Chapter 5: Alam na!

21K 591 32
                                        

Alas nuebe na ng umaga. Gising na si Asra. Pagmulat ng mga mata niya'y pansin niyang iba ang damit na suot niya. Agad siyang lumabas at nakita niyang maayos ang kusina't sala niya. Nang tiningnan niya ang pwesto ni Kari, wala na rito ang binata.

Agad siyang kinutoban. "Yung wallpaper ko sa laptop", at agad siyang tumakbo pabalik ng kwarto. Nakita niyang nakabukas ang laptop at naka wallpaper pa rin ang mukha ni Kari.

"My gulay! Ano ang sasabihin ko? Nakakahiya! My gulay! Dapat may maisip akong paraan upang di niya masabi'ng may gusto ako sa kanya. Pa'no na", alala'ng alala si Asra. "Baka naman hindi siya ang nagpasok sa'kin rito. Baka may inutusan siyang kaibigan ko na ipasok ako at bihisan ako dahil babae ako eh. So dapat babae rin ang magbibihis sa'kin. Pero parang hinatid ko na silang lahat kagabi eh... pano na? Ahm... Relax lang Asra, dapat parang wala lang nangyari. Mas mabuti ang magbulag-bulagan para hindi kaduda-duda... infairness bulag-bulagan... kaduda-duda, are both repeated words", wika ni Asra sa sarili. "Dapat ready ako, anytime, maaari siya'ng umuwi". Kaya prinipare ni Asra ang sarili kung paano sasagutin si Kari kung magtatanong ito tungkol sa wallpaper ng kanyang laptop.

Sa shooting.

"Mahusay! Ang galing mo pala'ng umarte Kari", wika ni Cherry.

"Salamat."

"Anyway, dinner tayo. Sagot ko."

"Ha? Nakakahiya naman ho."

"Sige na. I'm just happy you performed well."

"Sige ho."

Sa dinner place. Iniwan naman nila si Bougart sa loob ng kotse ni Cherry.

"Ang ganda naman ho rito. Pero parang mamahalin."

"Okay lang yan. Dito ko dinadala ang mga taong magaganda ang performances."

"Salamat ho."

"At, isa pa Kari. I want to get you as one of my talents. I will be your manager. Ano? Payag ka?"

"Ha? A-ano po?"

"Gusto mo ba talagang ulitin ko?"

"Ahm... wag na ho. Nakakagulat lang ho."

"Ho ka ng ho diyan. Anyway. Welcome to Cherry's Team."

"Salamat ho."

"Kain ka na. Masarap yan."

"Ahm... Kari. Nung makita kita. Gumaan agad pakiramdam ko sa'yo."

"Ha", kinakabahan si Kari.

"So, na fe-feel ko magiging close friends tayo. Sana ituring mo rin akong kabarkada mo."

"Ah... bakit po hindi?"

"Natutuwa naman ako. Kain ka na."

Matapos ang dinner ay hinatid na ni Cherry si Kari at ang alaga nito sa kanilang tahanan.

"Pasok ka muna Mobile."

"Kanina ang galang-galang mo. Ho ka ng ho. Ngayon tinatawag mo na akong mobile. Sige na nga, papasok na ako."

At pumasok sila sa loob ng bahay.

Sa loob ng bahay ay agad umupo sina Kari at Cherry. Binuksan ni Kari ang supot ng binili nilang tinapay. Lumabas naman ng kwarto si Asra.

"Ahm... sino siya? Sino ang nagpahintulot sa'yo'ng magpapasok sa bahay ko?"

"Ha? Parang galit yata siya. Aalis nalang ako, Kari", wika ni Cherry.

"Teka. Bahay ko rin naman 'to ha. Hindi ako lumagpas sa linya ha", rason ni Kari.

"Ang lakas ng loob mo'ng maghari dito", galit na wika ni Asra.

"Baka nagseselos ka lang", tanong ni Kari.

Natahimik si Asra at napa-isip, "nagseselos ba ako?"

"Natahimik ka. Hoy! Boss ko 'to, yung naghatid sa'kin last time, yung sinabi mo'ng may kotse? Kaya pwede ba, bigyan mo kami ng privacy."

At agad na pumasok ng kwarto si Asra.

"Nakakahiya ka Asra!!! Grrr", wika ni Asra sa sarili sa loob ng kwarto.

Habang sa sala.

"Sino yun?"

"Si Asra. Siya may-ari ng bahay na'to. Binili ng lolo ko bago siya humimlay. Kalahati lang kasi nabayaran ng lolo ko. Kaya kalahati rin ang nakuha ko. Nakakatawa noh? Iwan ko ba kung ano iniinom ng babaeng yun kung bakit naisip niya ito. Pero pagnabayaran ko na ang kulang. Mapapasakin rin ito ng buo."

"Ganun ba? Bizarre naman yang sitwasyon mo. May brown tape pa talagang nakalinya ha kung saan hindi pwede'ng lumampas."

"Haha! Oo nga. Pasensya ka na kanina ha."

"Wala yun."

"Pasensya ka rin. Wala akong TV o ano dito."

"Okay lang", at tumayo si Cherry. "Ganito. Total, nakapasok na ako sa bahay mo.  Next time, doon naman tayo sa bahay ko. Magpapa-party kasi ako. Invited ka."

"Ah, sige ba."

"Excited ka?"

"Oo naman. Party na yan eh."

"Kung gusto mo'ng magsama, magsama ka."

"Sige. Salamat."

"Sige. Alis nako. Salamat sa pagwelcome."

"Walang anuman. Hatid na kita."

Matapos ihatid ni Kari si Cherry ay pumasok na siya ng bahay.

Nasa harapan niya si Asra.

"Party? Magsasama ka? Ako? Sasama ako."

"Ano? Matapos mo siyang pagsalitaan ng hindi maganda kanina? Sasama ka? Makapal ba talaga ang balat mo?"

"Anong paki ko kung ayaw niya sa'kin? Tsibogan nayun noh? At isa pa. Marami namang tao dun. Hindi niya ako mapapansin."

"Ah. Hindi. Dito ka lang. Feeling close ka noh?"

"Hawak ko ang kasunduan namin ng lolo mo."

"Sige na ho. Sasama na ho kayo. Hahay... buhay..."

"Yes. Hahaha!"

"Basta, ipangako mo sa'kin  hindi ka gagawa ng eskandalo dun."

"Ano ako boldstar? Gagawa ng scandal. Kakain lang ako."

"Isa pa, sabihin mo lang kung gusto mo akong kunan ng litrato. Wag yung natutulog ako. Nakakatakot kasi pag may stalker", at lumakad na sa kanyang higaan si Kari.

Natahimik ulit si Asra. "Patay, nakita niya nga", wika niya sa sarili.

"Hoy! Bastos ka! Ikaw ba nagbihis sa'kin?"

"Hoy! Pasalamat ka. Kung hindi kita binihisan... paggising mo, punong puno ka ng suka."

"Hindi... hindi... hindi ako ang naglagay ng picture mo sa wallpaper ko!"

"Sino? Si Bougart?"

"Yung... yung kaibigan ko'ng bakla. Natutulog ka nun sa party kaya kinunan ka nila ng litrato. Kapal naman ng mukha mo'ng i-feel mo'ng gusto kita."

"Ganun ba? 'Kaw bahala. Mahuli lang kitang kinukunan ako ng litrato, lagot ka. At sa sinabi mo'ng makapal ang mukha ko'ng i-feel na gusto mo 'ko. I dare you, wag ka'ng maiinlove sa'kin ha", sabay pa cute.

"Hoy! Wag ka ngang magpa-cute!"

"Bakit? Natutunaw ka?"

"Grrr... makaalis na nga", at pumasok na ng kwarto si Asra.

Agad na humiga si Asra sa kanyang kama.

"Wag ka'ng maiinlove sa'kin... ewan ko sa'yo. Kapal ng mukha mo. Makatulog na nga", at ipinikit na ni Asra ang kanyang mga mata. Ngunit dumilat siya'ng muli, tinutukan niya ang wallpaper ng laptop niya. "Bakit ba ako na-inlove sa'yo? Halimaw ka naman. Nakaka-inis. Matutulog na ako. Goodnight", wika ni Asra sa litrato ni Kari sa kanyang laptop.


A House With A Brown Tape (RomCom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon