Chapter 6

260K 2.7K 54
                                    

Chapter Six

Elle's POV

Since maaga akong natapos ay sumunod na ako kina William. Nagtaxi nalang ako para sasabay nalang kami sa iisang sasakyan mamaya pag-uwi.

Within 30 minutes ay nasa mall na ako na pagkikitaan namin nila William. Kasalukuyan raw silang nasa Timezone. Nagtext na kasi akong katatapos ko lang at susunod palang ako.

Pagkarating ko doon ay nakita ko ang dalawang naglalaro ng basketball. Mukhang asar na asar pa si Sammy dahil minsan hindi niya naso-shoot pero agad naman siyang tinutulungan ni Will at agad rin namang nagbabago ang mood ni Sammy after.

"You saw that Tito Will? It's 3pts !" napapalakpak pa si Sammy ng mga kamay na parang tuwang tuwa sa nagawa. Agad naman akong napangiti sa bonding nila.

William is such a good father to Sammy, we already explained it to Samuel na boyfriend ko si William and mukhang okay naman kay Sammy dahil nagsasabi naman siyaif ayaw niya sa isang tao.

Nakatingin lamang muna ako sa kanila sa malayo pero nung makita kong nagpabuhat na si Sammy ay agad na akong lumapit.

"So how's my baby ?" agad kong tanong.

"I had fun !/I'm Good." sabay na sagot nila na ikinatawa ko nalang.

Mga baby ko nga.

After nila maglaro ay agad kaming dumiretso sa isang Pancake House and as usual request ni Sammy.

Itong bata na ito walang kasawaan sa waffles.

Habang kumakain kami walang sawa ang pagdaldal ni Sammy about his game kanina sa Timezone. Nagyayabang siya na nanalo raw siya sa lahat. Marami rin kasi siyang nakuhang ticket from different games pero pinalagay niya muna sa card niya since iipunin niya raw muna.

Nagshopping na rin kami after kumain bago kami umuwi. Halos inabot rin kami ng 8pm bago kami nakauwi. At dahil meryenda lang ang ginawa namin kanina sa mall ay nagdinner pa kami sa bahay.

Matutulog na sana ako nang may kumatok sa pinto ko. Pagbukas ko ay nakita ko si Sammy na papungas-pungas ang mga mata habang bitbit ang paborito nitong toy car, yung galing kay Lance.

"Why sweetheart ?" tanong ko rito saka siya binuhat.

"Mamaii, bedtime story for me please..." he said habang naniningkit na sa antok ang mga mata.

Hindi ko tuloy alam if maaawa or matatawa ako sa itsura nito pero sumagot pa rin ako, "Sure baby.."

Dinala ko naman siya sa higaan ko saka ko kinuha ang story book sa bed table ko, lagi lang ito nandito dahil minsan nagagawi si Sammy sa kwarto ko for bed time story kahit noong nasa states kami.

Big boy na kasi ang baby ko kaya gusto may sarili ring room. But he still my baby sa mga ganitong pagkakataon though he still is and will always be my baby boy, my Sammy.

Habang nagkukwento ako napahinto ako ng makita kong tulog na siya habang yakap yakap ako. Napatitig naman ako rito saka napahawak sa mukha nito. Naiinis na naman ako kay Lance dahil halos lahat ng feautures ni Sammy sa kanya, wala ngang nakuha sa akin. Pati ugali Lance na Lance.

Nagising ako sa nakakatakam na amoy, sinundan ko iyon hanggang umabot ako sa kusina at nakikita kong ang dungis ni Sammy while wearing his Thomas Train apron. Nang makita niya ako agad siyang lumapit habang may bitbit na plate na may takip.

"Mamaii I made this for you! " excited na sabi nito sa akin.

"Wow. Can i see it already?" kita ko namang namula siya.

"But---b-but i feel you wont like it. " nakayuko niyang sabi.

"No baby. Mamaii would definitely love all your works. So can I see it ?" mukhang lumakas naman ang loob niya at agad akong hinila sa mesa at pinatong sa harap ko ang gawa niya at mabilis na tinggal ang takip ng plato.

May pa-sound effect pa ito nung buksan nito ang takip ng plato. Tinawanan naman ito ni Will at agad naman siyang tinignan ng masama ni Sammy.

"W-wow!" iling kong sabi. Paano ba naman tumambad sa akin ang cake na magulo ang pagakalagay ng icing tapos may naakalagay na 'HAPPY MAMAII's DAY' sa taas. At alam kong si Sammy ang nagsulat dahil magulo pero cute and sweet tinggan.

"Thank you, baby." I think my baby deserves kisses from his Mommy kaya halos papakin ko si Sammy sa halik na agad naman nitong ikinahagikgik saka ko siya niyakap.

"It's Mamaii's day today! Where do you like to celebrate it, Mamaii?" nakangiting tanong niya sa akin.

"Anywhere baby basta kasama kayo ni Tito Will." nakangiti kong sabi sabay naramdaman ko nalang may nakiyakap na din sa amin at bumati. It's William and I also gave him a kiss. That's for the effort of helping Sammy about his surprise.

Nasa opisina na ako at napangiti na naman ako dahil naalala ko ang surprise ni Sammy kanina. Agad ko namang kinuha ang celphone ko para tawagan si Mommy, baka patulog na 'yun.

"Hi mom! Good morning---- I mean Good evening to you. " masayang bati ko kay mommy.

"Napatawag ka baby ? Why ?" sagot naman ni Mommy, si Mommy talaga akala mo always may nagyari tuwing tatawag sa kanya.

"Happy mother's day Mommy." bati ko sa kaniya

"Aw. So sweet, same to you, baby.Happy mother's day too." bati niya rin sa akin.

"Thank you, mom." sagot ko rin dito saka ako nagkwento about kay Sammy at 'yung ginawa niya for me today. Tawang tawa naman si Mommy at the same time nalungkot ng unti dahil sa pagkalumbay sa apo niya. Magk-kwento pa sana ako muli nang may tumikhim na sa tabi ko. Agad naman akong napalingon at halos mamutla ako nang makita ko si Lance.

Shit, si Lance. Agad ko namang napatay ang tawag kay Mommy.

"LANCE !" gulat kong saad.

"K--kanina ka pa ba dyan?" tanong ko.

Don't tell me kanina pa siya dito at narinig niya ang about kay Sammy??----- No. Hindi pwede !

"Ha? Hindi naman. Napansin ko kasing pangiti-ngiti ka dyan kaya akala ko baliw ka na, nilapitan kita." nakapamulsang sabi niya.

Shit buti nalang. Hindi ko na rin namalayan na may pumasok since busy ako magkwento kay Mommy ng nangyari habang nakatingin sa labas ng building.

"Lumayas ka nga. Bwesit ka talaga!" sigaw ko sabay tulak sa kaniya palabas ng opisina ko.

"Ano ba! Bakit ba tinutulak mo ako ?" sigaw niya kaya kinurot ko nga.

Agad naman itong napadaing at napa-'aray'.

"Sa susunod kumatok ka hindi iyong pasok ka nang pasok alam mong may kausap ako.." sabi ko sa mga tenga niya habang pingot ko iyon.

Nagulat naman ulit ako ng lumingon siya sa akin dahilan para maging ilang pulgada nalang ang layo ng mga mukha namin.

"Bakit may tinatago ka 'no ? " sabi niya na nang-aasar nang malapit na kami sa pinto.

"Damn you. Get out!" sagot ko rito saka hinila siya muli palabas.

"Anong tinatago mo?" mas lalo pa itong nang-asar.

"Get out ! I hate you !" hindi ko na napigilang sumigaw sa kanya.

"Huh? NO! You don't hate me..." sumasagot pa rin ito at ngumisi sa akin

"Dahil hanggang ngayon mahal mo pa rin ako..." dagdag pa nito na talagang ang sarap burahin ng mga ngisi gamit ang liha.

This time ako naman ang humarao at ngumisi sa kanya.

"No Lance. Dyan ka nagkakamali. It's been 5 damn years. I already moved on." Sabi ko sa kanya saka siya itinulak palabas na ng office ko at iniwan doon.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon