Chapter 46

144K 1.5K 79
                                    

Chapter Forty-Six


Elle's POV

"My parents are so excited to meet Sammy.." sabi niya after our talk.

We are still here in the garden and just talking. Wala namang sama ng loob ang bakas kay Lance nang hindi ako sumagot kanina.

"Nasabi mo na sa kanila? You can bring him there." sabi ko naman sa kanya.

"Kasama ka..." dagdag niya na ikinalaki ng mata ko.

"Ha? Bakit kasama ako. Okay na, si Sammy nalang..." tila dinamba naman ng kaba ang dibdib ko.

"No way. Excited rin sila Mommy na kita kang muli..."

Napatingin naman ako rito.

"I already told them what happened at kung gaano ako kagago. Before ako pumunta rito ay pumunta ako sa parents ko and I told them what happened. Muntik pa nga ako masuntok ni Dad pero agad siyang nasigawan ni Mommy. Sabi niya kung magkakapasa raw ako paano pa ako haharap kay Sammy.." ngisi nito.

"Alaga talaga ni Mommy ang kagwapuhan ko." Yabang niya pa at inirapan ko lang ito.

"Yabang.."

Ilan sandali pa ay tumayo na kami.

"Bukas na rin ba ang alis mo?" harap ko rito.

Ngumiti naman ito. "Naman. Inalam ko kaya ang flight niyo para kasabay niyo ako..." nanlaki naman ang mata ko.

"Ha? Kasabay ka namin?" mas lalo naman itong ngumiti.

"Yes, tho sa likod niyo nga lang ako nakaupo that time since masyado ng obvious if katabi niyo ako baka itapon mo ako palabas ng plane." Natawa naman ako sa biro nito.

"Heh. Masyado ka namang patay na patay sa akin at talagang inalam mo pa ang flight namin." Sabi ko nalang rito saka tumalikod na.

Aalis na sana ako ng hilain niya ako ulit paharap sa kanya.

Ang hilig nito manghila??

"Patay na patay talaga ako.... Mahal kita, Elle. Paniwalaan mo sana ako." Sabi nito saka inilapit ang mukha nito.

Akala ko ay hahalikan na ako pero sa noo lang.

"Sa noo muna, liligawan muna kita. Sige na, good night! I love you!" sabi nito saka ako itinulak papunta sa loob ng bahay . Tahimik naman akong sumunod sa kanya at nang malapit na ako pinto ay sumigaw muli ito.

"Pero pwede mo rin naman ako sagutin agad!" Napangiti nalang ako sa kakulitan nito.

Kinabukasan ay maaga palang ay hinatid na kami nila Mommy sa Airport.

"Bye Mamita, Bye Papito." Paalam ni Sammy sa kanila. Humalik naman ako sa pinsgi nila at yumakap.

"Kami naman dalawin niyo, Daddy." Sabi ko sa kanila. Sumimangot naman si Daddy.

"Kayo nalang, mababawasan ipon ko eh." Napailing nalang ako at nagtawanan naman kami.

"Thank you po Tito Paul and Tita Tin for letting me stay with you..." sabi naman ni Lance.

"If you want to visit Sammy po, ako na po mamasahe sa inyo." Offer pa nito sa magulang ko, hmm. Bina-bribe ata nito ang parents ko.

"Magandang offer nga 'yan, Lance. Hayaan mo at pag-iisipan ko." Sagot naman ni Daddy at nahampas naman siya ni Mommy.

"Sige na at baka maiwan pa kayo ng eroplano niyo. Mahal bumili ng bagong ticket." Here we go again ang mga kuripot kong parents.

At nagpaalam na nga muli kami.

Lance's POV

Nasa Pilipinas na kami muli. Waiting nalang kami sa susundo sa amin.

"Sir Lance..." nakita ko naman ang driver namin.

Bukas pa naman kami magpapakita kina Mommy kahit alam nilang today kami dumating.

Sinabi ko kasi na magpapahinga muna ang mag-ina ko dahil na rin sa byahe at bagong timezone.

"Love, dito na si Kuya Lester, driver natin." Sabi ko naman rito at bumati naman ito. Bakas na rin ang pagod nito sa byahe.

Sumakay na kami at halos kalahating oras nang makarating kami sa bahay nila.

Pagdating namin ay agad naman kaming sinalubong nila Manang.

"Welcome back, Elle." Sabi nila Manang saka kami tinulungan magbaba ng gamit namin.

Buhat ko rin kasi si Sammy dahil tulog na.

"Kuya paiwan nalang po dito, Salamat. Manang matulog na po kayo at ako na po magliligpit niyang gamit namin bukas." Sabi ni Elle saka inayos ang maleta.

Ako naman ay dumiretso sa kwarto ni Sammy para ihatid ito.

Pinalitan ko na rin ito ng damit since naturuan ako ni Elle nitong nakaraang gabi.

Nang matapos ako ay agad akong pumunta kay Elle.

Nakita ko naman itong nakaupo pa sa sala na tila antok na dahil nakayuko na ito sa maleta na inayos niya.

"Elle." Tawag ko rito pero hindi na ito sumagot.

Wala naman akong magawa kundi buhatin ito paakyat.

"Hmm." Ungot pa nito.

Dinala ko naman ito sa kwarto nito and like what I did to Sammy syempre pinalitan ko rin si Elle ng damit. Mahihiya pa ba ako?

Gago ka, Lance. Nanliligaw ka pa lang bakit hinuhubaran mo si Elle?

Walang malisya 'to 'no.

Sige, slight.

After ko siyang bihisan ay aalis na sana ako ng hilain ako nito.

Kita mo 'to si Elle, tulog na aggressive pa rin.

Napaupo naman ako sa tabi nito.

"..Lance." she mumbled.

"What?" tanong ko naman rito kahit alam kong magulo 'to kausap.

"...gahdfasjfv.." hindi ko naman naintindihan ang sinabi nito.

Sige lang ito hampas ng tabi nito.

Gusto ata ako katabi.

Tinanggal ko naman ang jacket, shirt at pants ko saka tumabi sa kanya.

"Ikaw, Elle ha. Wag ka masyadong manukso mahinang nilalang ako. Madali akong matukso sa'yo." Biro ko pa rito kahit alam kong hindi naman ako nito naririnig.

Tumabi naman ako rito at niyakap ito.

Yumakap rin ito sa akin.

Ugh. Heaven naman nito.

"Good night, love. I love you." Sabi ko rito saka pumikit.

"...dhjadb..I love you too."

Putangina.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon