Chapter 21

144 5 0
                                    

Elianna Demi Rodriguez

When I was a kid, kapag lumalakad ako sa aisle ng simbahan, iniisip ko kung paano kaya kung kakasalin din ako? Ano kaya ang feeling nun? Noon, kapag merong kinakasal sa simbahan o sa resort, nanunuod talaga ako, ang saya at masarap sa pakiramdam na tingnan ang dalawang tao na kinaya lahat ng pagsubok sa relasyon, sarap tingnan ang dalawang tao na nagmamahalan at humarap sa Panginoon. Ng nagka boyfriend ako, ng naging kami ni Benjamin noon, sobrang excited ako, gusto ko na nga sana bisitahin ang sarili ko para makita ko yung kasala ko, pero siyempre, sa buhay dapat hindi kailangan nagmamadali. Madami pumapalpak kapag nagmamadali, marami pa ang pwedeng magbago.

Ng naghiwalay kami noon, hindi na pumasok sa isip ko ang kasal. Paano ka magpapakasal kung ang ka isa-isang tao na gusto mo pakasalan noon ay iniwan ka? Paano ka ngingiti at iiyak sa sobrang saya sa harap ng altar kung iniwan ka na niya?

Great love and great achievement involves great risks. That's why I gave my all to the one and only Keanu Dela Vega. Ilang beses man kami nagkasakitan, pag-ibig pa din ang nangingibabaw.

Pinagsadahan ko ng kamay ko pababa ang wedding gown na suot suot ko, tiningnan ko naman ang sarili ko sa harap ng salamin. Napangiti naman ako, this is the day.

"Elianna!" Tumingin naman ako at ngumiti sa mga kaibigan ko na tumitili at sobrang ayos na ayos sila, bumeso naman si Chloe, Rayna at Miracle sa akin. Nag konting picture naman kami doon.

"30 minutes pa Edz! Magiging Dela Vega ka na!" Sabay tili ni Rayna at naluluha sa sobrang saya, tumawa naman ako, kahit ako maiisip ko yan, napapaluha din ako sa sobrang saya. Halos kagabi hindi ako makatulog ng maayos.

Kung meron man akong natutunan sa relasyon namin ni Keanu, yun ang have courage and be kind. Hindi man makita na palagi kaming nag-aaway, pero nakailang mabibigat na hiwalay kaming dalawa. Nawalan ng anak, at winala ang isa't isa.

"Epic talaga ni Keanu sa baba!" Sabay halakhak ni Chloe at hinahawakan pa ang pisnge niya. Tumwa din si Miracle at Rayna at nag apir pa sila, tumingin naman ako sa kanila na nakakunot ang noo.

"Why?"

"Wa-wala naman! Keanu is smitten, Edz. Possessive and obsessed with Elianna Rodriguez"

"Smitten? Wha-what?"

"Not literally bitch" Tumawa naman si Rayna at inirapan ko naman siya. Weird talaga nila.

Tumingin naman ulit ako sa salamin at meron lang kumurba bigla sa labi ko na isang totoong ngiti. Pulang lipstick ang nilagay sa akin, at gusto ko din ito.

"We need to go Elianna. Don't ditch my effin' cousin okay?" Tumawa naman ako ky Rayna. Why I will ditch the one and only Keanu I love? Bakit ko naman gagawin yun? Tanga lang ang iiwan sa kanya sa harap ng altar.

"Claim, love, fuck, spoil, be faithful and trust your man, Elianna. And he will stay as your man"

"Really? At sa akin pa sinabi ah?" Ngumisi naman si Rayna sa tanong ko sa kanya, dapat si Keanu ang pagsabihan niya yan, hindi ako. He needs to be ten times patient and understanding this time. Titira na kami sa iisang bubong, magkakapamilya at hindi na ito isang laro, hindi na ito isang ilusyon, at totoo na to.

Ng lumabas na sila, ng skype pa kami nina Porter at ni Lauren, naiinis nga silang dalawa kasi hindi sila makakapunta, gustong gusto pa sana nila na pumunta ng Pilipinas.

Ng tinawag na ako ng organizer para bumaba at para makapunta na sa simbahan, ni re-touch pa ulit ako ng make-up artist na hinire ni Mommy. Habang naksakay sa sasakyan, magkatabi kami ni Mommy at ni Daddy, hinawakan naman ni Mommy ang kamay ko at nginitian naman siya.

Endless SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon