Chapter 12

231K 2.4K 132
                                    

Chapter Twelve

Lance's POV

Nakalipas na ang dalawang araw. Halos nabusy ako sa business ko at hindi ko nakita for two days si Elle. At sa loob ng dalawang araw na 'yun ay hirapin akong makatulog.

Bukas na ang company anniversary nila Tito Gab and I'm currently here in the mall to buy a necktie na babagay sa suit na binili ko.

Nang makahanap ako ay naghanap na ako ng makakainan nang makita ko ang familiar na bata.

'Yung anak ng kapitbahay nila Steph.

Palinga-linga pa ito kaya lumapit ako.

"Hey." tawag ko rito. Lumingon naman ito pero hindi sumagot, parang naba-bother pa ito saka tumingin ulit sa malayo.

"Why? Are you lost?" tanong ko rito dahil mukhang nawawala ito at mag-isa. Tumingin naman ito muli at tumango.
"Come, I'll help you." yaya ko rito and I offered my hand.
"No, my Mamaii told me wag sumama sa stranger and you're a stranger." diretsong sabi nito sa akin
Magaling na bata, masunurin. Pero hindi na rin naman ako stranger ah.
"Okay, ano bang name mo?" tanong ko rito.
"I'm Samuel Lance but Mamaii calls me Sammy." pagpapakilala nito, napangiti naman ako.
"Nice, we almost have the same name i'm Lance Knight but you can call me Tito Lance, friend ako ni Tita Steph mo." I told to him and smiled. Mukhang hindi na rin siya natatakot at mukhang pumayag na sumama sa akin para hanapin ang kasama niya.
"Wait —- Sinong bang kasama mo?" tanong ko rito.
"I'm with my yaya. She goes there oh kasi I told her to buy me one and i'm too tired to walk to come with her so she left me here but she's so tagal." kwento nito saka tinuro ang isang store for Toy Car Collection, one of my favorite shop dati pagmay gusto akong bilhin since they have the limited and latest collectibles.
"Hmm. So you're collecting cars?" I said.
"Yes, I already have one —- no, I have many na but I want more." daldal niya pa, agad ko namang binuhat na ikinagulat pa nito at parang nahiya.
Pagpasok namin ay hindi namin nakita ang yaya niya pero nakatingin siya sa isang side ng store.
"Pick whatever you want, we'll buy it." sabi ko sabay baba sa kanya.

Tumakbo naman siya agad at kinuha ang gusto. Pagkalipas ng ilang sandali may bitbit siyang isang box ng mini cars.

"This! I like this. It's like the mini car that Mamaii gave to me. I like this set! Can you buy it for me?" sa dami niyang sinabi ay muli siyang nagtanong if totoong bibilhin ko ang kukunin niya. At habang hinihintay ang sagot ko ay nagpa-cute pa ito sa akin.

Kung may anak kami ni Elle for sure ganito na rin 'yun kabibo.

Kinuha ko naman ang gusto nito at napakunot nang may maalala. Medyo hawig nito 'yung nabili ko dati ah.

"Sure, let's bring that to the counter." Patalon talon pa itong pumunta sa counter at agad kong binayaran.
After kong bayaran ay agad ko itong ibinigay sa kanya.

"Thank you — po Tito Lance!" pasalamat niya at natawa pa ako dahil sa pahabol na 'po'. Naturuan ng mabuting asal.

"You're welcome. But first, we have to report you muna sa guard para mahanap na natin ang yaya mo for sure nag-aalala na 'yun." sabi ko rito saka hinanap ang station ng lost kid. Agad naman akong tinanong about sa pangalan nito at sinabi kong 'Samuel Lance' at agad naman kinuha ng staff 'yung details niya sa suot nitong damit at edad saka inannounce.

Sakto namang malapit kami sa Pancake House at sasabihan ko pa sana ito na kumain na rin kami at nauna na itong magturo.

"Pancake House !!" sigaw nito agad naman akong natawa. If may anak ako for sure tulad rin ni Sammy.

"You want to eat?" tanong ko rito agad naman itong tumango-tango kaya nagpaalam muna kami sa staff and told her na sa Pancake House nalang kami puntahan ng yaya niya once dumating.

Pagpasok namin ay nauna humanap ni Sammy ng table for us at may lumapit rin agad sa amin para kunin ang order namin.

"Good day! What's your order po mga Sir?" tanong 'nung staff.

"Me! I want Choco Marble Waffles! I want it with more...more...more chocolate sauce!" excited na sagot nito at ngumiti naman 'yung babae.

"Ang cute naman po ng anak niyo Sir. Sa inyo po, anong order niyo? " tanong niya rin sakin, hindi ko na rin siya tinama about sa 'anak' since I like the feeking of having Sammy in front of me and looking exactly like me.

"Same as him." sabi ko at nag-order rin ng pineapple juice for us.
"Oh? You also want waffles?" manghang tanong niya.
"Yes! At gustong gusto ko rin pagmaraming sauce." "Wow, we're the same ! Favorite ko po ang waffles." kwento nito

Tangina Lance, may nabuntis ka bang kapitbahay nila Steph? Parang kailangan ko tuloy makita 'tong kapitbahay nila.

Hindi na ito masyadong dumaldal 'nung kumain kami dahil gutom raw ito.

Sakto namang patapos na kami nang may tumawag kay Sammy.

"Sammy! Naku yari ako kay Ma'am nito..." kinakabahang sabi nito.
"Sorry, Yaya..." malumanay nitong sabi sa yaya niya. Tumingin naman yung yaya nito sa akin.
"Pasensya na po, Sir. Thank you po." nagpasalamat ito saka niyaya si Sammy na tumayo at umalis na sila. Nagulat pa ito ng makitang may bitbit si Sammy na plastic ng binili naming laruan but I told her it's okay.

Wow, what a great day. I smiled.

Kinabukasan, ilang oras na ba ako sa harap ng salamin? Iritable na ako dahil inaayos ko 'yung necktie ko. Hindi ko kasi maperfect —- kaya ayaw kong nagne-necktie. Pag sa work I like it plain and no necktie at all but this is a formal event kaya kailangan maayos rin ang suot ko dahil for sure nag-ayos rin si Elle and I want to be a perfect partner for her tonight.

What the Fuck, Lance ? Seryoso ka ba ?

Sinubukan ko muling ayusin ang necktie ko at nung medyo satisfy na ako ay umalis na ako.

I arrived 10 minutes early than the 6pm meeting time sa labas ng bahay nila Elle at agad ko naman itong tinext para ipaalam na nandito na ako sa labas.

Maya-maya pa ay lumabas ito kasama ang boyfriend nito. Gago.

Hindi na ako bumaba dahil for sure pagbubuksan naman siya ng boyfriend niya.

Nung nasa tapat na sila ng sasakyan ko ay mukhang nagpaalam na si Elle but I didn't expect her to kissed him infront of me. Puta ???!

Mukhang nawala naman ako sa mood. Binuksan pa ng boyfriend nito ang pinto para sa kanya at walang imik na pumasok. Hindi ko na pinansin ang bati ng boyfriend nito sa akin dahil gago siya.

Agad ko namang pinaandar at umalis doon. Sa sobrang iritable ko ay nagalaw ko ang necktie ko. Puta ulit.

Tahimik lang kaming nakarating sa event. Nagmadali pa akong bumaba para aalalayan siyang bumaba ng sasakyan at medyo nabawasan ang inis ko dahil nagpaalalay naman ito sa akin. "Thanks." sabi lang nito saka ko nilock ang kotse ko.

Ang ganda niya tonight and I can't take my eyes off her. Malapit na kami sa entrance nang huminto ito at humarap sa akin. Agad namang akong naestatwa nang makita ko ng buo ang mukha nito at mas lalo akong nanigas ng bigla nitong hawakan ang necktie ko at ayusin.

"Let's go." yaya nito saka humawak sa braso ko.

Holy shit. I think I won tonight.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon