Chapter 54

122K 1.4K 80
                                    

Chapter Fifty-Four

Elle's POV

Nagising ako na may gumagapang sa braso ko.

"Hmmm." Reklamo ko saka sumiksik sa unan ko.

Pero agad naman akong nagising nang maalala ko ang nangyari.

Napahawak naman ako ng husto sa kumot na nakatakip sa katawan ko saka humarap sa kanya.

"Hi, love.." nakakalokong bati nito sa akin.

"Anong oras na?" tanong ko rito.

"Huh? 7pm..." sabi niya saka gumapang na naman ang kamay nito sa tiyan ko paakyat sa..

"Lance! Puputulin ko 'yang kamay mo." Saway ko rito pero nagpumilit pa rin.

Umabot ito sa dibdib ko at marahan itong pinisil. Hindi ko naman mapigilang umungol sa ginawa nito.

"See? Gusto mo pa nga eh.." sabi nito.

Agad ko namang pinagapang ang kamay ko sa ulo nito.

Saka ito hinila.

"Ikaw sobrang tsansing ka na ah!"

"Arayyy. Alam ko namang hilig mong hilain ang buhok ko pero wag naman ganun. Masakit." Reklamo nito na ikinapula ko.

"Gago ka talaga." Sabi ko lang rito saka tumayo na.

"Tanggalin mo na 'yan. Hindi mo na kailangan 'yan." Sabi niya nang bitbitin ko ang kumot patayo.

Inirapan ko naman ito saka hinila pa ang kumot papuntang banyo.

Pero mukhang mali ang paghila ko dahil siya naman ang nawalan ng takip sa katawan.

Oh shit!

Gising na gising.

"Ooopppss." Patawa tawa naman si Lance.

Agad naman akong tumalikod at dumiretso na ng banyo.

"Loveeee, isa pa raw oh..." sigaw pa nito bago ko isara ang pinto.

Naging maganda ang mga nagdaang dalawang araw namin. Habang ngayon naman ay sobrang busy ko sa trabaho at gusto ko na lamang ay umuwi at magpahinga.

Overtime kasi ako ngayon gawa ng mga natambak kong trabaho at sunod sunod na meeting.

4pm nang tawagan ko si Lance.

"Yes, love?" bungad nito.

"Hey, pwede bang pasundo muna si Sammy? Overtime pa ako eh.." sabi ko rito habang suot earphone ko at pumipirma ng mga dapat kong pirmahan.

"No, problem , love. Actually I'm on my way na sa school nila. Diretso kami dyan after. Let's dinner outside." Sabi naman nito.

"Okay, thank you. You're the best. Love you." Sabi ko lang rito saka binaba ang tawag.

Kababa ko lang nang tawag nang tumawag muli ito.

"Why?" tanong ko.

'Wala binabaan mo ako eh. Kinikilig pa nga ako. Love you." sabi lang nito saka binaba na ang tawag.

Napailing nalang ako. Saka tinapos na ang dapat tapusin.

Almost 5pm nang dumating sila. Nagbonding raw muna kasi sila sa school kaya napatagal sila.

I just let them watch muna since tinatapos ko pa ang ginagawa ko. Unti na lang rin naman ay tapos na ako. Naririnig ko naman silang nagk-kwentuhan lang sa pinapanuod nito na hindi naman ako makarelate.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon