Chapter 5

265K 3K 92
                                    

Chapter Five

Ell's POV

Maaga kaming nagising ngayon araw at kasalukuyang naglalaro sina Will at Sammy ng habulan. Napuno naman ang bahay ng hagikgik ni Sammy tuwing nahahabol siya ni William.

Maya-maya pa ay biglang tumakbo papunta sa pwesto ko si Sammy dahil hinahabol na siya muli ni Will. Napasigaw pa si Sammy sa bandang bewang ko at nagmamadaling magpabuhat.

"Mamaii ! Carry me !!!" natatawang kinarga ko naman siya at tumakbo papalayo kay William

"Gotcha." ako naman ang napatili nang mahuli kami nito at niyakap. Muling napuno ng tawanan ang bahay namin.

Ang saya talaga ng morning ko mula nung dumating si Sammy. He's such a blessing from above. If walang Sammy I really don't know if ano na ang buhay ko ngayon. But the first time I held Samuel in my arms nagkaroon ako ng reason to live and move-on. He's my treasure and mine alone.

Papunta na ako sa company at sobrang ganda ng umaga ko. Mas lalo tuloy akong napangiti nang maalala ko ang paglalambing ni Sammy bago ako umalis at halos ayaw pa sana ako pakawalan 'nung aalis na ako pero sinuhulan siya si William na magmo-mall sila later and if maaga akong makauwi ay susunod ako.

Halos lahat ng nakakasalubong ko ay binabati ako ng 'Good morning." at tinutugunan ko naman ito ng ngiti.

Nakakapagod kayang bumati rin pabalik tapos ang dami nila.

Pagpasok ko ay agad akong umupo sa swivel chair ko at agad namang akong napaangat ng ulo nang may marinig akong pumasok. Agad namang napalitan ang maganda mood ko sa nakita ko.

"What are you doing here?" taas kilay kong tanong rito. Natawa naman ito sa akin saka sumagot "Good morning too, Elle."

"What?" pagtataray ko muli rito, mukhang nanggagago eh.

"Chill. Masyado ka namang hot." mukhang nagbabalak pang landiin ako. Ganito na ba ang bagong Lance? Masyadong dinadaan sa biro ang lahat.

Well ano pa nga ba, sa kasal nga nang-iwan lang ito nang basta-basta tapos ngayon babalik at magpapakita na parang wala lang.

Hindi naman ako umimik sa sinabi nito at mukhang naintindihan naman nito na hindi ako nakikipagbiruan.

"Well, I'll be signing for a business proposal. The one that you discussed yesterday." sumeryoso naman ito at nagpatuloy sa sasabihin. "And based sa dicussion mo kahapon as far as I remember you will be the one to handle everything and be with the client to check about his property."

Ako naman ang natahimik. Tama naman siya, Lance is going to buy a property on us for his business. It's a big project that's why I need to be hands-on. The property that he is going to buy ay papatayuan niya raw ng hotel.

"Yes, I know about, do you have any problem with that?" pagka-klaro ko rito.

"Uh. No. So, when can I sign the contract?" sagot naman niya.

"Maybe tomorrow. I'll just email you once it's ready. Thank you." sabi ko rito saka umupo na.

"Not maybe. Dapat tomorrow, okay na ang contract I need it soonest as possible." pag-aapura nito sa akin.

"Okay." sagot ko naman rito para umalis na siya. Mukhang naiinis na ito pero hindi nalang nagreklamo at lumabas na.

Agad naman akong napasandal sa upuan ko at tila nanghihina sa early encounter namin ni Lance. Feeling ko hindi ko pa rin kayang makasama si Lance nang matagal sa isang lugar. Hindi ko kasi talaga kayang makipagprofessional rito nang matagalan dahil naalala ko 'yung pang-iiwan nito sa akin at makaasta siya ngayon ay tila wala itong nagawang kasalanan sa akin.

No Elle, be professional pa rin kahit anong mangyari.

Agad namang akong napaayos sa upuan nang pumasok ang secretary ko to inform me about my schedule today.

So I can go home by 3pm. Nice.

Lance's POV

Galing ako sa office at pauwi na ako. Mag-aalas tres na at nabusy lamang ako sa meeting ngayong araw pero ang hindi ko maintindihan dahil wala ako sa focus at I can't stop thinking about Elle. Damn.

Sakto namang napadaan ako sa office niya at nakita ko siyang papalabas ng building.

Ihihinto ko na sana ang kotse ko nang may sumalubong sa kanya. It's the same guy na nakita kong kasama niya sa labas ng bahay nila.

Who's that asshole?

Shit. Wait? Mag-asawa na ba sila ??? Fuck, no.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon