Chapter 31

197K 2K 70
                                    

Chapter Thirty-One

Elle's POV

Lumipas ang isang linggo. Mas iniwasan ko si Lance. Halos araw araw itong pumupunta rito sa office ko pero lagi kong sinasabi kay Karol, my secretary na sabihing 'busy' ako. Ayaw ko muna siyang makita dahil ayaw kong nakikita si Will na nasasaktan. And I want to fix this feeling of mine.

Naguguluhan lang ako nakaraan kaya mabilis ang tibok ng puso ko.

Sobrang bumabawi ako ngayon kay Will. Halos every night nagde-date kami kahit sinabi niya naman na hindi na kailangan.

But I want him to know na siya na ang mahal ko at wala nang iba pa.

"Date?" yaya ko kay Will pag-uwi ko. Pero nakatulala lang ito sa sahig. Inulit ko pa ang sinabi ko pero mukhang hindi pa rin nito napansin na nandito na ako.

"Hey, hon." Tawag ko muli rito at isa pang tawag bago niya ako nilingon.

"Hon..." gulat nitong sabi.

"Kanina ka pa?" Tanong nito pero umiling lamang ako. Nakapagtataka ang pagkatulala nito. Parang may malalim itong iniisip.

"Problem?" ako naman ang nagtanong sa kanya na ikinailing niya saka ngumiti.

"Don't mind me. Nalulunod lang ako sa sobrang pagmamahal mo." sabi niya na ikinangiti ko.

Pero agad nawala nang biglang makita ko si Lance na nasa harap ko. Pero pag-iling ko ng ulo ko ay bumalik kay Will.

"Why?" tanong pa nito sa akin.

"Wala, sumakit lang ulo ko."

"Oo nga pala, may meeting tomorrow sa school ni Sammy. I think you have to attend. I can't attemd and..." he paused. "... I have a meeting tomorrow." Sabi niya pa.

There's something wrong with Will pero hindi ko masabi if ano nga ba 'yun.

"Okay. Ako nalang mag-attend tomorrow. Thank you, hon." Sabi ko nalang sa kanya. He insisted na dito nalang sa bahay kami kumain namiss na raw niya na nandito kami. Even Sammy agreed, lagi kasi kami sa labas kumakain at ngayon pinagluto ko nalang sila.

I spent my whole morning sa office since half day ako today. Quarter to Twelve palang ay nasa school na ako ni Sammy. Her teacher said that the meeting will be 2pm so we still have time to take our lunch and go back here in his school.

"Mamaii !" salubong nito sa akin habang nakasunod naman si Sharm sa kanya.

"Hi Mommy Elle." Bati nito sa akin na ikinalaki ng mata ko.

Wait? Nanay rin ba ako nito.

"Hehe." Tumawa lang ito sa reaction ko.

"So, lunch muna tayo?" tanong ko kay Sammy and he nodded.

"How about you Sharm. Saan na sila Mommy mo?" tanong ko rito. Hindi ko naman pwedeng iwan lang ito dito.

"They will be here na raw po any time." Sabi niya. Magtataka pa sana ako kung paano niya nalaman nang may sumulpot sa likod nito si Manang. Babysitter ata ni Sharm habang bitbit rin nito ang bag niya.

Ngumiti na lamang ako rito. Magpapaalam na sana ako nang biglang sumulpot si Steph at Dave.

"Elle!!!" tiling bati ni Steph saka ako dinamba nang yakap. Ngumiwi naman si Dave sa ginawa ng asawa tsaka lang ako tinaasan ng kilay bilang bati. Sanay na ako kay Dave, kay Steph lang naman ito madaldal talaga.

"Ang ingay mo, alam mo 'yun?" pagtataray ko rito pero yumakap lang muli ito sa akin.

"Hehe, sorry na." lambing nito.

"Magla-lunch kayo? Sabay na tayo." Yaya nito sa amin. Agad naman akong tumingin kay Sammy pero nagkibit balikat lamang ito sa akin. Snob talaga ng anak ko.

Tumango naman ako rito at sumunod sa kanila.

Isa rin si Steph sa nangulit sa akin sa office. Todo 'Sorry' pa siya pero sabi ko wag na niya masyado pang-isipin 'yun at magmove-on na kami. Parehas sila ni Lance, ang kukulit.

After lunch bumalik na kami sa school for the homeroom meeting. It's about the incoming Family Day. Medyo nagdadalawang isip pa nga ako if isasama ko si Sammy pero I realized Sammy supposedly have fun on this day and he have me naman and Will so for sure mag-eenjoy siya.

"Attend kayo ah!" sabi pa ni Steph sa akin.

"Naman, first time 'to ni Sammy kaya I will make sure he will have fun. Isasama ko si William." Sagot ko naman sa kanya at nag-iba naman ang itsura niya. Pero agad ring ngumiti.

"Yes, bring William with you para bonding...Hehe family." She awkwardly said.

Ngumiti naman ako rito saka nagpaalam na ako.

Pagkauwi naming ay agad akong tinanong ni Sammy about the incoming activity. Parents lang kasi ang nasa meeting kanina.

"So what is it, Mamaii?" usisa niya sa akin kahit

"It's a Family Day, baby." sagot ko sa kanya and he looked at me like waiting for an explanation.

"It's like a party baby that consists of your family member." paliwanag ko sa kanya. Kumunot naman ang noo nito.

"Like Mommy and Daddy?" para naman akong nasamid kahit wala naman akong iniinom. Nagtatakang tinignan ko ito pero narealized ko na rin na maybe he heard it from his classmates.

"My classmates have dads, Mamaii. But why I only have Tito Will? Where's my Daddy?" bigla nitong tanong. Hindi ako nakapaghanda.

"It's okay Mamaii. You don't have to answer it." habol niya at parang nahiya pa. Lumapit pa ito sa akin at yumakap.

"You are enough, Mamaii. I love you. You and Tito Will." Awwwe my baby. Such a sweet baby.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon