Chapter 45

144K 1.5K 95
                                    

Chapter Forty-Five

Lance's POV

"Thank you Tito & Tita !" masayang pakikipagkamay ko sa kanila at hindi ko namna napigilang yakapin sana pero tinulak ako ni Tito Paul.

"Abusado ka!" sabi lang nito na ikinangiwi ko.

"Hehe." Sabi ko pero nagpumilit pa ring yakapin siya.

Natatawa naman si Tita Tin na tumingin sa amin.

"Good Luck !" sabi niya pa sa akin.

This is it.

Kanina kinakabahan pa ako pero ngayon nawala lahat ng hiya sa akin dahil sa sinabi sa akin nila Tito at Tita.

Elle's POV

Ang tagal talaga nilang mag-usap. Kinakabahan na ako kasi kahit nandito ako sa labas ng library hindi ko marinig.

Papasok na sana ako ng biglang lumabas sila ni Mommy na nakapokerface. Mas lalo tuloy akong nacurious sa sinabi nila kay Lance. Hindi kaya, ayaw na nila talaga kay Lance? Pero sila pa nga ang nagpumilit sa akin na ipakilala si Sammy kay Lance??? Mababaliw na ako kakaisip.

"Mommy !" tawag ko kay Mommy pero diretso lang siya sa paglalakad papunta sa kwarto niya.

"Daddy!" tawag ko rin rito pero hindi rin ako pinansin.

Hala.

Si Lance naman dumiretso sa kwarto ni Sammy.

Hello??? Nandito kaya ako.

Sumunod nalang ako kay Lance. Pagpasok ko nakita ko siya nakikipaglaro kay Sammy.

"So, ganun nalang iyon ? Pag labas wala nang pansinan ?!" sigaw ko kaya napatingin silang dalawa.

"Mamaii ! Why are you shouting?" takang tanong ni Sammy.

"Kakainis kasi 'yang Daddy mo! " padabog kong sabi dumapa sa kama niya.

Maya-maya naramdaman ko nalang na may dumagan na sa likod ko.

Si Lance.

"Yay ! Yey !" masayang cheer naman ni Sammy. Humagalpak naman ng tawa si Lance.

"Umalis ka nga dyan!" sigaw ko rito at agad naman itong umalis. Tumihaya naman ako kaya ngayon ay magkaharap na kami.

"Anong ---" magtatanong pa sana ako sa kanya pero naramdaman ko nalang may dumapmpi sa labi ko.

Ang tagal. Nabalik lang ako sa realidad ng humagikgik si Sammy.

Agad naman akong lumayo.

I blushed.

"Gago ka." Mahina at gigil na saway ko rito saka siya hinampas pero hindi pa rin nagpatinag niyakap niya ako saka umikot kaya ngayon ako na ang nasa ibabaw niya habang nakayakap siya sa akin. Nagpupumiglas pa ako 'nung una pero 'nung napagod ako huminto na rin ako.

"I love you." bulong niya. Nanigas naman ako sa kinahihigaan ko. Hindi ko tuloy alam kung dapat sumagot ako o hindi. may parte kasi na gustong sumagot daw ako ng 'I love you too' pero may part din na wag nalang muna. Mamaya isip nito patay na patay ako sa kanya.

Napalingon ako sa tabi namin at nakita ko si Sammy tulog na napatingin naman ako kay Lance, nakapikit na din. Tinitigan ko nalang sila matulog. Mag-ama nga sila.

Dinner time at halos walang imik kundi si Sammy lang. Magtatanong siya at sasagot naman kami and other than that wala na silang pinag-usapan. Hindi ko pa rin tuloy alam if maganda ba ang usapan nila o hindi. Pinainom ko na rin kaagad si Lance ng gamot para hindi na bumalik 'yung sakit niya. May sinat pa kasi siya kanina ng unti nang makatulog sila ni Sammy.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon