Chapter 11

237K 2.4K 60
                                    

Chapter 11

Elle's POV

Isang araw akong absent sa company dahil inalagaan ko sa Sammy. Tinawagan ko nalang ang family doctor to check on him and he said na nanibago lang si Samuel sa panahon kaya nagkasakit. Literal na inalagaan ko lamang si Sammy dahil ultimo work from home hindi ko ginawa dahil namiss ko rin alagaan ang anak ko.

I know, Mommy sent us here in the Philippines para ipakilala ko Sammy sa ama nito pero tuwing nakikita ko naman ito napupuno lamang ako ng galit at pangamba.

Bakit ko pa nga ba kailangan ipakilala si Sammy? Hindi na rin naman namin siya kailangan.

'Hindi mo siya kailangan, Elle. Pero si Samuel, oo. Parte siya ng pagkatao ni Samuel para hindi siya nagtatanong pagdating ng panahon.' Paalala naman ng isip ko

Medyo late na akong pumasok dahil tinanong ko pa si Sammy if okay na talaga siya and he said he's okay na magwork na raw ako, that's why papunta palang ako sa office.

Sa sobrang traffic at napili kong magpatugtog nalang muna ng radyo ko para naman mawala ang inip ko.

Ikaw lang ang nais kong makasama
Wala na kong gusto pang balikan
Kahit ako'y papiliin ikaw ay umasang
Gusto kong makapiling

Luuuuh. What the —— that's 14 by Silent Sanctuary, theme song namin ni Lance. Halos araw-araw noon kinakanta niya yan sa akin at araw-araw rin akong kinikilig.

Fuck —- Seriously, Elle??? Inaalala mo talaga sa gitna nitong traffic ???

Agad ko namang nilipat ang estasyon at ibang kanta na ang pinapatugtog.

Nang makarating ako ay agad kong chineck ang planner ko for my schedule today at mukhang busy ako today dahil sa natambak kong trabaho.

Dadaan rin before lunch si Mr Toledo for a quick meeting. Isa siya sa mga naging client namin at kilala ko na talaga siya nag-aaral pa lamang ako, ang sabi niyo ay may ihahatid lang raw siya dito sa office mamaya.

Masyado akong naging busy at hindi ko na namalayan ang oras, it's lunch time already.Nagtext na rin si Mr Toledo na papunta na raw siya sa office ko.

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto ko at pumasok si Mr Toledo na nakangiti.

"Hello, Elle." bati ni Mr. Toledo sa akin.

Agad naman akong tumayo upang salubungin ito at pinaupo sa sofa.

"Kumusta Mr. Toledo? It's been awhile po." bati ko rin rito.
"You're still formal Elle, just Tito Gabriel. I'm still good —- old old." he laughed. Funny pa rin until now si Sir Toledo, I mean Sir Gabriel. Sa Lopez's palang ako nagwo-work 'nun client na siya ng company but for ne as long we're inside the company I have to be professional.
"Nabalitaan ko kasi sa pamangkin ko na bumalik ka na kaya dumaan na ako personally to give this to you." dagdag pa nito saka inabot sa akin ang envelop. Pamangkin kasi nito si Leigh.

"It's our company Anniversary, you should come —-"

Napalingon naman kami pareho nang bumukas ang pinto ng office ko at bumungad si Lance.
"Elle !!! —— I'm sorry." tawag pa nito pero agad nagulat nang makitang may kasama ako.

"Lance !" tawag naman ni Tito Gabriel.
"Kayo pa rin pala ang nagkatuluyan ni Elle?" sunod na tanong nito at agad na napatingin sa akin.

Yes, he knows about the wedding 5yrs ago.

Nahihiya namang pumasok si Lance and nakipagkamay kay Tito Gabriel.
"Hehe. Sorry, Tito Gab. Yayain ko sana si Elle maglunch, I didn't know you're here." 'yun lamang ang sinabi nito at agad kong tinignan ng masama.
"Actually, Tito —-" mag eexplain pa sana ako rito pero agad na itong tumayo.
"So mauna na ako at mukhang magde-date pa ata kayo. So Elle, that's for 2 seats. Sakto pala sa inyo ni Lance." nanlaki naman ang mata ko. "I have to go, aasahan ko kayo. You've been part of our success kaya you should two come." paalam nito at hindi na ako hinayaang magsalita.

Nakalabas nalang si Tito Gabriel at naiwan nalang kami ni Lance. At ang gago kinuha sa kamay ko ang envelop.

"Wow, it's good for 2 nga. So I'll be your date.." ngising sabi ni Lance. Inirapan ko naman ito.

"Well, I rather bring my boyfriend than bringing you there as my date." sagot ko naman rito na ikinakunot noo niya.

"No way, Tito Gab is expecting us, TO-GE-THER." pang-aasar pa nito, natahimik naman ako.

He just slouched on sofa at tumingin sa akin.

"Elle..." tawag nito sa akin. Tumingin naman ako rito na parang bored na akong kausap siya.
"Is there —- Is there anything you want to explain from the past?" seryosong tanong nito.
Ako naman ang kumunot noo. "What do you mean, Lance? Sa pagkakatanda ko, ikaw —— well, nevermind." tumayo na ako at kinuha na ang gamit ko.
"Why? Guilty? Ikaw 'tong may kasalanan kung bakit hindi tayo natuloy —" bago pa siya makapagsalita muli ay pinutol ko na. I don't wanna hear any non-sense explanation.
"Pwede ba Lance stop talking non-sense ! Tapos na 'yun at bahagi nalang 'yun ng past. I had move-on. Sana ikaw rin." naiinis na sagot ko rito.
"But it's your fault kaya nandito tayo sa situation na 'to. If hindi ka nag—-"
"Stop it. Why do you have to bring this up? Nung umalis ka ba at 'nung iniwan mo ba ako, hinayaan mo bang malaman ko kung bakit ka bigla nalang naglaho at pinagmukha akong tanga sa simbahan? Kung may naging kasalanan man ako atleast give me a chance to explain my side diba? But it's okay. Yeah. I understand, atleast nalaman ko kung gaano kababaw ang pagmamahal mo sa akin noon." litanya ko sa kanya saka ako lumabas.

Lance's POV

Iniwan niya akong nakatulala.

Minahal ko siya but I didn't trust her.

Hindi ko siya hinayaan mag-explain kung bakit ginawa niya 'yun sa akin?

And for the first time, naramdaman ko ang hinanakit nito sa akin na parang matagal na niyang itinatago.

Ano nga ba talagang totoo? Fuck.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon