Chapter 38

167K 1.6K 109
                                    

Chapter Thirty-Eight


Elle's POV

Halos hindi na ako humihinga at gumagalaw sa kinauupuan ako. Feeling ko itatakbo ni Lance ang anak namin any time pero nang mahuli ko ang tingin nito sa akin parang tingin na nasasaktan ito.

Ito na ba 'yun? Susumbatan niya ako at itatago ang anak namin?

Nagulat pa ako nang itulak nila Steph si Lance at Sammy to play sa newspaper dance. Narinig ko pa ang mga bulungan ng mga katabi namin na magkamukhang-magkamukha raw ang mag-ama ko.

Pagtapos ng laro ay sumulyap pa rin si Lance but this time may iba na sa tingin nito. Masyado na ako nitong sinusuri. Parang may gusto itong sabihin.

Mamaya na tayo mag-usap, Lance. Ayaw kong masira ang araw ni Sammy.

Ngayon ko lang nakita na sobrang saya ni Sammy. Iba ang kislap sa mga mata ng anak ko at alam ko iba ang dating sa kanya ni Lance. Naging masaya rin naman si Sammy kay William pero iba ang paghangang tingin ni Sammy rito though nang-iisnob rin ito pero nakikita ko tuwing malayo ang tingin ni Lance ay panay rin ang titig nito sa ama. Kung alam mo lang, baby.

Natapos ang event na masaya ang lahat. Magaling ang host ayaw niyang may 'Kill-Joy'. Si Steph nga ay natawag sa sa gitna stage para sa larong 'Hep-hep, Horray' na almost hilain ni Dave papuntang stage sa hiya. Natawa nalang ako sa napansin ko na parang dati we're just college astudent, single and just having fun pero ngayon we're having fun with our kids. We are doing everything para sa anak namin.

Halos lahat kami kay madungis na uuwi dahil at the end of the event ay merong color fun end party which is umulan ng colored powder habang we are clapping for the great event. Halos napasigaw ang lahat for the unexpected closure. Buti nalang ay halos lahat ay nakatshirt maliban kay Lance na nakapolo pero buti nalang at black ito.

Nakasimangot naman itong naglalakad kami papunta sa parking lot.

"Infairness nag-enjoy ako." Natatawang komento ni Steph habang bitbit ang gamit nila habang buhat naman ni Dave si Sharm.

"Yes. Magaling ang host na nakuha nila for the event, I never expect na makakasali ako sa mga ganitong kahihiyan pero para sa baby ko,but why not?" nagyayabang na sabi ni Dave. Sumimangot naman si Sharm.

"Daddy naman eh, hindi tayo nag-win!" pagmamaktol naman nito.

"Don't worry baby, I'll buy you your own school." Sabay halik nito sa anak. Napangiti naman ako.

Si Lance naman ay buhat si Sammy na natatawang nililinisan ang mukha niya.

'You're so colorful!"" hagikgik nito at hinawakan pa ang mukha nito.

Ngumuso naman si Lance na parang bata saka sumagot. "Ikaw rin kaya, madungis ka rin." Sabi niya saka bumulong kay Sammy, napatingin naman sa akin si Sammy saka tumawa at bumulong muli kay Lance.

Napakunot noo naman ako sa kanila. Alam ko naman na ako ang pinag-uusapan ng dalawang 'to.

"Pero maganda pa rin." Sabi naman ni Lance habang nakatingin sa akin.

Tumango naman si Sammy. "Yes naman. Mamaii ko kaya 'yan." Namula naman ako sa mga pinagsasabi ng mga 'to buti nalang ay hindi halata dahil sa mga color powder na mahirap alisin sa mukha ko.

Nang makarating kami sa parking lot ay nagpaalam na sila Steph.

"Elle, mauna na kami ah. Ingat kayo hehe bonding muna!" paalam nila Steph at awkward na ngumiti saka nagtaas baba ng kilay na parang sinasabing.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon