Chapter 58

123K 1.3K 59
                                    

Chapter Fifty-Eight

Lance's POV

Sa hindi malamang dahilan ay bigla akong kinabahan.

Kasalukuyan akong nasa meeting at halos hindi ako makafocus dahil sa bigla kong naramdamang kaba.

Nasa gitna palang kami ng meeting nang may tumawag sa cellphone ko at sasagutin ko na sana nang makita kong si Jasmine lang pala kaya sinawalang bahala ko ito.

Hanggang magsunod sunod ang tawag nito at naging sampung missed call na.

Mas kinabahan naman ako kasi never tumawag ng ganito kadami si Jasmine sa akin ng sunod-sunod.

Wala sa sariling sinagot ko ang tawag nito.

"Please excuse me.." inform ko sa mga ito saka lumabas.

"What!" bungad ko pero hikbi lang ang naririnig ko. Ibang ang hikbi nito.

"I'm so Sorry, Lance." Sabi nito sa kabila. Familiar ang boses nito.

"I'm so sorry, apo." Doon ko napagtanto na si Lola Gretchen !

Pero bakit naman ito nagso-sorry at bakit kasama nito si Jasmine, at bakit ito umiiyak ???

Ang dami kong katanungan pero agad naman bumalahaw ang kaba sa dibdib ko sa susunod nitong sinabi.

"I'm so sorry, apo. Si Elle..." pangalan palang ni Elle ang binaggit nito ay halos mabalik na ako sa kakaisip.

"What happened to her ???!!" hindi ko na napigilang sumigaw.

Wag lang silang magkamaling galawin si Elle at hindi ko talaga sila matatawad.

"She's here in the hospital. I didn't mean to bother you---"

"Saang hospital??!" agad naman akong tumakbo palabas habang dala lamang ang susi ng kotse ko.

Mahina naman nitong sinabi ang pangalan ng hospital at agad kong tinapos ang tawag. Buti na lamang ay hindi ako nadisgrasya sa sobrang bilis ko magpatakbo.

Sana lang ay hindi masama ang nagyari kay Elle.

Habang papasok ako ay agad akong dumiretso sa reception desk.

"Elle Li-Lopez..." focus Lance, hindi mo pa siya asawa.

"Nasa E.R po..." sagot sa akin na agad namang nagpakaba lalo sa akin.

Fuck ! Did something serious happened to her?

Putangina.

Hindi ako makakalma.

Dumiretso ako sa tinuro daan papunta sa E.R at agad kong nakita si Jasmine, Lola Gretchen, Karol at may kausap itong nakatalikod na lalaki.

Nang makita ako ni Lola ay agad itong tumayo na tila galing sa iyak.

"What did you do??!! And even you???" sigaw ko kay Lola, nararamdaman ko na anytime ay sasabog na talaga ako. Anong ginawa nila kay Elle??? Bakit magkasama sila.

Hindi naman sila sumagot. Galit na humarap naman ako kay Jasmine.

"Anong ginawa niyo kay Elle?!!!" tanong ko rito. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at makapanakakit ako ng babae.

"S-Sorry, Lance." Naginginig nitong sabi. "Humarang kasi si Elle at naitulak ko siya then..." huminto pa ito at tila takot sa susunod na sasabihin niya.

"Dinugo siya...I'm so sorry, Lance." Natataranta nitong sabi.

Tila naubusan naman ako ng energy sa katawan at nanghina.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon