Gabi na ng makauwi si Kari sa last session ng 1 month workshop niya sa pag-aakting. Nakapag-shower na siya at ready na para makapagpahinga nang may kumatok sa pintuan sa labas ng bahay.
"Asra? Anak", katok ng isang ale.
Tumayo naman si Kari sa narinig na katok at pinagbuksan nito ng pintuan ang ale. Sa tingin niya isa lang itong fan o di kaya'y paparazzi. "Sino po sila"?
Nagkatitigan ang mga mata nila. Si Kari naman ay parang may naaalala sa mukha ng ale. Na para bang nakita na niya ito noon.
"Sino ka", tanong ng ale sa binata. "Nasa'n si Asra? Asawa ka ba niya", dagdag pa nito.
"Nagkita na po ba tayo noon", tanong ni Kari.
Napa-isip naman ang ale. "Sino ka ba"?
"Ako po si Kari Julio".
Agad na nagulat ang ale sa narinig na pangalan. "Kari Julio? Totoo ba 'to? O kapangalan lang? Kari Julio", pagtataka niya sa kanyang isipan.
"Tuloy ho muna kayo".
"Kaanu-ano mo si Alexander Julio"?
"Lolo ko ho. Sino po sila"?
Agad na nanghina ang ale. Napatalikod siya sa binata na para bang kinakabahan.
"Ale"?
"Wala. Nagkamali lang ako ng katok", sabi ng ale at naglakad na papalayo.
Nagtaka naman si Kari at sinara na ang pinto. Agad siyang pumunta sa sofa'ng nahiligan na niya'ng gawing tulugan. Malalim ang kanyang iniisip.
"Saan ko kaya nakita yung babaeng yun? Nagkita na ba kami", wika niya sa sarili. Hanggang sa ilang minuto'y pinikit niya ang kanyang mga mata at nakatulog.
Habang ang ale ay nasa isang restaurant na umorder ng makakain.
"Kari? Ikaw ba talaga si Kari? Ang anak ko", at unti-unti'ng tumulo ang kanyang mga luha. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng kanyang puso. Tila na mimiss niya makapiling ang kanyang anak na sa murang edad ay nagawa niyang iwan.
Si Leonora, ang nag-iisang ina nina Cherry at Kari. Na napalayo sa pamilya dahil ang totoo ay di ito suportado ng kanyang lolo, ni hindi nga suportado ng kanyang lolo ang kanyang ama kaya nangibang bansa ito. Di batid ni Kari ang lahat ng kanyang nakaraan, ni hindi niya alam na isa syang tagapagmana ng ari-arian. Hindi ito nabanggit ng kanyang lolo dahil ayaw na niyang gumulo ang buhay ng apo sa pakikipag agawan kay Mr. Cheng.
---Flashback---
Minsan ng sinuway ng ama ni Kari ang lolo niya sa pagpapakasal sa mama niya'ng si Leonora. Iba ang gusto ng lolo Sander niya para sa anak. Oo, anak ng lolo niya ang ama niya, at hindi ang mama niya.
Sinuway ng ama niya ang lolo niya kaya matagal ng pinutol ng lolo niya ang ugnayan nila ng anak niya. Inilayo ng lolo niya ang mga apo sa mga magulang nito.
Nang makilala ni Leonora si Mr. Cheng, humingi siya ng tulong dito na kunin ang kanyang mga anak. Ngunit si Cherry lang ang napakuha nito. Dinala ni Mr. Cheng sa malayo at hindi nagpakita kay Leonora. Dahil sa tingin ni Mr. Cheng, si Cherry ang magmamana ng kompanya. Kaya di na nakita o wala ng balita si Leonora sa anak niya'ng babae.
Di naman makalapit si Leonora kay Kari, tanging ang mga mata nalang niya ang saksi sa mga lungkot at ngiti ng bata habang siya'y nakasilip sa malayo.
Ilang buwan ang lumipas, nakilala ni Leonora si Asionato. Nagmahalan sila ni Asiong ngunit di sila mabigyan ng anak.
Hanggang isang araw, nakita nila ang isang batang babae na iniwan sa gilid ng simbahan nung araw kung kailan maaga sila'ng nagsimba. Dinala nila ito sa kanila'ng tahanan at pinangalanan ayon sa kani-kanila'ng pangalan, at doon ay nabigyan nila ng pangalan ang bata, Asra. Si Asra ang babaeng inampon nila, ang batang bigay sa kanila ng Maykapal.
BINABASA MO ANG
A House With A Brown Tape (RomCom)
RomanceNagsimula ang lahat sa isang bahay na may brown tape. Ang brown tape na naghahati sa bahay sa dalawa. Dito nagkakilala ang binata'ng si Kari, gwapo, mestiso, at maganda ang hubog ng katawan, at ang dalaga'ng si Asra, maganda, maputi, pero may katara...