Chapter 23

206K 2.1K 72
                                    

Chapter Twenty-Three

Elle's POV

Pagdoorbell ko ay agad akong pinagbuksan nila Manang. Agad rin akong sinalubong ni Sammy kahit papasok palang pero mas nabigyan niyo ng atensyon ang dala kong pasalubong.

"Wow! Pancake House!!" agad itong pumunta ng kusina dala ang pasalubong ko habang natatawang sinalubong naman ako ni Will.

"I think he didn't miss you as I did." natatawang sabi niya sa akin saka humalik. Agad ko naman siyang niyakap. Para naman ako nitong binigyan ng energy dahil sa yakap nito.

Ugh. I missed him.

Isa si William sa iniisip ko pauwi dahil feeling ko nagcheat na ako rito the way nang pag-iyak ko nang malaman ko ang katotohanan. I supposedly not affected about the truth pero sa babaw ng reason ni Lance I think mas 'dun ako nasaktan.

Nang maghiwalay kami sa yakap ay alanganing ngumiti si William.

"I have to tell you someth—-" but Sammy butted in.
"Mamaii, I want to go to school." napakunot noo naman akong tumingin kay William.

May kinalaman ba si William about dito? Bakit biglang gustong mag-aral ni Sammy??

"Sorry, Elle. Pero may nakita kasi si Sammy sa napanuod namin na mga student going to school and he asked me about them and I explained at ngayon...gusto na rin siya mag-aral. Hehe." Alanganin naman itong ngumiti. Actually there's nothing wrong about that. Nabigla lang ako kasi nakakaadjust na si Sammy sa mga nangyayari at mukhang nag-eenjoy na ito rito sa Pilipinas.

"It's okay, hon. There's nothing to worry." sabi ko rito saka hinalikan muli ito sa pisngi.
"Magpapalit muna ako ng damit then we'll talk about this. Just eat first." sabi ko sa kanya saka umakyat sa kwarto ko.

Pagpasok ko ng kwarto ay agad akong humiga. Wala namang akong ginawa sa byahe pero feeling ko naubos 'yung energy ko kakaisip ng mga kung anu-ano.

Hindi ko namalayan ay nakatulog na ako. Nagulat nalang ako nang may mga kamay na humahaplos sa ulo ko.

"Good evening, hon. Dinner na tayo." Yaya nito sa akin. Agad naman akong napabangon.
"Hala, anong oras na?"
"It's 7pm." sagot nito. Napahinga naman ako nang malalim.
"Anything wrong? Mukhang napagod ka ata sa byahe. Kumusta ang ceremony niyo?" sunod sunod na tanong niyo. I like William more pag naiisip niya ang mga bagay bagay about me tho hindi naman siya nakakalimot na kumustahin ako every end of the day.
"Nothing. It went well naman." simpleng sagot ko rito saka tumayo at pupunta sana sa cabinet ko nang hilain ako nito muli.
"You're not okay, hon." pansin nito. Tumingin naman ako sa kanya saka at sa hindi ko namamalayan napabuntong hininga ako.
"Sorry, masyado lang akong occupied." explain ko sa kanya at nanatiling nakatingin lang ito sa akin na parang ipagpatuloy ko ang kwento ko.
"And something happened at feeling ko nagche-cheat ako sa'yo. But I didn't do anything other than crying about his reason na dapat hindi ko na ginagawa kasi diba nakamove-on na ako?" napatingin ako sa kanya. "I'm so sorry, Will. I'm sorry." hindi ko na napigilang umiyak sa harap niya. Ang sama sama ko namang girlfriend.

Naramdaman ko nalang na niyakap ako ni Will.
"It's okay, hon. It's okay. Valid pa rin naman ang feelings mo kahit matagal na nangyari 'yun. Don't worry. Everything will be okay." pag-aalo nito sa akin saka ako niyakap. "It's okay to cry." tapik pa nito sa likod ko at mas lalo naman akong naiyak.

Pagkatapos ko magdrama sa kwarto ay lumabas na kami para mag-dinner. Nakaupo na rin agad si Sammy at nakatingin sa akin.

"Did you cry, Mamaii?" curious nitong tanong. Umiling naman ako saka ngumiti ag lumapit sa kanya at hinalikan siya sa pinsgi.
"Nope, baby. Nasobrahan lang si Mamaii sa sleep." sagot ko rito at tumango naman ito saka nagready para magbless ng food.

Patapos na kami kumain nang magsalita muli si Sammy.
"Mamaii, school na ako ah." daldal nito sa akin.
"Ayaw mo ba sa States nalang magschool?" tanong kong muli. Sa nalaman ko kay Lance parang gusto ko na lamang bumalik agad sa States at manahimik.
"But, nag-eenjoy na ako dito Mamaii eh. When are we going back ba to States?" tanong niya na ikinatahimik ko. Kahit ako kasi hindi ko pa alam. Alam ko sa panahon ngayon dapat kumikilos na ako para ipaalam kay Lance si Sammy pero laging nauudlot. There's a part of me wants him to know pero mas lamang pa rin ang hindi dahil wala siyang karapatan.
"Please?" pakiusap pa muli ni Sammy at tumango na lamang ako.

Okay lang naman na i-enroll ko siya for now then if need na namin umalis ililipat ko nalang siya doon.
"Yes, baby. Don't worry. Up-up na and shower. I'll go to your room later and tell you story." agad naman itong tumayo at yumakap sa akin. "Thank you, Mamaii. You're the best." sabi niya saka umalis.

Ngumiti naman sa akin si William.
"You're always be the best Mama." sabi niya pa na ikinangiwi ko.
"Bolero mo. Sinasabi niya lang 'yun kasi ako Mommy niya at no choice siya." tinawanan ko lang ito pero agad itong umiling.
"But you are, Elle. Sammy and I will be forever grateful for having you. Hindi man ako ang Daddy ni Sammy but I can feel your unconditional love for us. I'm lucky." natunaw naman ang puso ko sa sinabi nito. William will always be the William I know. Kung ano siya noon, ganun pa rin siya ngayon.
"Heh. Enough na nga. Masyado mo na akong pinapakilig baka umiyak pa ako ulit." sabi ko rito saka tumayo ay nagready na umakyat.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon