Chapter 57

127K 1.3K 59
                                    

Chapter Fifty-Seven

Elle's POV

Nakauwi nalang kami ay gumugulo pa rin 'yung sinabi ni Steph.

Matagal na talaga akong nababahala sa Jasmine na 'yun. Lulubog llilitaw 'yun eh.

"Hey." Untag sa akin ni Lance. Buhat nito si Sammy at papunta na kami sa kwarto nito para ihatid at palitan ito ng damit.

"I'm okay." Sabi ko lang rito.

"Any problem?" tanong nito. Umiling naman ako saka inasikaso si Sammy.

Hanggang sa mahiga kami ay iniisip ko pa rin talaga 'yun.

Elle stop, bothering. Tapos na 'yun. For sure hindi na manggugulo 'yun after mapahiya at malaman namin ang totoo.


Tama-tama. Agad ko namang kinalimutan ang mga nangyari. Kaya naman nang makapasok si Lance ay agad akong yumakap rito.

"I love you.." sabi ko rito at ramdam ko na naman ang gulat nito.

"Ikaw, may kasalanan ka pa sa akin..." tila gigil nitong sabi saka ako pinahiga sa kama at siilin ng halik.

Naging maganda ang nakalipas namin mga araw. Kumbaga ito 'yung panibago na gusto kong mangyari. Walang nanggugulo, payapa at masaya lang.

Kasalukuyan akong nasa office nang may pumasok.

"Let me in!" sigaw ng bagong pasok.

Si Jasmine.

"Sorry mam, nagpupumilit po kasi." Puno ng paumanhin na sabi ni Karol na ikinatango ko nalang.

"It's okay. Let her." Sabi ko rito saka kami nito iniwan. Ang buong akala ko ay siya lang...pero may kasama itong hindi ko inaasahang makikita ko.

It's Madam Gretchen...

Pero kahit gulat ako sa nakikita ko ay pinanatili kong kalmado ang itsura ko. Hindi na ako pwede magpatalo pa muli sa mga ito. Minsan na akong naging mahina. Minsan nang napalayo si Lance sa amin ni Sammy at ayaw ko na maulit muli 'yun. Dahil dito sa babae na ito.

Bigla naman akong itinuro ni Jasmine.

"Nandito kami para pagsabihan ka na iwan mo na si Lance. Dahil hindi ka nararapat sa kanya." Tila proud na sabi nito sa akin.

"At sino sa tingin mo ang bagay kay Lance, ikaw?" tanong ko naman rito.

Tumaas naman ang kilay ng Lola ni Lance saka dahan dahang lumapit sa akin.

"Oo, Jasmine is the right one for my apo at hindi ang isang katulad mo. Madumi, walang class at may bastardo..." puno nap ag-uuyam na sabi nito na ikinakulo ng dugo ko.

Alam kong lola ito ni Lance pero hindi ko na kayang magtimpi pa.

"Ano po bang problema niyo sa akin? Alam niyo bang sinayang niyo ang mahigit na anim na taon na sana ay magkasama kami ni Lance at NG ANAK NAMIN??? Pero dahil sa inyo hindi nangyari 'yun!" hindi ko napigilang sigaw rito pero ngumisi lang ito.

"Anak? Baka anak sa iba."

"Hah. Well hingi nga naman pala kayo maniniwala. You know what please leave habang may matitira pa akong respeto sa inyo dahil lola kayo ni Lance." Sabi ko rito at tinalikuran ito.

Pero hindi ko inaasahan na hihilain ng matanda ang buhok ko at pinaharap sa kanya.

"Wag kang bastos habang kinakausap kita!" galit na sigaw nito sa akin at naggagalaiti itong nakatingin sa akin.

Pilit naman akong kumakawala rito.

"Ano bang problema niyo sa akin? Bakit ba hindi nalang kayo maging masaya para sa akin ni Lance.!" Hindi ko napigilang sigaw rito.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon