--- FLASHBACK ---
Tinawagan ni Mr. Cheng si Cherry para bantaan sa paghihiganti niya kay Kari sa ginawang pagpapasakit nito sa kanyang anak na si Timber. Inalok niya ng magandang solusyon si Cherry para matapos ang galit niya sa nakababatang kapatid ng dalaga.
Pwede niya'ng ilampaso ang katauhan ni Kari, pahirapan, at tinangkaan pa ang buhay nito. Para mapigilan ang mga masasamang balak nito ni Mr. Cheng ay dapat maipaghiwalay niya ang binata at si Asra. At kung maaari ay maipakasal si Kari sa anak niya'ng si Timber.
Alam ni Mr. Cheng kung gaano kamahal ni Timber si Kari, spoiled na spoiled niya ang anak.
Hindi totoong pinakiki-alaman ni Mr. Cheng ang buhay ng anak noon dahil kung ano man ang hilingin ng anak niya, hangga't kaya niya, ibibigay niya.
Kaya sa mga sinabi noon ni Timber kay Kari, lahat ng mga yun ay imbento lang.
Sa kaba ni Cherry sa mga maaari'ng gawin ni Mr. Cheng sa kapatid ay walang pagdadalawang isip na tinanggap niya ang alok ng ginoo kahit alam niya kung gaano kamahal ni Kari, si Asra.
Malakas ang kapit ni Mr. Cheng sa mga sangay ng gobyerno at ng mga ilang pribadong kompanya, kaya ganun na lang ang napagdesisyunan ni Cherry.
--- END OF FLASHBACK ---
Nasa kwarto pa rin si Cherry, nakahiga at ipinikit ang mga mata hanggang sa ito'y makatulog.
Sa labas naman ng silid ay nagkekwentuhan sina Kari at Asra pero batid ni Kari na parang wala sa sarili ang kanyang nobya simula nung dumating ang kapatid nito. Parang matamlay at mapait ito kung sumagot sa kanya.
"Asra, may problema ba"?
Ngunit walang sagot ang dalaga sa katanungan niya.
"Asra"?
"Kari. Natatakot ako", bigla'ng sagot ng dalaga.
"Para sa'n? Andito ako. Kasama mo 'ko".
"Pa'no pag pinaghiwalay na naman tayo"?
"Hindi ko papayagan 'yan".
"Pa'no kung hindi talaga tayo para sa isa't isa"?
"Asra, hangga't mahal natin ang isa't isa, nakalaan tayo para sa isa't isa. Hindi ang panahon o sitwasyon ang magdedesisyon ng pag-ibig natin. Tayo mismo ang magdedesisyon. Kaya kung mahal mo 'ko gaya ng pagmamahal ko sa'yo, nakalaan ta'yo para sa isa't isa".
"Pero Kari... Pa'no kung"?
"Pa'no? Pa'no kung tayo talaga ang para sa isa't isa? Pa'no kung tayo talaga ang magkakatuluyan? Pa'no kung magkaanak tayo? Asra, yan ang dapat na mga tanong mo. Hindi mga negatibo. Kung iisipin mo ang mga negatibo'ng bagay, dun talaga ang punta mo. Pero kung pipiliin mo ang maging masaya, yan ang makakamit mo", at hinawakan ni Kari ang mga kamay ni Asra, "Asra, pinangako ko sa'yo. Saksi ang bahay na 'to at ang brown tape na nasa gitna ng bahay na 'to... hindi kita iiwanan. At ipaglalaban ko ang pangako'ng isinumpa ko, hindi dahil napipilitan ako, kundi dahil yun ang pinili ko, ang maging masaya sa piling mo", dagdag pa ng binata.
At ngumiti na si Asra nang marinig ang mga binitawang salita ni Kari sa kanya.
"Ako lang at ang puso ko ang pakikinggan mo. Walang ni sino ang pwedeng magdikta sa 'tin. At isa pa, kakalabas mo lang ng ospital. Wag ka'ng masyado'ng mag-isip ng mga walang kwentang bagay. Makakasama lang 'yan sa'yo", sabi pa ni Kari.
Nilapit ni Kari ang kanyang mga mata kay Asra, at dahan dahang inilapat ni Kari ang kanyang mga labi sa dalaga nang...
"Kari, Asra, Cherry, kakain na", tawag ng mama nila.
BINABASA MO ANG
A House With A Brown Tape (RomCom)
RomanceNagsimula ang lahat sa isang bahay na may brown tape. Ang brown tape na naghahati sa bahay sa dalawa. Dito nagkakilala ang binata'ng si Kari, gwapo, mestiso, at maganda ang hubog ng katawan, at ang dalaga'ng si Asra, maganda, maputi, pero may katara...