Chapter 39

155K 1.6K 87
                                    

Chapter Thirty-Nine


Elle's POV

Tahimik na pinalitan namin si Sammy saka niya inihiga sa kama.

Hinalikan pa niya ang noo nito saka bumulong bago kami lumabas.

Wala na ata akong takas ngayon.

Pagbaba ko ay inutusan ko na sila manang na kumain na rin at pwede na silang matulog at ako na magliligpit ng pinagkainan namin in case kumain kami.

Nang nasa sala na kami ay humarap ako rito.

Nagkatinginan kami.

"He's mine..." halos mahinang sabi niya pero hindi ako nagsalita.

"I know he's mine...and you hid him from me." Sabi niya at kalmado pa rin.

"Please, Elle. Please talk and tell me...he's mine, right?" halos pagmamakaawa nito.

Maya-maya pa ay may inilabas ito sa bulsa niya...the toy car.

"I saw this awhile ago...he's playing with this then I remember, I gave this to you." He paused. "I told you na ibibigay natin 'to sa magiging anak natin." Huminga siya ng malalim.

"The first time I saw him in the mall, I didn't know. But people keep on telling me na kamukha ko siya but I just shrugged it off." Kwento niya.

"And right now Elle, ang sakit sakit na ng ulo ko. Nababaliw na ako sa pag-iisip, Elle and at the same time ang sakit ng puso ko. Please..."

Hindi ako makasalita. Nangangapa ako ng sobra sa mga sasabihin ko dahil this is a confrontation and I didn't expect this to happen this day. Sobrang complicated ng utak ko ngayon, nagmo-move on palang ako kay William the other day and today may dumating na naman na bago.

Tila naiinis na ito sa akin dahil sa hindi ko pagsalita.

"Ell—" medyo tumaas na ang boses nito.

"Shut up!" sabi ko rito at tumingin naman ito sa akin na parang hindi makapaniwala sa sigaw ko sa kanya.

"Shut up? Iyon lang ang makukuha ko from you from hiding him from me???" naiinis na sabi nito sa akin.

"And what do you expect? A warm hug?! A kiss?? After what you did?" nang-uuyam na tanong ko sa kanya na ikinatahimik nito.

"You left me, Lance! For what? BECAUSE OF A DAMN FAKE CONTRACT?!" sigaw ko rito, wag na sana magising si Sammy.

"You left me. You don't know what I've been through. I tried...and tried..and tried until I'm tired."

"I tried telling you. I went to your condo, sa parents mo, even Baguio at anong napala ko? WALA. Syempre iniwan lang naman ako at ayaw lang naman magpakita ng taong hinahanap ko so why do I need to waste time telling you about him? Wala ka ng karapatan Lance. Mula nung iniwan mo ako, mula nung hindi na kita nakita." galit na sabi ko sa kanya. Lumamlam naman ang mata nito na parang narealized ang ginawa.

"Can you please leave?" pakiusap ko rito.

"I'm tired Lance, pagod na pagod na ako." Halos nanghihinang saad ko sa kanya at magsasalita pa sana siya pero tumulo na ang luha ko. Sinubukan naman ako nitong lapitan pero umiwas ako.

"Please..." sabi ko lang sa kanya at malungkot naman itong sumunod.

"I'll be back tomorrow. Good night, Elle." Paalam niya saka lumabas.



Pero sakto naman paglabas nito ay umulan.

Oh shit! Si Lance !

Lumipas na ang limang minuto ay hindi ko pa rin alam ang gagawin ko at the same time nag-aalala ako if nakaalis na ba ito lalo na wala itong sasakyan na dala.

In the end kumuha ako ng payong para tignan if nakaalis na ito.

Nagulat pa ako ng pagbukas ko ng pinto ay nandoon pa rin ito.

"A-Ah." Tanging nasabi ko lang nang makita ko siyang nakatingin rin sa akin.

"Sorry, hindi ako makaalis kaagad umuulan kasi. Magpapasundo rin sana ako pero walang sumasagot sa mga kaibigan ko. Papahinain ko nalang rin ang ulan at aalis na rin ako." Explain niya.

Hindi ko naman alam ang mararamdaman ko. Alam ko namang galit ako rito pero hindi ko naman ito pwedeng pabayaan sa ulanan.Baka magkasakit pa ito at makonsensya pa ako.

"Dito ka nalang muna matulog.." yaya ko sa kanya saka gumilid para papasukin ito.Kumislap naman ang mga mata nito pero yumuko pa ito na parang nagpapaawa.

"Hindi na. Uuwi nalang ako." Pilit naman nito.

Bwesit, nag-inarte pa.

"Ang arte, edi hindi na." pagsasarhan ko sana ito ng pinto pero iniharang na nito ang katawan.

"Hindi naman mabiro. Ito na nga oh papasok na." sabi niya saka pumasok.

Nilock ko naman ang pinto saka humarap sa kanya.

"Baka nagugutom ka nagluto sila manang. Kumain ka muna."

"Tara, akin ka na." sabay niya sa akin at hinila ako papuntang dining area.

"I mean kain na tayo." Hawak hawak pa nito ang kamay ko.

"Bitiwan mo nga ako at kung makahila ka parang bahay mo ah." Sungit ko rito pero ngumiti lang ito.

"Galit ka nga. Pero hayaan mo papagawa ko bahay natin." Saka ito kumindat.

Inikutan ko naman siya ng mata at humagikgik lang ito.

Itinulak ako nito paupo sa table saka naghain. Tinanggal naman nito ang takip ng ulam saka ako sinandukan.

"Kain ka na." sabi nito saka sumubo.

Dahan dahan ko naman itong sinunuod.

Nagtataka naman ako sa sarili ko kung bakit ba pinapasok ko pa ito, pinakain at balak ko pang patulugin dito.

Tahimik lang kaming kumakain. Hindi na rin ito nagbalak na kausapin ako.

Nang matapos kami ay ako na sana ang maghuhugas ng pinagkainan naming pero inagaw lang nito sa akin at siya ang naghugas.

Pinagmasdan ko lamang ito at hinintay na matapos.

Humarap ito sa akin pagtapos niya at ngumiti na parang ngiwi.

"Sumunod ka nalang sa akin." Utos ko rito saka naunang naglakad.

Umakyat naman ako hanggang makarating kami sa dating kwarto ni William.

"Dito ka nalang muna matulog. May mga damit rin dyan na pwede mong suotin."

Pumasok naman ito. At lumingon sa akin.

"Kaninong kwarto 'to?"

"Kay William."

Agad naman itong lumabas.

"Ayaw ko rito. Sa kwarto mo nalang ako matutulog or kay Sammy." Himutok nito. Kinutusan ko naman ito nang makalapit.

"Tumigil ka nga. Ang arte mo. Matulog ka na dyan." Sabi ko sa kanya at tumalikod na.

"Nasaan pala ang boy---'yung lalaki na 'yun?" usisa niya.

"Hindi lalaki ang pangalan 'nun. He's William and wala siya rito." Hindi ko naman kailangan na sabihin pa saka na wala na kami ni William.

Ngumisi naman ito pero agad rin itinago.

"Sige na, good night. Sleep well, Elle." Kindat pa nito saka sinara ang pinto.

Ako naman ay dumiretso sa kwarto ko at the moment na I step inside ay rinig na rinig ko ang kabog ng puso ko.

Mali 'to, Elle. Masyado kang inaabuso ni Lance. Inaabuso niya ang kabaitan mo. You supposedly mad about what happened pero heto ka at naawa sa kanya.

'Ngayon lang 'to. Kawawa naman kasi siya if papauwiin ko pa.' sagot naman ng konsensya ko.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon