Chapter 53

122K 1.4K 131
                                    

Chapter Fifty-Three

Elle's POV

Nilibang ko nalang muli ang sarili ko after umalis 'nung Jasmine.

Humanda ka talaga sa akin, Lance.

3pm palang ay nakauwi na ito. Nandito kasi ako sa kwarto dahil hinatid ko ang gamit ko at saktong dumiretso dito sa Lance.

"Hi, love,. How's Sammy?" bungad nito pero hindi ako sumagot.

Hahalik sana ito pero lumayo ako.

Nagtatakang pumunta naman ito sa harap ko.

"Why? May nagawa ba ako?" tila kinakabahan nitong tanong.

"May bisita kang pumunta dito kanina..." malamig na inform ko rito.

Bigla naman itong naguluhan.

"Bisita? Bakit sa akin? Wala namang nakakaalam na dito na ako nakatira maliban sa pamilya ko?" nagtataka nitong sabi.

Kahit ako ay nagtaka. Wait? Oo nga naman, paano naman nalaman ng babae na 'yun na dito ang bahay ko?

Bigla naman akong kinabahan. May mali...

"Sigurado ka?" paninigurado ko rito.

Pero kilala nung Jasmine na 'yung si Lance.

"Sigurado ako. Sino ba 'yang bisita na sinasabi mo?" tila Nawala na ang kaba nito.

"Kilala ka eh, Jasmine?" taas kilay na tanong ko rito na ikinaputla nito.

"Ring a bell? Gago ka. May girlfriend ka pa pala." Sabi ko rito saka tumalikod.

Sa pamumutla palang nitong alam kong totoo nga.

Agad namang bumalik ang sakit na nararamdaman ko kanina.

So totoo nga?

"Elle..." agad naman ako nitong hinabol.

"Please...please let me explain..." pakiusap nito at pilit akong hinaharap sa kanya.

"Love, please." Sabi niya muli saka ako tuluyang humarap rito at hindi ko na napigilang umiyak.

"Lance naman..." umiiyak na hampas ko rito. Nawala ata lahat ng tapang ko kanina sa Jasmine na 'yun.

"Love, please let me explain.."

"Hindi na ba matatapos 'tong pagsubok sa atin? Lagi nalang ba talagang may susulpot para paghiwalayin tayo?" tanong ko sa kanya.

"Love, hindi naman sa ganun. Sorry if nasasaktan na naman kita. I didn't mean to. It was accident or I don't know. I don't even know if totoong ako nga ang ama 'nun. That was 4 months ago. Before ka dumating nakipaghiwalay na ako. I know sobrang gago ko pero hindi ko naman gusto na saktan ka ng paulit-ulit. Nakaraan lang rin siya nagsabi na buntis siya. Natakot akong sabihin sa'yo kasi iiwan mo ko. Pero please wag naman ganito, wag mo kong iwan please..." mahabang sabi nito saka ako niyakap ng mahigpit.

"I'm so sorry, Elle." Basag boses nitong sabi sa akin.

"Alam ko sobrang laki ng kasalanan ko sa'yo pero hindi ko talaga kakayanin if iiwan mo pa ako." Tila nanginginig pa ito habang nagsasalita.

Hindi naman ako umiimik at hinayaan lamang itong magsalita.

"Ang balak ko sana hintayin nalang lumabas ang bata kasi hindi talaga ako sigurado kung akin 'yun. Promise love, ikaw lang ang gusto kong anakan." Parang bat ana nitong sabi sa huli.

Maya'y maya pa ay lumuhod ito.

"Alam ko naman na hindi pa ito ang tamang oras para yayain ka pakasalanan ako pero pakiusap...wag mo kong iwan. Hindi ko kaya. Malalampasan naman natin 'to diba?" nangangamba nitong tanong.

After hearing his explanation, I finally decided.

Ipaglalaban ko si Lance.

No matter what happen, akin siya. Sa amin lang siya ni Sammy.

"Stand up..." sabi ko rito.

"Elle, wag niyo kong iwan. Hindi ko na kakayanin pang maiwan mo ulit. Mahal na mahal ko kayo." Umiiyak na pakiusap nito.

"Lance, tayo dyan.."

"No,hindi ako tatayo hangga't hindi mo sinasabing hindi niyo ako iiwan." Maktol pa nito.

Tinotopak na naman. Parang bata.

"Tayo na dyan..Isa.." warning ko rito.

"Ayaw..."

"Ang kulit mo, sabing tumayo ka na." sabi ko sabay punas ng luhang namuo.

Hindi ko na rin pa kakayanin na malayo kay Lance.

Tama na ang minsan naming pagkakalayo. Ngayon sabay na naming lalabanan ang pagsubok sa amin. Hindi na kami bata, may anak na kami na mahal na mahal namin at ayaw naman naming makaapekto ang decision namin sa anak namin. Enough na ang limang taon nasayang.

"Ayaw ko nga. Sabihin mo munang hindi kayo aalis." Pakiusap nito habang nasasubsob sa tiyan ko.

"Iiwan ka namin.." sabi ko nga dito at mas sumubsob naman ito lalo sa tyan ko at umiling iling.

"No..Hindi ako papayag.."

"Aalis talaga kami pag hindi ka pa dyan tumayo. Ang kulit mo..." sabi ko rito at agad naman itong tumayo.

Parang bata naman itong humarap sa akin na may bakas pa ng luha ang mata nito.

Agad ko naman itong pinunasan.

"Daig mo pa si Sammy. Ang iyakin mo." Sabi ko rito. Lumabi naman ito na parang bata.

"Hindi rin kita kayang iwan. This time lalaban na tayo pareho, pag-uusapan na natin ang mga bagay bagay. Mahal kita, Lance. At ayaw ko nang magsayang pa ng oras dahil sa hindi tayo nagkakaintinidhan ---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil siniil na ako nito ng halik.

"Hmm." Hindi na ako makapagsalita dahil mas nilaliman pa nito ang halik sa akin. Nakakadala kaya hindi ko na naiwasang rumesponde. Naging mapusok...

And after years of longing with each other.....we collide.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon