Chapter 25

203K 1.9K 45
                                    

Chapter Twenty-Five

Elle's POV

Pag-uwi ko ay hindi ko na nasabi kay Will about sa pag-alaga ko kay Lance ngayong hapon. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng guilt pero agad ko naman itong isinawalang bahala dahil sa isip ko walang malisya 'yun. Inalagaan ko lamang ito as a friend. Wait may ganun naman diba?

Kinabukasan halos late na kami nagising since it's Sunday. Buong hapon kami nagmovie marathon at as usual si Sammy ang pumili ng mga panunuorin namin. Syempre kami ang mag-aadjust. Favorite namin masyado eh. Umidlip naman kami sa hapon dala na rin siguro ng pagod ng buong linggo ay talagang bagsak at puro tulog ako.

Nagising nalang ako sa masarap na amoy. William and Sammy baked something. Paglapit ko ay nakita kong gumawa sila ng cupcakes.

"Wow. Looks so yummy ah." puna ko rito saka gutom na gutom na tumingin.
"Pwede na ba?" tanong ko muli. Aba dapat na 'yang tikman masyadong nakakatakam eh.
"Wait, Mamaii. We're gonna put some frosting pa." pigil nito sa akin at agad naman akong nagpaawa kay Will.
"Hon..."
"I'm sorry, Hon. He's the boss." kibit balikat nito.

Masyado pang focus si Sammy sa paglagay ng frosting hanggang natapos niya ito. Sobrang kalat tuloy ng kitchen namin.

At nang tikman ko...masarap nga.

"Naks baby, masarap ah." pagbibigay ko ng review sa luto nila.
"Naman, Mamaii. I made this." kita mo nga naman ang kayabangan, oo. Tinake lahat ng credit at walang tinira kay Will.
Tinawanan ko na lamang ito at ganun rin ang ginawa ni William.

Alam na namin ang kayabangan ni Sammy sa mga ganitong bagay. Iniisip ko tuloy if magb-business kaya siya or something chef ? Pero kung ano man ang gusto nito I'll always be here to support him.

Pagdating ng Monday ay tambak akong muli sa trabaho dahil sa paghahalf-day ko last Saturday Kaya late muli akong nakapaglunch. This time almost 3pm na ako nakalunch dahil tinapos ko muna ang dapat tapusin para hindi na ako natatambakan ng trabaho.

Lalo na isa-submit ko today ang files ni Sammy para makastart na siya pumasok. Kinulit pa nga ako 'nun kaninang morning.

Paglabas ko ng office ay agad akong dumiretso kay Karol to informed her na i'm done sa mga need pirmahan just check it sa table ko na may note.

"I'll just take my lunch." sabi ko rito at tumango naman ito. Niyaya naman ako niyo kanina pero sinabihan ko siya na mauna na.

Dumiretso ako sa ACEY's to take my lunch. I don't mind eating alone dahil wala namang masama doon kaya hindi ko maintindihan ang mga taong tingin sa kumakain mag-isa ay kawawa. Some people are just having their 'me time' or 'self-reflection' and it's good actually.

After I eat. Dumiretso na ako sa Kid's Academy, magiging school ni Sammy to submit the files. Sakto namang mukhang uwian na ng ibang mga bata.

Masyado namang naging mabilis ang transaction ko dito dahil dala ko na ang mga kailangan nila. After they process it, binigyan nila ako ng magiging schedule ni Sammy and things I need to buy.

Napangiti naman ako ng makita ko ang pangalan ni Sammy as an enrollee of kinder. Matutuwa 'yun for sure and I can't wait to see his reaction.

Nagpasalamat naman ako sa teacher na nag-asikaso ng files ni Sammy and took my way out of the room.

Naglalakad na ako papuntang parking lot while texting William what they want for dinner nang may mabangga ako.

"Ouch." hindi ko napigilang daing. Masyado atang malaki ang nabangga kong mama. Pag-angat ko nang tingin ay agad nanlaki ang mga mata ko.

Shit si Lance !

"Elle!"
"Anong ginagawa mo rito?" tanong pa nito.
Samantalang ako naman ay hindi makapa ang sasabihin.
"Heyyy..." tawag pa nito muli sa akin.
"Ah—-Lance!" gulat kong tawag sa kanya.
"Eh—-may dinaanan lang. Sige, bye." paalam ko pa rito saka tumalikod na. Dire-diretso lang akong papunta sa kotse ko pero ramdam ko pa rin ang titig nito sa akin.

Anong ginagawa ni Lance sa Kid's Academy? May anak na ba siya? Teka—-????

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon