Chapter 43

142K 1.5K 46
                                    

Chapter Forty-Three

Elle's POV

Hindi pa rin ako naantok kaya ang ginawa ko ay lumakad-lakad nalang ako sa labas ng bahay namin. Maliwanag naman at alam kong safe rito .

Habang yakap yakap ang sarili ko na naglalakad sa labas. Sakto naman pagtingin ko sa labas ng gate namin ay may isang tao na nandoon at parang natingin rin sa akin. I'm not sure, dahil against sa light ang itsura nitong nakahood at cap.

Bigla naman akong natakot. Akala ko pa naman safe rito pero parang hindi, or sadyang judgmental lang ako.

Sinawalang bahala ko nalang at pumasok na sa loob at natulog. Magbabasa nalang ako para makatulog. 

Kinabukasan, hindi na muna nagpa-party si Mommy. She just celebrates it intimately, with us --- her family.

Hindi rin kasi talaga hilig ng parents ko ang mga eleganteng party dahil daw gastos lang. Kuripot talaga pero pagdating sa apo sobra mangspoil.

We just had an intimate dinner in our garden. It's kinda romantic since daddy organized it.

Until now talaga ang hilig pa rin ligawan ni Daddy si Mommy in his own simple ways and knowing Mommy? Sobrang babaw lang niyang tao, she appreciates everything, anything.

2 days to go back to Philippines na kami and more on bonding talaga ang ginagawa ng parents ko with Sammy. Sawa na raw sila sa akin at malaki na raw ako.

Hmp. Hindi na talaga ako ang baby nila.

Kaya naisipan ko nalang magjogging.

I'm just wearing my sports bra and sweatpants while doing my jog around the subdivision nang may makita na naman akong someone familiar. Parehas ng built ng katawan sa nakita ko nakaraang gabi.

Ayaw ko mag-assume pero parang ------ si Lance?

"Lance?" bulong kong sabi.

Pero nakatalikod ito at parang...nanginginig?

Hindi ko alam pero umaasa ako na sana si Lance nga kaya nag ginawa ko ay sinundan ko ito hanggang huminto ito sa park ng subdivision at umupo isa sa mga bench 'dun na parang hinihingal.

Mas lalo naman akong nagmadaling lumapit rito. Hindi ko alam kung pinagtatawanan ba ako nito or umiiyak ito?

Nakayuko ito kaya nang makapunta ako sa harap nito ay hinintay ko itong tumingala.

Maya-maya pa ay dahan dahan nitong inangat ang ulo niya and finally nakita ko rin ang mukha nito.

Ilang segundo pa akong nakipagtitignan dito, even him na parang inaanalyze ang nakita niya.

"Elle..." mahinang sambit nito.

Saka ko naman narealize na nanginginig ito at tila nanghihina ito. Agad ko naman itong kinapa at nakita kong mainit ito. Hindi naman dahil sa panahon dahil hindi ganun kainit dito ngayon, mala-Baguio or more that the coldness of Baguio City ang lamig rito ngayon.

"Lance! Inaapoy ka ng lagnat." Puna ko rito at agad itong pinatayo.

"Elle, don't leave me." Garagal pa nitong sabi na tila hirap na hirap na.

Naawa naman ako rito dahil parang hirap na hirap na ito.

"Please..." habol pa nito.

"Umayos ka nga, Lance. Tara na." yaya ko rito buti nalang at may mababait na tumulong sa aking mga citizen na ihatid kami sa bahay.

I don't have any choice kung hindi dalhin ito sa bahay namin.

Gulat naman si Manang Chiky ng makita kami.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon