Chapter 35

191K 2K 121
                                    

Chapter Thirty-Five


Lance's POV

Hindi pa rin ako nakakatanggap ng text from Elle. Balak ko sana na itext muli siya pero naisip ko na lamang na danaan ito para mas makausap ko. Alam ko, makulit ako hindi ko lang talaga na kaya pang maghintay sa text niya.

Baka nakalimutan niya lang. I need to talk to her. I know it and I can still feel it na mahal pa rin ako nito. Pilit man niyang i-deny 'yun pero hindi iyon ang nakikita ko.

Nagda-drive na ako papunta sa kanila and I can't wait to talk to her. Masyado na niya akong iniiwasan but the more na iniiwasan ako nito ay the more na mas hinahanap ko siya.

May nakahinto na kotse sa tapat ng bahay nila at ready na sana ako magpark sa harap nito nang paglingon ko sa tapat ng gate ay nakita ko si Elle, kasama ang bago nito...naghahalikan.

Agad naman akong nasaktan saka nagpatuloy sa pagda-drive instead na huminto.

No, Elle. No...

Napadiretso naman ako sa isang bar ni Dave. Wala naman ang mga gago na 'yun dito dahil sobrang busy ng mga 'yun...

Napaorder naman ako agad ng inumin at agad itong ininom. Maya-maya pa ay may lumapit na babae sa akin.

"Hi, sexy. Alone?" pangungulit nito pero hindi ko ito pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pag-inom at binalewala ito.

Tumayo naman ito at akala ko ay aalis na pero nagulat ako nang umupo ito sa hita ko kaya agad ko itong naitulak.

"What's wrong with you?" sigaw nito sa akin.

Napatayo naman ako saka iniwan ito.

I don't need any woman. I need my woman. I need Elle.

Umalis na lamang ako rito at umuwi.

'Wala lang 'yung nakita mo, Lance. Wala 'yun.' Pangungumbinsi ko sa sarili ko.



Elle's POV

Kinabukasan ay nagising ako sa iyak ni Sammy. Agad naman akong napabangon para lumabas at nadatnan ko si Sammy na umiiyak sa bisig ni William.

"No! How about my incoming Family Day? Sino na ang kasama ko?" iyak nito kay William. Nakita ko naman rito na nahihirapan itong magpaalam.

I guess William is bidding his goodbye to Sammy. Nakasilip lamang ako sa kanila at parehas sila umiiyak.

"Sorry baby, I can't be there with you but babawi si Tito Will. Promise, I'll be back..." rinig kong sabi nito saka bumulong kay Sammy. Natigil naman ang pag-iyak nito na ikinataka ko sa kanila.

Anong binulong nito?

Nagtatakang lumapit naman ako sa kanila at nang makita ako ni William ay may binulong muli ito kay Sammy at humagikgik naman ito.

"Good morning, Elle." Bati ni William, nagbago na. Dati 'Hon' pa.

Tipid naman akong ngumiti rito. Until now hindi pa rin ako makapaniwala na nakipaghiwalay na sa akin si William. Mahal ko si William kaya nasasaktan ako sa ginawa nito. Naiinis ako sa way nitong pangunguna sa nararamdaman ko.

"Galit si Mamaii sa akin, sabihin mo bati na kami." Utos nito kay Sammy. Agad naman itong lumapit sa akin at hinila ako papalapit sa kanila.

"Mamaii, bati na kayo ni Tito Will. Paalis na siya oh tapos away pa kayo?" sabi nito saka ako inilapit kay Will at mahinang itinulak rito. Agad naman akong na-out balance na buti nasalo ako ni William.

"Ooopps. Galing ko talaga sumalo." Biro ni William saka ako inalalayan tumayo nang maayos.

Hindi naman ako rito umiimik.

"Breakfast time! sigaw ni Sammy saka nauna sa dining area.

Agad naman akong pinaharap ni William sa kanya.

"Elle, I don't wanna leave you mad at me. Please..." sabi nito at agad akong niyakap.

"I'm leaving tonight.." sabi nito na ikinagulat ko.

"What? Tonight agad? Bakit ang bilis naman..." inis na sabi ko sa kanya pero tumawa lang ito.

"Ayan... I miss your voice. And I'll missing it too." Ani niya.

"Yes, I need to leave tonight. I need to be there right now." Sabi nito. May ibang kislap naman ang mata nito.

"Ang bilis naman. Masyado ka naming nagmamadali na iwan ako." Tampo ko na dito.

"Sama nalang kasi kami." Pagkukulit ko pa sa kanya pero pinisil lang nito ang ilong ko.

"Wag na makulit. Remember what your Mom told us. You need to tell Lance." Paalala niya pa sa akin. Umiling-iling naman ako rito saka tumalikod.

"Elle..." habol niya sa akin pero nagpabingi lamang ako rito.


Kinahapunan ay muli na naman kaming umiyak ni Sammy dahil paalis na si William. Hindi na siya nagpahatid sa amin dahil hindi na raw kailangan at para hindi na kami mahirapan pa.

"So, Bye-bye muna for now. I'll just keep in touch with you hon...I mean Elle." Paalam nito sa akin saka ako hinila payakap.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon