Chapter 40

163K 1.5K 78
                                    

Chapter Forty

Elle's POV

I can't sleep. I was thinking about my next plan at iyon ay bumalik sa California.

Pero nang maalala ko 'yung payo sa akin ni William ay binura ko ang plano na 'yun.

I think I have to fix this situation right now. Lalo na at wala kaming magandang pag-uusap ni Lance.

Matutulog na sana ako ng macheck ko ang oras.

12:45am ; August 8

Nanlaki naman ang mata ko not because of the time kundi sa araw.

Next week na ang birthday ni Mommy ! I have better idea.


Hindi ko na namalayan na nakatulog ako at nagising ako umaga na.

Lumabas na ako para sana icheck si Sammy since it's weekend at wala itong pasok.

Pagpasok ko ng kwarto nito ay wala na ito doon. Baka nasa baba na at pinakain na nila Manang.

Pero nanlaki ang mga mata ko nang maabutan ko si Lance na sinasabayan kumain si Sammy.

At topless pa ang mokong at nakasuot lamang ng boxer short !

Gago talaga! Ibalandra ba naman ang katawan sa bahay ko.

Napansin naman ako ni Sammy at agad na bumaba sa upuan para salubungin ako.

"Good morning, Mamaii!" bati nito.

Kinarga ko naman ito. "Good morning too, baby." Pinanlakihan ko naman si Lance ng mata.

Binaba ko naman si Sammy sa upuan niya kanina saka dumaan sa likod ni Lance para kurutin ito.

"A-Aray! Ang sakit ah!" reklamo nito.

"Good morning ha!" tila pikon na bati nito dahil masakit talaga ang pagkakurot ko dito. Napansin ko namang namula rin ito at 'medyo' nakonsensya naman ako.

"Bakit ka kasi nakahubad? Kitang kumakain!" pagalit na sabi ko rito, hindi ko talaga gusto na nakahubad ito sa harap ng hapag-kainan.

"Luuh, dati naman nakahubot-hubad pa nga ako pagkumakain." Malisosyo nitong sabi na ikinapula ko at agad ko naman itong hinampas.

Hayop talaga ! Buti nalang at inosente ang baby ko at nakatingin lamang ito sa amin na bakit kami nagtatalo.

"Diba sinabi ko na sa'yo na kumuha sa cabinet? Bakit nakahubad ka pa rin?" inis na sabi ko rito pero kumunot lamang ang noo nito saka umirap.

"Ayaw ko nga gumamit ng gamit ng iba lalo na sa 'William' na 'yun." He mocked.

"But Tito William already leave!" sabat ni Sammy. At ayun na nga nakikinig pala itong bubwit na 'to.

Sinita ko naman ito na wag makisali sa usapan namin at kumain nalang.

"What? Nasaan na pala 'yun?" taka ni Lance.

"He went back to Cali and iniwan na po kami dito." Sabat muli ni Sammy at agad ko na itong pinanlakihan ng mata.

"Sammy..." warning ko rito pero humagikgik lang ito.

"Hehe, sorry Mamaii. You didn't answer Tito Lance po kasi kaya ako na nag-answer." Biro pa nito.

Ano ba 'tong bata na ito at masyado atang pakialamero ngayon.

Paglingon ko naman kay Lance ay nakangisi ito.

"Wait? Wala na kayo?" tila natutuwang tanong pa nito saka pangiti-ngiti na parang tanga.

Hindi ko naman ito sinagot at kumuha nalang ng plato at nag-umpisa ng kumain.


Akala ko after breakfast ay aalis na ito pero nakipaglaro pa sa anak ko at tuwang tuwa naman si Sammy, baka namiss si William kaya nag-eenjoy sa presence ni Lance.

Puro hagikgik lang nila ang naririnig ko. Walang work pero may tinatapos lang akong report at ise-send ko na rin naman.

Kakasend ko lang ng document at ililigpit ko na sana ang gamit ko ng magulat ako dahil biglang may humawak ng bewang ko.

Si Lance! Ang hayop na 'to ginawa pa akong pangharang kay Sammy.

"Mamaii ko 'yan!" maktol ni Sammy at sinubukang makiyakap pero agad naman ako nitong hinala papalayo kay Sammy.

"Mommy ko rin 'to." Pang-aasar naman nito kaya ang anak ko medyo nag-iba nag timpla ng mukha.

Parang iiyak na pero agad naman nitong dinaluhan ni Lance.

"Shhh. Don't cry, baby. Share nalang tayo." Sabi pa nito kay Sammy.

"I don't like sharing..." sagot naman ni Sammy sa kanya.

"Huh? Paano pagnakaroon ka na ng kapatid? Ayaw mo ba 'nun?" ano ba itong pinagtatanong ni Lance kay Sammy.

"Huh? Kapatid? Like brother or sister? I want and of course I will share Mamaii with them." Umaliwalas naman ang mood nito.

"Really? Gusto mo na magkaroon ng kapatid?" ngising tanong nito.

"Yes, yes! Mamaii ! Give me na kasi ! Gusto ko po three ah!" sabi naman ni Sammy at pinakita pa ang tatlong daliri niya. Napakunot nalang ako ng noo rito saka hinampas si Lance.

"Bwesit ka talaga!" bulong ko rito habang hawak na ang mga gamit ko.

"Aba, gusto lang naman ng anak natin kaya I think dapat na natin siyang bigyan ng kapatid." Sagot nito.

"Heh, umuwi ka na nga. Kung anu-anong tinuturo mo sa anak ko." Sabi ko rito saka naglakad paakyat habang si Sammy ay nanatili sa sala at nanuod. Si Lance naman ay parang aso na sunod nang sunod sa akin. Nakakainis talaga itong lalaki na 'to, makaasta akala mo okay na okay kami.

"Umuwi ka na nga." Tulak ko rito at hindi ko naman sinasadya na masagi ang dibdib nito. 

Tigas ah.

"Chansing ka ah!"

"Feeling mol ang 'yun! Magbihis ka na nga 'dun at umuwi ka na rin nang matahimik na ang buhay ko."

"Pag-umuwi ako, mamimiss mo ako." Pang-aasar pa nito. Ang kulit! Walang katapusan parang bata.

Hindi ko na ito kinontra dahil lahat naman ng sasabihin ko may sagot ito.

"Uuwi muna ako pero babalik rin ako then we'll talk." Sabi niya saka pumunta sa tinulugan niya.

Umalis si Lance nang hindi na nagpaalam sa akin pero sabi ni Sammy nagpaalam raw sa kanya at nangakong babalik ito.

Hmm. Galit ka na niyan, Elle? Kay Sammy lang nagpaalam oh.

Iwinaksi ko naman ang pang-uuyam ng pag-iisip ko. Pati sarili ko ang lakas mang-asar.

Katatapos lang naming maglunch si Sammy nang tawagin ko ito sa sala.

"Baby...Come here."

Lumapit naman ito at tumabi.

"Yes, Mamaii?"

"Birthday ni Mamita next week and I'm planning to surprise her. Good thing, right?" paalam ko sa kanya ng plano ko.

"You mean we're going back na po?" tanong nito pero hinawakan ko naman ang kamay nito.

"Not totally naman baby ----- but we're going to Cali next week to celebrate with Mamita and go back here naman after." Sabi ko sa kanya. Inaanalyze naman nito ang plan ko at tumango-tango na parang naintindihan na ako.

"And another one, we can visit Tito William if we have time, double purpose baby." Ngiti ko rito na ikinangiti niya na rin.

"Right, Mamaii! Genius plan po. Can't wait to see Mamita!" Approved naman niya. Well wala na rin naman siyang magagawa since I already book a ticket and since dual citizen kami ni Sammy we don't have to worry about our visa.

Nice plan, Elle.

Kailangan ko rin 'to para makalayo muna kay Lance.

Ayaw ko muna siya makiya dahil ang kulit niya, yung mga kinikilos niya parang wala itong ginawa at ayos na kami. 

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon