako nakapag make up, hindi ko na din na curl yung mahaba kong buhok.

"I already saw the house, Port"

"So how is it?"

"I never expect it. Really"

Nag-usap pa kami ni Porter ng mga ano-ano hanggang sa kumain kami ng tanghalian sa labas ng opisina.

"Is that Dexter?" Sabay turo ni Porter ng lalaking kumakain sa loob, binuksan niya naman ako ng pinto. Pumunta naman kami ky Dexter. Porter and Dexter are friends too. Si Porter nga ang nag recommend sa kanya.

"I need to go guys, happy date!" Sabay kindat pa ni Dexter sa amin ni Porter. Tinawanan lang namin siya. Akala kasi nila Porter and I are dating but we're not. Porter and I are just friends. JUST FRIENDS.

"Aalis na ako by 1, Edz ah. Hindi na kita masasamahan. Meron akong pupuntahan"

"Daan mo na lang ako, meron akong bibilhin eh" Tumango naman ito. Si Porter ang nagbayad ng bill namin sa restaurant.

**

Ilang paper bags na yung dala dala ko, sobrang dami na naman nabili ko. Shopping is my stress reliever, minsan nakakalimutan ko yung mag problema ko dahil dito.

Ng nakaramdam ako ng pagod, pumasok ako sa isang restaurant sa mall para kumain at magpahinga.

Habang naghihintay ng pagkain, hinilig ko naman yung ulo ko sa sandalan ng upuan at pumikit. I am scared to get close to anyone because everyone that said I will always be here for you left me.

"Here's your order ma'am"

I live in my head. Sometimes I leave my body for days; sometimes my body is only a suitcase for my heart.

Since before, I love being alone. Ayaw ko na napapalibutan ako ng mga tao. I learned how to be idependent and be brave. Ayaw kong idepende ang kasiyahan ko sa kamay ng iba.

Ng matapos akong kumain, bitbit ko naman lahat ng mga binili ko. 7pm na, kanina pa pala ako dito sa mall. Naglakad-lakad naman ako palabas ng mall papunta sa parking lot. Sobrang ginaw talaga, I am hugging myself. I better date myself forever. Hahaha.

"I-I thought you came here dahil meron kang trabaho!"

"You lied"

Napahinto naman ako sa paglalakad palapit sa sasakyan ko ng meron akong naririnig na nag-aaway sa gilid at rinig ko pa yung sampal. Umirap naman ako sa kawalan.

"2 years wasn't enough to love me back!?" Hagulhol ng babae ang naririnig ko, baka nag-aaway sila ng boyfriend niya, oh! Ang ganda kong chismosa ngayon ah. Nakakahawa kasi yung pagiging nosy ni Lauren eh. Hahaha.

Umiling na lang ako at lumakad na lang papunta sa sasakyan ko, and guess what? sa gilid pa sila ng sasakyan ko nag-uusap. Nakatalikod lang yung lalaki, malaki ang katawan nito, mataas, at appealing kahit nakatalikod ito.

Nalaglag naman yung panga ko ng humarap ang lalaki sa akin. Parang napako ako sa kinatatayuan ko.

"Don't turn your back at me Keanu! Ano ba! Pumunta ako dito sa New York dahil parang hindi na kita nararamdaman!" Hinila pa ng babae ang damit ni Keanu. Pero hindi niya makuha ang tingin ni Keanu.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko. Tumitingin ito sa akin ng madiin, oh lupa kainin mo muna ako ngayon. Gusto kong tumakbo, but damn feet! Ayaw gumalaw.

Ng matauhan ako, I compose myself.

"No worries, I didn't hear anything" Sabi ko sa sabay talikod. Dali dali naman akong pumasok sa sasakyan. Pinapawisan ang kamay ko at sobrang higpit ng hawak ko sa manibela.

Damn it! Stop it heart! You moved on right!?

Lalo itong gwumapo, nagpadagdag sa kanyang appeal ang jawline niya, kahit naka plain na t-shirt lang ito, nakikita ang hubog ng malaki at maskuladong katawan nito.

I close my eyes and shook my head. Ilang luha ang sinayang mo Elianna para maka move on sa lalaking yun. Wag mong gawing walang kwenta ang pinagihirapan mo.

Mabilis ko naman pinatakbo ang sasakyan ko, nagawa ko pang tumingin sa rear mirror ng sasakyan, nakita ko pa siyang nakatayo doon habang nakatingin sa sasakyan kong umaandar na.

I sigh. It may be seem the hardest thing to do, but I have to forget the guy who forgot me.

Ng dumating ako sa bahay, hinala ko kaagad si Chloe at kwinento sa kanya. Gumalo naman sa isip ko at hindi na naman ako nakatulog ng maayos.

Life is so unpredictable. I will move forward, no part of me will ever look back.

Endless SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon