Chapter 37

165K 1.7K 119
                                    

Chapter Thirty-Seven


Lance's POV

Nagdadalawang isip pa ako kung pupunta ako sa Family Day ni Sharm. She invited me since it's open for relatives naman raw ang event but I'm thinking about going to Elle right now. It's been three days since that night pero until now hindi ko pa rin nakakausap si Elle. She hasn't text me yet. Literal na wala siyang paramdam.

Almost lunch na at iniisip ko pa rin kung saan ako pupunta.

"Tito Lance, I'll expect you there ah! Miss you." Naalala ko naman ang sinabi ni Sharm sa akin the last time I visit her sa bahay nila.

But I need to talk to Elle.

Sobrang hindi ko na alam kung saan ako pupunta...

Then I received a text message from unknown number.

'Please go to Kids Academy. You have to be there right now.'

Okay, kay Sharm raw muna ako since I can talk to Elle anytime at isa pa pwede ko namang puntahan si Elle after this. Namiss ko rin naman si Sharm kaya pagbibigyan ko muna.

Nakapark na ako at papasok na ngayon sa school nila. As I entered ay nakilala naman ako agad ng staff na nagpapasign upon entering the event.

"Hi, Sir Lance! Napadalaw po kayo." Bati naman ng isang guard rito.

"Yes sir. Makikiattend lang ng Family Day ng pamangkin ko." Sagot ko naman rito at tumango naman ito at ngumiti.

Sakto naman pagpasok ko sa mismong field ay meron apat na kulay na depende ata sa team. Naalala ko color red 'yung jogging pants nila samantalang green, blue and yellow naman 'yung sa iba. Sharm told me depende raw 'yun if nursery, prep or kinder.

Hanga naman ako sa event organizer nito dahil sobrang organize. Catchy ang design at talagang pambata. May mga nadaanan pa ako naghahabulan na mga batang nakasuot ng blue at green.

Nang mapatingin naman ako sa red ay napansin ko kaagad si Dave, busy sila ni Steph mag-usap.

Shit. Tatay na tatay ang dating ah. Maasar nga.

Papalapit na ako rito nang makita ko si Sharm na nakatalikod at nakikipag-unahan sa babaeng may hawak ng tray.

Wow. May nagse-serve rin ng food rito.

Nang makalapit ako ay agad akong nagsalita.

"Am I late?"

Kita ko naman ang panlalaki ng mga mata ni Steph at palipat-lipat ang tingin sa amin ng babaeng may hawak ng tray.

Pati tuloy ako ay napatingin rin dito.

Familiar ang figure.

Hindi naman ito gumagalaw at nagmamadali na inilagay ang mga juice sa table at nagbabalak na sanang umalis pero dahil nauuhaw ako magpapadagdag sana ako hehe.

"Miss..pahingi---"

"That's my Mamaii!" sigaw ni...Sammy.

Oh nandito rin pala ito. Oo nga pala, dito rin siya nag-aaral. Finally, makikilala ko na ang Mommy nito. Hilig pa naman nito sa waffles, pareho kami.

But wait, anong sabi niya? Mamaii? Ito na ba ang Mommy niya?

Nakatalikod pa rin ito at tila mas lalong nanigas sa kinatatayuan nito.

Napatingin naman ako kina Steph at Dave na nanlalaki lang ang mga mata.

"Tito, that's Sammy's Mommy not a servant. Duh." Mataray na sabi nito sa akin.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon